Allison's POV
"Ally gising na." napadilat ako ng marinig ko ang sigaw ni mama."mabuti naman at nagising ka na diba ngayon ang enroll mo sa school na papasukan mo?"
"wah!" napasigaw ako at dali-daling tumakbo papuntang cr at naligo para magpalit na ng uniporme dahil nalimutan kong susunduin nga pala ako ni naja ngayon para samahan mag-enroll.
ng matapos na akong maligo ay nagsuot na lamang ako ng croptop at pantalon.
"nandyan na si naja." napatango na lamang ako sa sinabi ni mama at nagpaalam na rito.
nagdala na lang ako ng tinapay para habang nasa byahe ay kumakain.
"anong nangyari sayo para kang ginahasa." natatawang sabi nito.
"ano pa nga ba." natawa siya sa sinabi ko at pakiramdam ko ay ang sakit ng ulot ko huhuhu
"ayan kasi di nagtatanong."
"oo na." natatawang binigyan na lamang niya ako ng capsul para matanggal ang sakit ng ulo ko dahil sa alak.
sumakay na kami ng bus ni naja kaya kumain na rin ako.
"ano bang nangyari sayo kagabi at nangyaya ka kaagad umuwi? nakakatampo ka may makikilala pa naman sana akong gwapo akso naudlot dahil sayo." sabay nguso nito hanggang sa maalala ko ang nangyari kagabi.
"w-wala ah medyo sumakit na ulo ko...tama sumakit talaga yung ulo ko." nanliit ang mga mata ni naja."iyon ba ang school niyo?" sabay turo ko sa isang gusali na medyo malaki.
"yup." nakahinga na ako ng maluwag ng makababa na kami sa bus.
maraming mga estudyante ang nakakasabay naming dalawa at may iba ron na napapatingin sa amin.
"ano sa tingin mo maganda diba?" napatango-tango ako sa sinasabi niya at nakapasok na kami sa loob ng gate.
napahanga ako sa mga nakikita ko dahil sobrang laki nga nito-
"di mo ba alam na dito nag-aaral yung inaanak ni maam Melissa at sikat dito yon." napatingin ako sa kanya habang naglalakad kaming dalawa."wag ka ng magtaka eh halos ng mga studyante rito ay gusto siya at patay na patay kahit mga fans niya." natawa ako bahagya sa sinabi ni Naja dahil di ko inexpect na ang isang katulad niya ay may fans pero pwede rin naman kasi gwapo at cute.
"teka may field kayo rito?" sabay tingin ko sa isang napakaluwag na field at may mga estudyanteng naglalaro ng ibang sports.
"yup ganyan talaga dito at dapat lahat ng nag-aaral dito ay may sports na sasalihan kung hindi wala kang points sa pe." napatango-tango naman ako sa bawat paliwanag niya.
napatingin ako sa kumpulan ng mga estudyante.
"anong meron don?" sabay turo ko sa mga nagkukumpulan.
"yan ang mga TMI." nakunot ang noo ko sa sinasabi niya.
"TMI?"
"Oo, sabihin na lang natin na Taong May Ipinaglalaban ayaw kasi nila sa ugali ng isang sikat na leader sa school na toh at halos ng babae sinasamba siya."
"T-teka naguguluhan ako." sabay hinto ko sa paglalakad at hinarap naman ako nito.
"Kapag nakita mo paniguradong magkakagusto ka rin kahit nga ako eh alam mo yung pormang may dating?ganon kaya halos lahat ng babae sinasamba siya." napailing na lang ako dahil hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi niya."edi tignan na lang natin na baka isang araw makasalubong mo siya at sabihin mong di ka mahuhumaling." natawa ako dahil sa pinaglalaban niya.
nagsimula na muli kaming maglakad paikot nitong school niya at halos 3 oras na naming naikot ito pero may iba pa palang lugar dito ang hindi pa namin napupuntahan pero pagod na ako.
"kain muna tayo sa canteen." sabay hatak nito sa akin.
ako lang ba ang nakakapansin na tinitignan ako rito?o baliw lang ako?
"anong gusto mo?" pagkapasok namin ni naja sa isang malaking canteen ay siya na ang nagpresentang bumili ng pagkain.
"kahit ano na lang." napatango siya at umalis na kaya naupo na lamang ako habang naghihintay sa kanya.
*bzzt
napatingin ako sa phone ko ng magtext si mama sa akin at sinabing nakakuha na siya ng trabaho at napangiti ako.
