Chapter 15 Clarion Gonzales' Point of View Ano ba naman itong si Jared? Pauuwiin niya akong mag-isa! Buti sana kung magagaan ang mga bitbit ko. Ni hindi man lang ako hinatid. Sabagay, sino ba naman ako? Alipin lang naman niya ako. Pero sana, kahit papaano ay ikonsidera naman niya ako. Paano ako uuwi nito? Kinuha ko ang pitaka ko sa aking bulsa at tiningnan kung magkano ang laman. Napapikit na lang ako ng makitang one hundred pesos na lang ang laman ng wallet ko. Kulang ito pang-taxi pabalik ng mansyon. No choice ako kung hindi sumukay ng jeep at maglakad ng pagkalayo-layo papasok ng subdivision nila. Napakakawawa ko naman. Bakit ba kasi ganito ang kapalaran ko? "Kailangan mo ng tulong?" Napalingon ako sa nagsalita and I saw Christian. Bagong ligo ito at mukhang fresh na fresh na.