Chapter 9 Clarion Gonzales' Point of View After ng nangyari sa amin ni Jared sa comfort room ay bumalik na ako sa library at pinagpatuloy ang pagreresearch ko para sa assignment ko. Mabuti na lamang at walang ibang taong nadadaan sa comfort room na iyon dahil delikado na kapag nakita kaming magkasama ni Jared. Pagbalik ko sa library ay agad ko ng inasikaso ang assignment ko. Ang hirap talagang maging estudyante, pero hindi ako susuko. Magtatapos ako ng pag-aaral. Hindi ko namalayang 5:30 na pala ng hapon. Napansin ko na din na iilan na lang ang mga nandito sa library. Baka hinihintay na ako ni Jared sa convinience store, ayaw pa naman niyang pinaghihintay siya. Dali-dali akong nag-ayos at lumabas ng school. Pagdating ko sa may convinience store ay wala akong nakitang Jared. Sinilip ko