“Sorry, naging emosyonal na naman ata ako." nang punasan ni Mimi ang luha niya, natawa. “Masyado atang napahaba sinabi ko at nadala ako. Sorry!" hinging paumanhin niya ulit nang nangingiti. “Tama yan, itawa mo lang." anito ng mapatingin kami ng sabay ni Mimi sa lalaki. “Hindi ka pa rin siguro maka get over sa mga pinagdaanan mo?" nang kumibo at magtanong yung lalaki. Ngumiti si Mimi dito. “Oo, masakit pa kasi." sagot ni Mimi. “Mahirap pa lang kalimutan kung labis kang nasaktan." aniyang tugon niya ulit sa lalaki. Sumagot naman siya dito. Huminga ng malalim si Mimi. “Sa totoo lang kung magku-kwentuhan tayo kulang ang buong araw. Kung ikwento ko sa'yo ang mga masasayang 'min na pagsasama-sama na tatlo nung mga panahon na wala pa ako nadiskubre sa kanilang pagsisinungaling at pagtatago