Chapter 36

2512 Words

MAC POV "Tara na, huwag ka ng maarte pa. Hindi naman kita kakainin para matakot ka sa akin ng ganyan," naiinis na sabi ko at mabilis na hinawakan si Amie sa kanyang kamay. Nagpumiglas pa siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya kaya bahagya 'yon nakawala ngunit kaagad ko din hinuli at muli iyon hinawakan. Masama ang timpla ng mukha kong tinapunan siya ng tingin at nagsalubong pa ang mga kilay ko sa kalituhan nang makitang pula na ang buong mukha nito. "Kaya ko naman maglakad, bitawan mo na ang kamay ko," mahinang sambit ni Amie kaya napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya ngunit yumuko lang ito habang kagat ang kanyang labi. Malakas akong napabuga ng hininga dahil kinakain na ako ng matinding inis sa babaeng ito. Hinintay ko na mag-angat siya ng tingin at tignan ako sa mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD