"ANGELO! ANGELA!" Kanina pa sigaw nang sigaw si Maritoni. Mula sa likuran ng bahay ay nagtatakbo pa ito papasok sa loob. Nakailang dapă na rin ito pero parang wala lang sa kaniya. Iika-ika pa itong nagtatawag ulit sa pangalan ng mag-asawa na kasalukuyang tulog pa. "Hoy, Maritonii! Ang aga mong mambulahaw! Tulog pa ang dalawa. Maghunus-dili ka dahil magigising din ang bata sa pag-iingay mo!" saway at bulyaw sa kaniya ng ina. Paakyat na sana ito sa hagdanan nang maabutan siya ng ina at mabilis na hinawakan ang tainga nito't hinila papunta ng kusina. Mabilis namang tinanggal ni Maritoni ang kamay ng ina at himas-himas nitong namumula na. "Inay naman e. Importante itong ibabalita ko sa kanila. Bakit mo ako pinigilan?" Nagpapadyak pa ito sa harapan ng ina. "Gaano ba kasi ka-importante