"Uy, baks! Ang gwapo ng boylet mo a," Kinikilig na sabi ni Yana sabay hampas pa nito sa kanya. Nasa isang buwang bakasyon siya pero dahil wala siyang inabutang Portia at may gunggong pang wala nang ibang ginawa kundi ang tumambay sa bahay ay napilitan si Porche na mag-volunteer sa mga medical and dental missions around Metro. Pero wala na siyang nagawa nung magpumilit si Mackie na samahan siya, sa kadahilanang baka daw maligaw siya at hindi na makabalik sa bahay. As If naman ganun na siya katagal hindi nakauwi sa Metro or ang tingin lang talaga sa kanya nung lalaking yun e, ignorante.
"Hindi ko 'yan boylet. Jowa 'yan ni Portia." Kiming sagot niya na lang. Speaking of Portia, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa kakambal pero na-contact na niya ang handler nito at sinabing may malaking modeling project ito sa Portu Rico. At ang weird lang na ultimo ata mga kaibigan at handler ni Portia, hindi kilala ni Mackie.
"Si Portia na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat! Grabe, Baks. Sinalo na talaga niya ang lahat, pati nakakalusaw-panty na jowa!" At hindi na naman naiwasan ni Porche na ma-insecure sa kakambal. Oo nga't kapag magkatabi sila ni Portia, hindi talaga malalaman kung sino si Portia at si Porche pero mas confident si Portia. Mas maganda din ang tindig nito at mas may class manamit samantalang talino at haba ng pasensya lang ang meron siya. Hindi siya confident makipag-usap sa mga lalaki, it's either hindi siya makatingin ng deretso sa mga ito, o gumagawa siya ng paraan para makaiwas sa kanila. Kaya hanggang ngayon ay NBSB pa rin siya. Ang nag-iisang matagal na pakikitungo niya sa isang lalaki ay noong nagising nga siyang katabi si Mackie sa kama, na siyang ikinainit ulit ng pisngi niya.
"Hindi rin. Gwapo nga, napakasama naman ng ugali ng lalaking 'yan, so pati sama ng ugali n'yan nasalo ni Portia, kaya hindi siya maswerte." Nakasimangot niyang sabi. Napatingin siya sa lalaking topic nila busy sa pakikipaglaro sa mga bata.
"Kahit na. Aba baks, kilala mo ba kung sino 'yan?" Inginuso pa nito si Mackie na naramdaman atang siya nag pinag-uusapan at napatingin sa kanila sabay kindat sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dahil baka isipin nito siya ang pinag-uusapan nila.
"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa sinabi niyang pangalan. Nung una kase, ang sabi niya, James Reid daw ang pangalan niya tapos naging Rexbert Marcus Guevara." She said shrugging her shoulders. "Kahit anak pa siya ng pinaka-maimpluwensyang tao sa balat ng Pilipinas, wala akong paki basta bastos pa rin siya sa paningin ko!"
"Porche, wala bang TV sa Zambales at hindi mo kilala si James Reid?" Natatawang sabi ni Yana. Tinignan niya ito ng masama kaya tumigil ito sa pagtawa. "Pero eto seryoso, big-time ang pamilya n'ya. Geez. Baks, anak ni Liam Marcus Guevara lang naman 'yang brother-in-law mong hilaw."
Natigilan si Porche sa tangkang paglalagay nung bote ng antibiotic sa lamesa dahil sa sinabing 'yun ni Yana. "Liam Guevara? Yung may-ari ng Xavier Empire?"
"Isa sa major stockholder, yes." Lalong lumaki ang inggit na nararamdaman niya sa kapatid. Ano pa bang ginusto ni Portia na hindi nito nakuha? At ano pa bang wala sa lalaking ito na naging dahilan kung bakit siya iniwan ng kakambal sa ere?
"Uy, Porche!" Bigla siyang tinulak ni Yana kaya nawala sa kakambal at sa boyfriend nito ang isip niya. "Okay ka lang ba? Nagse-space out ka, baks."
"Hindi naman. May iniisip lang ako." Kiming sagot niya.
"Hala, Baks! H'wag mong sabihing nai-inlove ka na d'yan sa jowa-ng yummy ng kapatid mo!" Exaggerated nitong sabi na ikinaagaw ng atensyon ng ibang mga nakapilang pasyente.
"Manahimik ka nga! Bubusalan ko ng cotton balls 'yang bunganga mo, e!"
Inlove? Hah! Itaga man sa bato, hinding-hindi s'ya mai-inlove sa lalaking 'yun! Kahit sabihin pang nakapa-gwapo nito, napaka-bango, nakapa-laki ng katawan at may malaki ding anes, hinding-hindi siya magkakagusto sa lalaking si Portia ang gusto.
"Is there anything else I can do to help?"
Hindi napigilan ni Porche ang mapasinghap nang bigla niya na lang naramdaman ang lalaking kanina lamang ay pinag-uusapan nila na ngayon ay nasa likuran na niya. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nitong halos nakadikit na sa likuran niya.
