4
Eeeeehhhh! Kakagigil ka bwisit kang matanda ka!
Inis na maktol ni Blesserie sa loob ng kanyang opisina habang nakakuyom ang mga kamao at palakad-lakad siya.
Bakit ba ang mga pasaway sa panahon ngayon ay matatanda? Siya itong bata, siya pa ang responsable. Pasaway ang dalawang lolo niya sa kanyang Mommy. Ang mga tiyuhin niya, masakit sa tinggil niya. Tapos may dumagdag pang manyakis na matanda!
Bwisit ka talagang hinayupak ka!
Mariin niyang naipagdikitan ang mga labi at inis na nagmartsa na naman.
Nang bumukas ang pintuan ay hindi pa rin siya tumigil sa kapaparoon at parito habang nakayapak. Sumakit lang ang singit niya at paa sa taas ng takong ng sapatos niya pero nasayang lang ang hirap at oras niya sa lintik na Rothschild na iyon. Bastos pala ang CEO na iyon. Naturingan na isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo, napakabastos! Sira ulo ang gunggong na na iyon na tahasan siyang alukin ng s*x sa harap ng aso niya.
Hindi na nahiya ang walang hiya!
Gaga! Kaya nga walang hiya kasi makapal ang mukha.
Makapal nga ang bulsa, makapal din ang apog.
“Milk tea for our baby CEO.” Pasaring ni Mariposa bang marahan na naglakad papalapit sa ginintuan niyang mesa.
“Plus Choco mousse to soothe the coiling inis and sungit.” Anito na humagikhik pa.
Napatingin siya sa Choco mousse at napatigil sa paglalakad.
“Anong problema? Inis ka pa rin ba kina Tito Dawson?” usisa na nito sa kanya.
Mariposa is her cousin. Pamangkin ito sa pinsan ng Mommy niya at ito ang secretary niya nang mag-migrate na sa Britain si Duday na kaisa-isa niyang best friend. Isang taon na sa kanya si Mariposa at gusto niya ito sa tabi niya. Para na rin niya itong best friend dahil kapag umuuwi sila noon sa Batangas ay sila palagi ang magkalaro.
Nasa loob ng kumpanya niya ang lahat ng kapamilya na pwedeng magtrabaho.
Siya ang nagdesisyon noong sampung taong gulang pa lang siya. Nang umuwi kasi sila sa Mabini ay nakita niyang umiiyak ang isang pinsan ng Mommy niya dahil nawalan ng trabaho ang kanyang tiyuhin kaya wala rin maipagatas sa baby.
She asked her Dad if he could give her mother’s cousin a job. Awang-awa siya sa baby kaya kinuha niya lahat ng pera ng Daddy niya sa pitaka at ibinigay niya. Syempre nagpaalam naman siya. Knowing her Dad, napakasupportive niyon sa kanya.
And after that, every family member who was in need was given. May mga pinsan siya na janitor, messenger, elevator girl, executive assistant at ang mga lalaki na pwede ang kapabilidad ay nasa mga planta nila sa ibang bansa.
Para hindi maging bias ay ganoon din ang ginawa niya sa pamilya ng ama niya pero lahat naman ay mga titulado at may kanya-kanyang magandang trabaho kaya wala halos na pumasok sa ZAROMC. And still, the door is widely open if one day, those people will ask for assistance.
Napalabi si Blesserie at marahas na kinamot ang ulo.
“Nakipagkita ka lang kay Mister trillionaire, para ka ng sinapian ni Valentina sa galit.” Sabi pa ni Mariposa sa kanya.
“Talaga!” Inis na singhal niya. “He just wasted my time! Imagine, I was expecting for a decent man on behalf of his famous company, then I’ve got none! May kasama siyang babae na humihimas sa itlog niya!” Nanlaki ang mga mata niya sa inis at pati litid sa leeg ay halos mapatid pero natawa lang nang malakas ang pinsan niya.
“Paano mo naman nalaman? You peeped?” umarko ang mga kilay nito kaya lalo siyang nainis.
“No.” she crossed her arms over her chest. “I saw them. Pagpasok ko sa VIP area ng restaurant, napansin ko na parang gumagalaw ang kamay ng babae sa ilalim ng mesa. Tumuwad ako at sinilip ko.”
Lalong tumawa si Mariposa sa sinabi niya.
“Tadah! Nakita ko na nilalapirot ng babae ang kayamanan ni whatever. Kaya pala nakapikit ang walang hiya dahil ninanamnam niya ang haplos. I walked hastily, posing in front of them, and then cleared my throat.” Kwento niya.
“O? Ano namang nakakainis doon?”
“Nakakainis dahil inalok niya ako ng s*x kapalit ng shares!” inis na bulalas niya na ikinanganga ni Mariposa.
Blesserie shook her head. Lumapit siya sa mesa at kumuha ng malaking piraso ng mousse.
“You’re kidding me.” Anito.
“No I am not. He really did.” Kalmado na niyang sagot saka sumubo pa ng malaki. “Don’t you never ever tell this to my parents.”
“As if I would dare. Baka mamaya magpagpa-fiesta pa ang mga iyon na finally ay may nag-alok na ng s*x sa isang Blesserie Gift Zaragosa. Finally, may nangahas na lalaking lumapit sa kabila ng hitsura mong iyan at aura na walang kasing tatag.”
Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinsulto sa sinabi ng pinsan niya.
“Sabagay, walang pipitsugin na lalaking lalapit sa’yo. You’re a billionaire. You are beautiful. You’re almost perfect.” Dugtong pa nito. “Kaya malakas ang loob noon kasi may ibubuga siya.”
“And bubugahan ko rin siya.” Aniya naman kaya tumawa ulit si Mariposa.
“Bubugahan ko siya ng nga-nga sa mukha—sa mata niyang kulay blue para mabulag na siyang letseng matanda siya! Baka ang buhok niya sa ibaba ay ubanin na rin.”
“Ow?” Nanlaki ang mga mata nito. “May uban na siya, cous? Yuck ang tanda na nga.”
“Oo maraming uban.” She lied.
Makabawi man lang siya sa panlalait habang wala ang lalaki na iyon. Wala pa namang uban. Gwapo nga, sobra kaya lang ubod ng bastos.
“Anong ginawa mo nang alukin ka? For sure may ginawa ka. I know you so well, Bless.”
“Meron akong ginawa.” Simpleng sagot niya. Kain siya nang kain habang nagkukwento at totoong nawawala ang stress niya.
She’s not worried anyway because she burns the calories the following day.
“Sinampal ko siya at tinapunan ko ng pagkain sa dibdib.”
Namilog ang mga mata ni Mariposa at natutop ang bibig.
“Ginawa mo ‘yan kay Mister Rothschild?”
Itinaas niya ang noo at pati na mga kilay. “I did. You know me. I easily cry but I fight. Nakadepende ang ugali ko sa taong kaharap ko. Alam mo naman na para rin akong si Mommy. She’s soft but she also knows how to become a nagger.”
Tumango-tango ito habang himas ang leeg. “I know. P-Pero anong ginawa s-sa’yo? H-Hindi ka ba sinaktan? Naku, magwawala si Tito King kapag nasaling ka.”
She pouts and frowns, remembering how Mister Rothschild stood up in an instant while cursing…
“Jesus Christ! What have you done, lady?! s**t!”
Gigil iyon na tumingin sa kanya pero iniliyad niya ang dibdib at doon napako ang mga mata ng manyakis na senior citizen na si Mister Rothschild.
Salamat sa cleavage niyang maganda at mukhang nawala sa huwisyo ang lalaki.
“s**t talaga! Wanna have a fist fight? I can give all the kind of fight that you want. You can’t beat me down.” She scowled, pursing her lips and had put her hands on her waist.
Balikwas ang labi na pinagpag nito ang dibdib na may mantsa na ng sauce ng pagkain at hindi matatawaran ang talim ng titig sa kanya.
“Don’t be so relax, Miss Zaragosa. I’ll give you the best fight someday and I’m sure you’ll never forget it.” Banta nito sa kanya kaya umingos lang siya saka ito tinalikuran nang may katarayan, kasusunod ang aso niyang buntis na ng isang buwan.
Ang pagtapal niya sa lalaking iyon ng Beef Aloha ang pinakasagot niya kanina sa sabi niyon na kundisyon. She meant no and she would always mean it.
Kahit pa habambuhay silang magtitigan sa loob ng kumpanya niya, magtitiis siya kaysa isuko niya ang virginity sa lalaking iyon. Kung makaalok akala ay gasgas na siya. Saka wala siyang iintindihin dahil pihadong lalayas din iyon sa Pilipinas.
