PAGKATAPOS ng halos isang taon ay balik sa pagiging singer ang dalawa. Sina Angeloa at Angela ay muling inimbitahan na kumanta sa isang sikat na hotel sa Maynila. At dahil hindi na risin star si Angela dahil kasama na sa kaniyang mga gig si Angelo at maging ang anak na si Gelo, na nasa pangangalaga ni Maritoni, tuloy ang pangarap na binubuo ni Angelo para sa kaniyang asawang si Angela. “Handa ka na bang muling kumanta, mahal?” tanong ni Angelo kay Angela. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. Nasa mga bisig nito si Gelo, katabi ang asawang si Angelo. Nang iangat nito ang tingin sa asawa, ngumiti ito at matipid na sinagot. “Of course. Mas masaya pa dahil kasama na kita at ang ating anak.” “Awsus! Kilig to the bones na naman ako rito. Nakakaloka maging Personal Assistant s***h driver