When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Pagkatapos ng hapunan ay inihanda na ng ina ang kanilang sala para doon daw siya tuturuan ni Luan. Ayaw niya ang ideya na magiging one on one teacher si Luan pero sa nakikitang mukha at kilos ng mga magulang ay tila wala nang atrasan pa. "O, anak, hindi ka pa ba busog at hindi ka pa natayo sa kinauupuan mo?" bulalas ng kanyang ina nang mapansin nagpaiwan pa siya. "Baka naman gusto niyang magligpit ng mga pinagkainan, mahal," turan ng ama na nagpataas agad ng kilay. Gusto pa yata siyang gawing katulong ng mga ito, hindi sinasadyang napabaling siya sa kinatatayuan ni Luan habang nakairap dito. Agad nitong itinaas ang kamay at ipinakita ang kanyang hinliliit na tila nagpapaalala ng kanilang sumpaan. Mas tumalim tuloy ang tingin niya sa lalaki. "Ngayon pa niya maiisipang pag-aralan ang gan