"I'm sorry aries pero ayoko na. Hindi na kita mahal."sabi ko. "P-pero Rhina.. anong ginawa kong mali sayo?" Tinitigan ko sya. "Wala kang ginawang mali sakin at yon ang dahilan kung bakit ngayon pa lang sinasabi ko ang mga bagay na ito sayo." "Pero bakit?" Huminga ako ng malalim. "Hindi ako ang babaing sinasabi mong forever mo. Hindi ako naniniwala sa ganon. At ngayon pa lang tapusin na natin ito." Tumayo ako sa kinaaupuan ko at naglakad paalis. Hinabol ako ni Aries ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya. One year na ang nakakalipas ng maghiwalay kami ni Alfred mula ng huling pagkikita namin sa lumang Building hindi ko na sya muling nakita pa. Wala na din akong naging balita dito. Isang taon akong nag aral sa Davao at doon ko nakilala si Aries ang boyfriend ko ngayon. Anim na buwan pa l