Chapter 12 Jared Crisostomo's Point of View "Pagbutihin niyo! Kailangan nating manalo laban sa Dominic!" sigaw ko habang dinidibble ang bola. Malapit na kasi ang Championship game ng mga universities. At kung ang koponan namin ang mananalo laban sa Dominic, kami ang magchachampion sa taong ito. Matagal ng pangarap ng team na maging champion sa buong distrito at sisiguraduhin kong makakamit namin ito ngayon. "Yes, Captain!" Sigaw nilang lahat. Pinapanuod lang naman kami ni Sir. Edward, ang coach namin. Nagsimula kami sa running, dribbling and passing. And after that nagpractice game kami. Ako ang leader ng team red, samantalng si Karl-ang vice captain ko, ang leader ng blue. Tumagal ng ilang minuto ang laro namin. Nangungulelat ang grupo ni Karl, halatang mga pagod na pero lumal