"Ay, pwede ka bang maging icing sa ibabaw ng cupcake ko?" Nag beautiful eyes pa si Yana habang hinahaplos yung braso ni Mackie at hindi napigilan ni Porche ang awtomatikong pag-ikot ng mga mata niya sa kinikilos ng kaibigan.
"I wanted to.. but, as you can see, may sarili na akong cupcake na papatungan."
"Bastos!" Exaggerated niyang sabi. Tama nga ang hinala niya tungkol sa lalaking 'to. "m******s ka!"
"Porche, ang bastos, nakahubad. 'Saka, walang bastos sa sinabi ko. Nasa nakikinig na 'yun kung bastos ang interpretation niya sa sinabi ko."
"So sinasabi mong madumi ang utak ko, ganun?"
"Ikaw ang nagsabi n'yan." He raise his hands in surrender saka ito nakangiting nanakbo papalayo sa kanya. At malayo na ang lalaking dahilan para maging eratiko ang t***k ng puso niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang bilis ng pagtibok nito. What's wrong with her? She's never been interested with good looking guys, not until Mackie. She felt her cheeks heated as she remember the way he look and smile at her.
"Porche?" Nag-aalalang tanong ni Yana sa kanya nung nakita nitong natutulala siya. Hinaplos pa nito ang braso niya. "Huy, ano ba Porche! Nakakatakot na 'yang bigla-bigla na lang na pagtulala mo dyan. Okay ka lang ba talaga?"
"Okay lang ako." Pabuntong-hiningang sabi niya bago niya tinignan ang tumatawang si Mackie sa malayo. "Okay lang talaga ako.
-----
"Samahan mo na kase ako."
"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit-kulit mo!"
"It's friday night Porche, c'mon.. live a little!" Hinila pa ni Mackie ang mga paa niya kasabay ng paghawak niya ng mahigpit sa headboard para hindi siya tuluyang malaglag sa kama.
"'Yun nga e, Friday night. Bukas sabado, pahinga. Walang pasok. Utang na loob, Macoy, pabayaan mo na akong magpahinga!" Naiinis na sabi niya. Ang isang buwang bakasyon na dapat ay nakalaan sa pagtulog niya ng labing-limang oras sa isang araw, o sa pagbabasa at pagde-daydream ay nauubos lang sa pangungulit ni Mackie na samahan siya kung saan-saan. "At pwede ba? Tigil-tigilan na nga natin ang pagpapanggap ko na ako si Portia because it's not working! Hindi naman tanga ang mga kaibigan mo para hindi nila mapansin na mas mataba ako kay Port-- Aww!" Paasik siyang naupo at tinignan si Mackie ng masama matapos nitong paluin ang puwetan niya. "Bat ka ba nang-aano d'yan!"
"Walang nakahalata na hindi ikaw si Portia until you started drinking and started blabbering na hindi ikaw si Portia. Hell, you even danced on stage." Her cheeks flushed at that thought. Noong nakaraang gabi nga ay niyaya siya nitong mag-bar para mag enjoy. Nag-eenjoy naman siya, hanggang sa nag-umpisa siyang painumin ng alak ni Luke na kaibigan daw ni Mackie at nag-umpisa siyang mawala sa sarili at magwala dun. "Atsaka, sino bang may sabi sa'yong mataba ka?"
Porche bit her lower lip to stop it from trembling. Sinong nagsabi sa kanya? Wala. Pero pwede niya bang sabihin na halos kasing-tangkad na niya yung insecurities niya sa katawan? Si Portia yung mas maganda, si Portia yung mas sexy, si Portia yung mas confident, si Portia yung--
'Shiz!'
Nanlalaki ang mga matang natigilan siya sa pagbibilang ng mga "mas" ni Portia when she felt his lips against hers. As in it was just the brush of his lips but it was enough to make her knees go weak, to make her heart hammering against her chest.
"Stop it, whatever you're thinking. You're beautiful in your own way, Porche."
He mentally cursed. Walang intensyon si Mackie na halikan ang dalaga but he just can't resist it. Her adorable semi-pouted lips invites her in a way Portia does whenever she's thinking.
'f*****g bullshit!'
Mali na ngang pinagsamantalahan niya ang kahinaan ng dalaga, ngayon ay ikinukumpara pa niya ito sa kakambal niya. Porche's different. She manage to charm his Dad without even trying. Manage to make his Mom like her. Mr. and Mrs. Guevara are not easy to impress kaya nga siguro bigla na lang nawala si Portia na parang bula pero nagawa ni Porche na paikutin sa kanyang palad ang mga magulang ni Mackie sa loob lamang ng isang araw na pagdala niya sa dalaga sa bahay nila. She's wickedly charming in her own ways.
He saw her touch her lips. Watched as she gulp and he can almost hear the erratic beating of her heart. He wanted to kiss her, again. He's crossing a line and he's making a mistake. A mistake he's willing to make over and over again.
