“Siguro, hindi ko alam. Mukha ba?" natatawa kong biro kay Mimi, tumitig ako sa mata niya hinahabaan niya ako ng nguso. “Ikaw talaga, lagi mo nalang ako inaasar." may tampo niyang tugon sa akin. Natawa nalang ako, saka ulit ako bumalik nang aking tingin sa dagat. I sigh, habang naisip ko. Masyado na pala madilim, hating gabi na at hindi pa kami naka-babalik at baka nag-aalala na si Ate Wilma. Naisip ko lang, baka nakabalik na ulit siya buhat sa pagbabantay pa rin niya sa comatose niyang katawan. “Hindi ka ba takot sa tubig? O, hindi ka man lang ba natatakot na lumapit sa tubig? Gayun na tubig pala ang dahilan bakit ka multo di ba?" tanong ng katabi kong isa. Nilingon ko siya, bumaling dito. “Hindi naman. Mas gusto ko pa nga dito, nagpupunta kung minsan." sagot ko, manipis na nginitian k