Chapter 21: Searching

1036 Words

Angelo's Point of View Mag-iisang linggo na akong naghahanap sa kaniya pero ni anino niya ay hindi ko makita. Binalikan ko na rin ang ospital kung saan kaming dalawa ay dinala nang maaksidente kami. Subalit, bigo rin akong makahanap ng impormasyon dahil ang mismong doktor na tumingin sa amin nang mga panahong iyon ay namatay sa atake sa puso. Hindi ko na nalaman kung sino ang nag-donate ng mata para sa akin. Alam kong napaka-confidential ng impormasyong hinihingi ko sa ospital pero desperado na talaga akong malaman ang tao sa likod ng mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ko pa siya puwedeng mahanap. Kaya bago ako lumabas sa St. Luke's Hospital sa Taguig ay nagtanong pa ako sa mga nars na naroon. At napag-alaman kong wala talaga ni isa sa kanila ang nakakakilala sa babaeng hinahanap ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD