CHAPTER TWENTY ONE ICE’s POV “Saan na ang pusa mo, Max?” Nilingon ko si Max na kakapasok din sa loob ng condo niya. “P-pusa? Ah baka nandiyan lang iyan. Makulit eh kung saan saan nagtatago.” “Hmm…” Pagkatapos kasi namin kumain ay dumeretso na kami dito sa condo niya. Magsasalita sana ako kaso hindi ko natuloy dahil bigla na lang na tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon. “Hello dad, ba’t napatawag ka?” “Hello, hija. Saan ka ba ngayon? Hinahanap ka kasi ni Felix dito sa bahay. Nag-away ba kayo?” Really? Hinanap niya ako diyan? “No, dad.” Kahit na kinikilig ako pero kailangan stick to plan ako kagaya ng sinabi ni Sam sa akin. “Hindi ko kasi sinabi sa kanya kung saan ako ngayon. Hayaan mo tatawagan ko siya.” Pagkatapos ng usapan namin ay in-off ko na 'yon at binalik na sa buls