Chapter 21

1936 Words

Daphne   Nandito ako ngayon sa katapat na building ng gusali ni Vladimir at hinihintay kung lumabas si Nero. Siya ang kailangan kong sundan dahil siya lang ang magiging susi ko para malaman ko kung sino si Vladimir. Oras na malaman ko ay madali na lang sa akin ang malaman kung sino ang tumutulong kay Vladimir sa mga shipment niya. Habang nakatingin ako sa aking relo ay may dumating na isang kotse at lumabas doon si Nero. Pagtingin ko sa aking orasan ay alas nueve na ng umaga.   Hays. Matagal-tagal ang paghihintay ko nito at siguradong sasakit ang aking pwet kauupo sa aking motor. Kung pwede lang sanang gumamit ako ng kotse ay ginawa ko na para mas komportable ako pero masyado kasing malaki ang kotse lalo na kung emergency. Hindi ako agad makasisingit oras na gumamit ako ng kotse.  

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD