Prologue

2641 Words
Allison's POV      NAPATULALA na lamang ako sa aking sarili mula sa repleksiyon sa salamin habang suot ang isang pulang two piece na hapit at humuhubog sa aking katawan. Animo'y isang tela na tumatakip sa pribado kong katawan ang bagay na ito. "Allison ikaw na!" Sigaw ni France dahilan para mapatango ako at tumayo mula sa pagkakaupo. Muli kong tinitigan ang aking sarili at hindi na nagdalawang isip pa at iniligay na ang pulang lipstick sa aking labi ngunit hindi ganoon kakapal. Masakit man pero ito ang katotohanang buhay na mayroon ako. Ito lang ang tanging paraan para tugunan ang mga bagay na pangangailangan ko. Sinuot ko na ang aking maskarra para takpan ang aking mukha. Maraming mga tao ang nagtatangka na tignan ang aking mukha ngunit lahat sila ay aking tinatanggihan kaya ang nagiging resulta ay nadidismaya ang mga ito. Dumiretso na ako sa likuran ng entablado dala ang isang upuan. Hanggang ngayon ay kaba pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ang bagay na ito. Ng bumukas ang kurtina ay nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa itaas hanggang sa unti-unting nagliwanag na ang lahat.  Nagsimula na ang musika kasabay ng dahan-dahan kong pagbaba sa hagdan bitbit ang upuan. Tanging mga pagnanasa ang nakikita ko sa bawat mata nila ngunit tanging sayaw lamang ang maipaglilingkod ko para sa kanila. Sumayaw ako sa upuan kahit pa isipin nila na isa lamang akong babaeng bayaran ay hindi ko na pinupuna iyon. Nadapo ang tingin ko sa isang lalaki na prentang nakaupo habang ang abo nitong mata ay nagnanasang nakatingin sa akin at kita ko kung paano gumalaw ang labi nito. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito na para bang napapatulala ako sa ginagawa niya kaya napaiwas na lamang ako ng tingin. Ng matapos na akong sumayaw ay pumunta naman ako sa pole para sumaway dito kasabay ng paghagis ng mga libo-libong pera ng mga tao rito. Kapag magaling ka rito ay mas malaki ang kikitain mo, hindi na uso sa panahon ngayon ang hiya lalo na kapag gipit ka. Mahirap man pero iyon ang katotohanan na kinamulatan ko. Waitress talaga ang trabaho ko ngunit hindi pa iyon sapat para sa bagay na pangangailangan ko kaya ito ang ginagawa kong sideline para kumita. Ngayon ko lamang napansin na dumami ang mga manunuod ngayon hindi tulad nitong mga nakaraang araw. Natapos ang pagsayaw ko na bakas sa mukha ng mga ito ang satisfaction.  Habang naglalakad papasok ay rinig ko pa rin ang sipol ng mga ito. Napansin kong pinupulot na ni France ang pera kaya bumalik na ako sa loob ng dressing room. May tagaktak ng pawis ang dumadaloy sa aking mukha dala ng suot kong maskarra. Napatingin ako sa pinto ng makita si France na papasok. "Grabe mukhang mas dumami pa ang manonood mo Ally." Sabay bilang nito sa pera kaya nagpalit na ako ng damit ko. "Mabuti naman dahil kailangan ko ng pera ngayon." Sagot ko sa kaniya habang tinatanggal ang kaunting make-up sa mukha. "Bakit hindi mo na lang tanggapin ang mga alok sa table-- sabi ko nga hindi," aniya. Alam ni France kung bakit hindi ko tinatanggap ang alok niyang bagay na iyan dahil alam ko kung ano ang sunod na mangyayari. Okay na ako sa ginagawa kong pagsayaw kahit pa hinuhubaran na ako nila sa kanilang isipan ngunit hindi ako papayag na may hawakan ng mangyayari.  Biglang bumukas ang pinto dahilan para mabilis kong ibinalik sa aking mukha ang maskarra. Ang ayaw ko sa lahat ay may nakakaalam kung ano nga ba ang totoo kong itsura lalo na't iniingatan ko ang katotohnan na ito. "Mr. France, we need to talk to you." Saad ng isang lalaki na suot ang isang formal attire na mababakas sa itsura na isang tauhan ng mayaman na tao. Napatingin sa akin si France kaya tumango na lamang ako para sabihin ayos lang ako na maiwa dito.  "Babalik din ako," sambit nito hanggang sa umalis na siya. Mahigit ilang minuto lang ay bumalik na si France ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan kaya tinanong ko na ito. "France ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sa'yo Allison pero may nag-alok sa akin para sayo ng isang million." Napahawak ako sa lamesa ng maramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod. "A--ano?" Gulat na sambit ko. "Sinabi kong hindi ako ang magdedecide kaya kausapin ka na lang." Napailing naman ako sa sinabi niya. "France alam mo naman na pumunta ako dito para magtrabaho kahit sayaw ng hubad ay ginawa ko, pero hindi para makipagtalik at bayaran ako." Sinuot ko na ang mga damit ko at tinanggal ang maskarra. "Pero Allison kapag kailangan mo ay sabihan mo lang ako." Napatingin ako sa kaniya at kinuha na ang pera. Hindi na ako sumagot pa at naglakad na pauwi at nagcommute, paniguradong magtataka na naman si mama kung bakit anong oras na ako nakauwi kaya sana lang ay tulog na siya. "Pabili nga po, halagang trenta pesos na pandesal at tatlong kape." Sabay abot ko ng bayad. Bumili na ako ng pandesal para sa almusal namin at mahigit alas tres na pala ng madaling araw. Pagkarating ko sa bahay at naabutan kong nakapatay ang ilaw kaya nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang tulog pa sila mama. Ilang taon na rin simula ng hindi ako nakapagtapos ng high school dahil sa kahirapan. Noong una ay ayaw pumayag ni mama dahil mahalaga raw na makatapos ako ng pag-aaral pero hindi na nyia napigilan pa ang desisyon kong hindi na magtapos. Napahiga na ako sa higaan katabi si Abigal. Ang bunso kong kapatid. Kinaumagahan ay napansin kong wala na si Abigail sa higaan kaya naisipan ko ng tumayo at ligpitin ang pinaghigaan dahil paniguradong kumakain na iyon ng umagahan para makapaglaro sa labas lalo na't sabado ngayon. Mamaya lang ay papasok na ako sa isang restaurant bilang isang waitress kasama ang isang matalik kong kaibigan na si, Naja.  "Mukhang masarap ang kain ng kapatid ko ah." Sabay lakad ko papunta sa mesa. "Ate salamat talaga dahil bumili ka ng paborito kong pandesal." Masayang sambit nito. Napatango ako at umupo na rin habang si mama ay nagluluto. "Saan ka galing kagabi, Allison?" Tanong ni mama dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. "A--ah medyo madaming customer lang Nay sa restaurant kaya ako na ang nagsara." Mukhang nakumbinsi naman si mama sa sinabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagsimula na kaming kumain at naalalang may iaabot akong pera kay mama. Kinuha ko sa bulsa ko ang limang libo at inabot kay mama-- "Teka anak hindi mo naman kailangan ako bigyan--" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng sapilitan kong ilagay iyon sa kamay niya. "Nanay tanggapin niyo na sige kayo magagalit ako." Pagpupumilit ko habang nakanguso. Nagliwanag ang mata ko ng mapabuntong hininga siya dahil alam ko na ang kahulugan niyon. Tinanggap na lamang ni mama ang pera na inabot ko. Ganyan talaga si mama, ayaw niya na tinatanggap ang perang ibinibigay ko sa kaniya. Ito na lang ang tanging paraan para makatulong ako sa bahay na ito lalo na at may sakit siya na dapat ay naiinom nito ang gamot sa tamang oras. Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. "Salamat dito Allison." Ngiting aniya na kinatango ko. "Nanay mauna na po ako." Pagpapaalam ko dahil may trabaho pa ako papasukan. Umakyat na ako sa itaas para maligo at magpalit ng damit. "Mag-iingat ka sa pagpasok mo." Saad niya at napatango na lamang ako at nagsimula ng maglakad para makahabol pa sa biyahe. Minsan kasi sa tuwing  tinatanghali ako ng gising ay nahihirapan akong makasakay ng bus dahil sa traffic kaya ginagawa ko ang lahat para maaga magising. Alam ni mama ay nagtatrabaho ako sa restaurant pero kung minsan ay nasa bar ako para magraket. Ilang minuto rin ng makarating na ako sa restaurant at naabutan ko si Naja na nakatayo habang nakataas ang kilay. "Sa wakas dumating ka na rin kanina pa ako nandito." Irap na sabi niya at natawa ako. "Sorry." Paghingi ko ng paumanhin. Siya si Naja Santos, ang matalik kong kaibigan at kasama ko sa trabaho dito sa restaurant. Ang totoo niyan ay siya ang nagsabi sa akin na hiring dito sa restaurant noon kaya hindi na ako nag-atubiling magpasa ng requirements at sa awa ng diyos ay natanggap ako. "Sige na buksan mo na ang restaurant, mabuti na lang at sabado ngayon." Sambit nito kasabay ng pagkindat. Pagkapasok ay nagsimula na kaming mag-ayos at sakto rin naman ng pagdating ni chef Fred at iba pang crew. Ng matapos na kaming mag-ayos ng mga gamit ay pumasok na kami sa loob ni Naja para magpalit ng kasuotan. "Alam mo ba ang gwapo ng anak ni manager Melissa." Kinikilig na sabi ni Naja dahilan para matawa ako. "Ikaw puro ka na lang gwapo kahit yung si Spade na crush mo ay gwapo sa paningin mo." Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya. Totoo naman na gwapo si Spade at hindi ko maitatanggi iyon. Aba si Naja pa ba? Eh laging bukang bibig niyan si Spade tuwing nag-uusap kami. "Ally ang bully mo talaga." Nakangusong sabi nito. 'Ally' ang palayaw ko, at iyon ang gustong itawag sakin ni Naja dahil sayang daw sa laway kung babanggitin niya pa ang Allison. Napailing na lamang ako at nagsimula na kami sa trabaho dahil ngayon medyo marami ang mga dumarating lalo na ang mga reporters para sa anak ni manager Melissa. Ngayon ko lamang makikita ang anak ni maam Melissa kaya nacurious din ako sa itsura nito. Uunahan ko na kayo, hindi purkit gwapo ang crush ko na okay? Dahil mas gusto ko ang taong humble at higit sa lahat gentleman.  Ng dumating na si maam Melissa ay kaagad kaming napatayo ng diretso ni Naja "Kamusta ang lahat?" Ngiting tanong niya. Napatulala ako kay maam Melissa dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay hindi ko maiwasan mainggit. Mayaman na, maganda pa saan ka pa? Grabe talaga ang ganda ni maam Melissa. "Ayos lang po maam Melissa." Sagot ni Naja kasabay ng pagbunggo sa balikat ko kaya nabalik ako sa huwisyo. "Mabuti naman kaya mataas ang tiwala ko sa inyong dalawa. Sha nga pala, pupunta ang anak ko dito kaya sana i-assist niyo siya," aniya sabay lapit sa aming dalawa at bumulong. "at medyo masungit kaya kaunting pasensya haha." Natawa kami ni Naja ng pilit. "I have to go, kayo na ang bahala dito at pasabi kay chef Fred na siya na ang bahala mag-assist sa kitchen." Nagpaalam na ito kaya bumalik na kami sa mga gawain at si Naja na ang nagsabi kay chef Fred ng sinabi ni maam Melissa. Napatingin ako sa pinto ng may customer ang pumasok. "Good afternoon po sir." Sabay yuko ko pero parang wala itong nakita at nilagpasan lamang ako. Ang bastos naman niyon. Napaayos na ako ng tayo kasabay ng pagtabi ni Naja sa akin. "Siya ang anak ni Maam Melissa, ang gwapo diba?" Bulong niya na kinatango ko. "Gwapo nga masungit naman." Bulong ko at mabuti na lang hindi niya narinig. Lumapit na si Naja dito at inassist. Ako naman ang bahala sa ibang mga customer dahil paniguradong hindi ko lang magugustuhan ang ugali niya. Pero umalis din naman ito pagkatapos niyang kumain at maraming mga media ang napaharang sa kaniya para interviewin ito pero dedma lang sa kaniya. Buong araw na pagtrabaho namin ni Naja ay napansin ko na lang na gabi na pala sa labas. Nagpaalam na ako kay Naja para umuwi dahil siya naman ang magsasara nitong restaurant. "Mag-iingat ka." Napatango ako sa sinabi nito. "Ikaw din, ba-bye." Paalam ko sa kaniya at nagsimulang maglakad pauwi. Alas sais na pala ng gabi paniguradong pagdating ko roon ay di ako late. Pagkarating ko sa Le Bien Bar ay dumaan ako sa likod nito dahil doon ang pagpasok ng mga dancer sa club. May mga nakakasalubong din ako na dancer sa club at halos ang mga ito ay may kasamang lalaki na mapapansin mong table nila.  Naabutan ko si France na inaassist ang ibang mga dancer na unang magpeperform kaya nakaupo lamang ako at naghihintay na matapos siya. Ng matapos na siyang mag assist ay dali-dali itong lumapit sa akin na nakangiti ang labi. "Allison nandito ka na pala, magpeperform ka ba ngayong gabi?" Tanong niya na kinatango ko. "Mabuti kung ganoon, lalo na't dumagdag na naman ang mga manunuod ngayon." Sabay kindat nito. Papasok na sana ako sa loob ng dressing pero biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa. "Sandali lang france ah." Pagpapaalam ko. "Sure." Lumabas muna ako saglit at sinagot ang tawag. Nabasa ko ang pangalan ni mama na tumatawag sa akin kaya mabilis ko iyong sinagot. "Nanay napatawag ka?--" "A--ate s--si nanay inatake na naman ng sakit niya." Nanlambot ang mga tuhod ko at tumulo ang luha ng marinig ang mga sinabi ni Abigail. Rinig ko sa boses niya ang paghikbi. "P--papunta na ako, hintayin mo si ate." Pinatay ko agad ang tawag at tumawag ng taxi hihingi na lamang ako ng tawad kay France dahil sa pag-alis ko ng di niya alam pero kailangan kong puntahan si mama ngayon. Tumulo na ang luha ko kasabay ng pagpunas ko dito. Bakit kasi ang kulit ni Mama, sinabing huwag ng magtrabaho dahil makakasama sa kaniya pero hindi nakinig. Pagkarating ko sa hospital ay nagtanong kaagad ako kung saan ang room ni mama. Nagmadali akong umakyat sa itaas at naabutan ko si Abigail na nakaupo. "Ate!" Lumapit agad ako at niyakap siya."si mama inatake na naman." Umiiyak na sumbong nito sa akin kaya hinaplos ko ang likod niya para patahanin. "Magiging maayos din si mama." Napatango siya sa sinabi ko. Inayos ko ang magulo niyang buhok at sinama papunta sa loob ng kwarto ni mama na mahimbing na natutulog sa kama. "Ate pwede ba akong tumabi kay mama matulog?" Tanong ni Abigail at napangiti ako ng pilit kasabay ng pagtango. "Oo naman basta nandito lang si ate magbabantay." Napatango siya at tumabi kay mama na wala pa ring malay. Ayon sa doctor ay dahil sa pagod niya ay nawalan siya ng malay kaya kailangan pagtuonan ng pansin ang kalusugan.  Tinawagan ko na lamang si France at kaagad din naman niyang sinagot. [Allison nasaan ka na? Ang daming tao dito kanina at hinahanap ka.] Napabuga na lamang ako ng hangin. "Sorry France sinugod sa hospital si mama kaya hindi na ako nakapagpaalam pa sa iyo." [Omygosh! Mabuti naman at umalis ka para puntahan siya, ayos naman ako dito at ako ng bahalang kumausap sa kanila. Kamusta si tita?] "Kailangan niyang magpahinga habang tinitignan mo ng doktor ang sakit niya." [Ganoon ba,] sagot nito. "Salamat pero bukas pupunta ako para kumita." [Sige basta kapag may kailangan ka tawagan mo ako, maliwanag?] "Salamat France" Pinatay ko na ang tawag at hinarap si Abigail at mama na tulog habang magkatabi. *knock knock Pumasok sa loob ang isang doctor at tinanong ako. "Ikaw ang anak ng pasyente?" Tanong niya na kinatango ko. "Kailangan niya ng operahan sa lalong madaling panahon." Nakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano'ng problema, doc?" "Mayroong acute appendicitis ang mama o tinatawag na pamamaga ng appendix kaya nagkakaroon ng pananakit ng kanang bahagi ang tiyan nito. Maaari ring makaranas ang pasyente ng pagduduwal o pagsusuka, pagkawala ng gana sa pagkain, pagkakaroon ng lagnat, at iba pa." Nanlamig ang kamay ko sa aking nalaman at tinignan si mama. "Seryoso na sakit ang acute appendicitis kaya kailangan siyang operahan habang hindi pa ito sumasakit." "M--magkano po ang aabutin doc?" Anumang oras ay parang maiiyak ako dahil sa nalaman ko. "50,000 thousand." Para akong na mental-block sa sinabi ng doctor. Ganoon kalaki ang halaga na kailangan para maoperahan si mama sa madaling panahon. Saan ako kukuha ng ganoong halagang pera? Kahit pagsamahin ko pa ang naipon ko at sashurin ko sa trabaho ay kukulangin ako.  To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD