Ang saya-saya ni Mimi, panay pa ang kanyang tili at pagsigaw habang umaandar yung rides na sinasakyan nila ni Britzstone. “Grabeeeeee!" sigaw pa niya. “Whaaaaaaa!" muli niyang tili habang napasulyap siya kay Britzstone. Nakatitig pala ito sa kanya at nakatingin. Nagulat si Mimi. Napasinghap siya ng kanyang hininga at ngumiti siya. “Bakit nakatingin ka?" tanong niya, napabuntong hininga. “Nagagandahan ka sa akin talaga… A-ano?" muli niyang naitanong. Kinasinghap ni Britzstone at hindi nakasagot. Nahihiya siya. Ikinapula na naman niya ng kanyang mukha at tila umurong ang dila na siyang ikinatawa muli ni Mimi sa kanya. Maganda naman talaga si Mimi. Kaya nang una pa lang ito makita ni Britzstone nuon ay tila siya lumutang sa alapaap na nuon lang niya naramdaman. Lalo na nito