Wala na siyang magagawa kung ayaw ipagbili ang shares pero hindi niya iyon susukuan. Iinisin niya at tatarayan ang Mister Whatever na iyon sa buong panahon na tutuntong iyon sa ZAROMC building.
“Hoy, natulala ka na.” Ipinalakpak ni Mariposa ang kamay kaya napakurap siya pero biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at kulang na lang ay malaglag mula sa bibig niya ang Choco mousse nang pumasok ang lalaking pinag-uusapan nila, kasama ang kanyang Daddy.
Magkausap ang dalawa at magkangitian pa. Close na sila?
Diyos ko… natutop niya ang noo.
“Siya ‘yon. Siya ‘yon, Mariposa.” Pabulong na pinandilatan niya ang pinsan.
“Susko sobrang gwapo, cous.” Natutop naman nito ang dalawang pisngi kaya ngali-ngali niyang kutusin sa pilik mata.
Bakit naman sumunod pa sa kanya ang balahura at nagkataon pa na dumaan din ang Daddy niya?
Suot pa ni Mister Rothschild ang long-sleeves na puti na may mantsa ng sauce sa may gawing dibdib.
“Princess, baby.” Anang Daddy niya kaya pairap na lumapit siya pero sabay na napatingin iyon sa paa niyang walang sapatos.
Kung si Cayden ay ibinalik agad sa mukha niya ang mga mata, ang isa naman ay hinagod pa siya ng tingin paakyat na para siyang hinuhubaran.
“He’s looking for you, honey. He wants to meet the heads and executives. Alam ko na hindi mo matanggap sa ngayon pero karapatan niya iyon, baby.” Malambing na paliwanag ng Daddy niya sa kanya saka pinahid ng hintuturo ang sulok ng labi niya.
She rolled her eyes. “I know.” Simangot niya pero ngumiti lang naman ang ama niya.
Ano bang magagawa niya sa ama niyang mas mabait pa kay Santo Papa?
Tumingin siya sa lalaki na nakatitig sa mukha niya kaya pairap siyang umismid.
“How many minutes do we have to wait until you finish your mousse, baby?”
Tumalikod siya at padabog na naglakad pabalik sa mesa. “Hanggang sa tumanda ang senior citizen na ‘yan at mamatay.” Bulong niya kaya napahagikhik si Mariposa.
“Hi Tito King. Pina-goodvibes ko lang po si Bless kasi bad mood nang dumating. May nakaaway po yatang ubanin.” Anito kaya siya naman ang napangiti sa sarili niya.
“Ubanin? Really? Sinaktan ka ba anak?” parang nag-aalalang tanong ng Daddy ni Blesserie pero umiling siya.
“I wish he did, para naman nakatikim siya ng kagat ni Collietot sa pwet.” Sadyang parinig niya.
Pasimple siyang bumaluktot nang damputin niya ang sapatos at nang tumingin siya sa bwisita ay nakakiling ang ulo niyon habang nakapamulsa at mukhang sinisilipan siya.
Walang hiya talaga. Hindi na nahiya sa bata.
“Daddy, pakidala mo na si Mister Whatever sa conference room bago pa siya magkakilitiw.” Blesserie declared, making her father hang his mouth open. “Sara mo Daddy ang bibig mo, baka naman pasukan ng dust mites.”
Napakurap-kurap na lang ang ama niya at nailing na binalingan si Mister Rothschild.
“Come for a while, Harry. I’ll call you Harry now since you’re my baby’s partner.” Anito sa lalaki kaya nagkatinginan sila ni Mariposa.
Mukhang masama ang kauuwian ng lahat. Partner daw sila ng senior citizen.
“No big deal, Cayden. It’s fine with me. I’d like you to call me on my nickname…” Aniyon nang pumihit papalabas pero lumingon sa kanya kaya napitigil siya sa pagsusuot nang sapatos dahil sa pagitan ng hita niya napunta ang asul niyong mga mata bago nakipagtitigan sa kanya.
“Harry.” Dugtong niyon pero mukhang sa kanya sinasabi dahil hindi nga sila nagkakilala kaninang dalawa sa restaurant.
Blesserie mentally rolled her eyes. Harry Parrot! Tse!