Mackie leaned in closer, her scent making him insane. Sa buong buhay niya, never niyang naramdaman na ganito kabilis ang pagtibok ng puso niya. Ngayon lang. Habang kaharap si Porche. Ano bang meron ang babaeng 'to? She's been messing with his mind since day one.
"O-oo na," Porche breathed. "Sa-sama na 'ko sa'yo." Bahagya siyang itinulak ng babae palayo pero mas lalo lang nag-init si Mackie ng maramdaman niya ang mainit na palad nito sa dibdib niya.
"Porche," napasinghap siya. He place his hand on top of hers, never wanting her to let go, never wanting to let her heat escape him. "Iintayin kita sa labas. Get dress, be Porche. Siya ang gusto kong makasama, hindi si Portia."
With that, Mackie left her with her mouth wide open. Napasandal na lang si Mackie sa pintuan pagkalabas na pagkalabas niya sa kwarto ng dalaga. He put his hand on his chest, trying to make its erratic beating stop. Nate-tempt siyang balikan si Porche at halikan ulit ang dalaga, kiss her until they're both numb, until he satisfied his hunger pero pinigilan niya. He's not a jerk. He's not that kind of guy. Namimiss niya lang siguro talaga si Portia. Tama. That explains why he finds Porche attractive. He finds her attractive because she's forbidden. Ganoon naman talaga 'di ba? Kung ano yung bawal, yun ang mas masarap. Nakikita niya lang ang nobya sa kakambal nito but it doesn't mean na may karapatan na siyang pagsamantalahan si Porche. He will treat her the way he's supposed to treat his girlfriend's sister. Nothing more, nothing less.
-----
'Ano bang ginagawa mo Gian Porche?'
Pangatlong palit na niya ng damit mula nung iniwan siya ni Mackie matapos siya nitong halikan. How dare he kiss her and then left? He kissed her! Hindi niya tuloy alam kung paano niya haharapin ang lalaking kanina pa nag iintay sa kanya sa labas. It wasn't her first kiss but.. oh hell it was waaaay better than her first kiss. An innocent swept of his lips against hers matched the memory of her first french kiss. Her lips still tingle with the intensity of it. Nako-conscious tuloy siya. Kung noong mga nakaraang araw, wala siyang pakialam kahit amoy-araw pa siya habang kausap si Mackie, ngayon ay nagdadalawang isip pa siya kung anong pabango ang gagamitin niya. Not that Porche wanted to impress him, no. She's doing it for herself. Only for herself.
"Porche," She stumbled upon hearing his voice. Porche silently cursed. Ayan na naman ang pagma-malfunction ng puso niya. Ganun na lang ba palagi? Magri-rigodon na lang ba palagi ang puso niya dahil kay Mackie? "We need to go, hindi ka pa ba tapos?"
"Sa-sandali na lang." Isang ikot pa ang ginawa niya sa harap ng salamin bago siya bumuntong hininga. She's wearing a red dress with cute collar that ends just above her knees. She didn't put anything on her face. He said he wanted to be with Porche, and Porche doesn't wear make up.
"Porc-"
"Sandali naman, Mackie!" Nagmamadali siyang buksan yung pintuan niya matapos ulit kumatok ni Mackie. She come face to face with him, with only an inch in between. Napasinghap siya, her hand tighten its hold on the doorknob.
"I love the sound of my name from your mouth." He said huskily. He looked at her intently, his eyes gleam with approval. Lalo namang paulit-ulit na napalunok si Porche dahil sa biglaang panunuyo ng lalamunan niya. "Shall we go?"
Tango lang ang naisagot ni Porche matapos niyang abutin ang nakalahad na kamay na binata.
'Be still,my heart. You're not helping!' Para siyang robot na nagpapahila lang kay Mackie mula sa bahay hanggang makasakay na sila sa sasakyan. Wala siyang kapabilidad na mag-isip at magtanong kung saan ba sila pupunta at kung anong gagawin nila, paano niya pa ba naman gagawin yun kung ang sarili niya ngang puso, hindi niya kayang kausapin at patigilin sa pagtibok ng wala sa hulog?
"Vegetarian ka ba?"
"Huh? Hindi, Noranian ako." Sabay silang natigilan sa sinabi niyang 'yun, Mackie even pulled his car to a stop before he started laughing so hard-music to Porche's ear- his tears starting to come rushing down. Porche glared at him for a while pero nakakadala ang tawa ni Mackie, she started laughing with him.
"I was.. asking you.. kung.. kung vegetarian ka, hindi ko tinatanong kung Vilmanian o Noranian ka." He said in between wiping his tears away and laughing again.
"Sorry naman, nabingi lang." Nag-iwas ng tingin si Porche para hindi nito mapansin ang pamumula ng pisngi niya. She knew it has nothing to do with her humiliation, it has something to do with his eyes, his smile, it has something to do with Mackie.