"oww! ang ganda niya."
nanigas ang mga kamay ko dahil sa salitang narinig ko at napaikot ng tingin--ako ba ang tinitignan nila?
"sinabi mo pa pre mukhang bago dito."
napaayos na ako ng upo ng dumating na si naja.
"oh bakit natulala ka diyan?" napatingin muli ako sa grupo ng lalaking nakajersey na blue nakatingin sa akin."ahh Ally sinasabi ko sayo wag kang lalapit sa mga yan." natawa ako dahil sa tono ng pananalita niya ay may sungit."mukhang tipo ka nila kaya mag-ingat ka hahaha." nagtawanan kami pareho ni naja.
nagsimula na kaming kumain at kinwento ko sa kanya na nakapasok si mama sa isang trabaho kaya sasama rin siyang magcelebrate.
"ano naman trabaho ni tita?"
"hindi ko pa alam hintayin na lang natin na si mama ang magsabi." napatango-tango siya sa sinabi ko.
ng matapos na kaming kumain ay nilibot muli namin ang buong school niya at salamat dahil cincancel pala ang klase nila dahil maraming mga bago ngayon ang nag-enroll.
"wait diyan ka lang." nakunot ang noo ko ng pigilan ako ni naja maglakad.
"bakit?"
"basta diyan ka lang wag kang aalis maliwanag?" kahit naguguluhan ay nakinig na lamang ako sa sinabi ni naja.
hanggang sa mapansin ko na lamang na parang may kakaiba sa kinikilos niya at napasinghap ako ng biglang may sumanggi sa likuran ko dahilan para bumagsak ang pwetan ko sa lupa--huhu ang sakit.
napatingin ako dahil mga kumpulan na babae pala ang nakasanggi sa akin--nagtaka ako dahil may palad na lumahad sa harapan ko at tinitigan ko ang may-ari nito.
"take it." kahit naguguluhan ay tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad at ramdam ko init nito.
"omygash!ang cool talaga niya."
"sinabi mo pa wah!"
naramdaman ko na lamang na nilagpasan ako nito at umalis na parang walang nangyari.
"ano bayan ang epic naman non." napatingin ako kay naja at sinamaan siya ng tingin pero ang loka tawa lang ng tawa."chill lang ally."
"baliw ka ba?aish!naja naman eh." naiinis na talaga ako sa kanya! dahil sa susunod di na talaga ako maniniwala sa mga trip niya
"haha sorry okay?akala ko naman kasi papansinin ka ng inaanak ni maam melissa pero mukhang wala ka lang hahaha." nilagpasan ko na lamang si naja pero siya tawang-tawa.
aish! naloko ako ni naja.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naja point of view
grabe! ang epic non Hahaha kung makita niyo lang mukha ni ally starstuck.
Spell A-W-K-W-A-R-D ganon sila promise.
hindi ko alam na kahit si ally ay magiging cold siya ganon talaga yon si Jaycob kahit nung mga high school pa ang kami sa tuwing nakikita ko siya-
"ally wait Hahaha." mukhang nagalit ang bestfriend ko, kayo kasi eh hahaha
ng maabutan ko na siya ay nakanguso ang labi nito na tila nagtatampo.
"uy sorry na."
"bakit mo naman kasi ginawa yon." maktol nito.
naglalakad na kami ni ally pauwi ngayon dahil magcecelebrate pa kami nila tita dahil nakanahanap na siya ng trabaho.
"di ko naman alam na kahit sayo cold pa rin yon pero impyernes ah tinulungan ka di tulad ng iba na nagpapapansin pero di niya pinupuna hahaha iba talaga ang alindog ng isang allison." sabay palakpak ko dahilan para hampasin niya ako sa braso ko.
puro tawanan lang kami ni ally kahit hanggang sa pagsakay sa bus kaya ito tinutukso kosiya na baka gusto niya si jaycob.
"Naja tigilan mo nga ako sa kabaliwan mo." sabay tingin nito sa bintana.
"asus pakipot ka pa ally pero kung makatitig ka parang wala ng bukas kanina kay jaycob." nanliit ang mga mata nito kaya natahimik na ako.
naku kapag ganyan yan si ally matakot na kayo.
omo excited na ako sa celebrasyon ni tita!
pagkababa namin ni ally ng bus ay napakapit ako sa braso nito habang naglalakad.
"mabuti naman minulat ka na ni tita na kailangan mong mag-aral." napatingin ito sa akin at ngumiti.
"tama rin naman si mama." napatango-tango ako at nakarating na kami sa bahay nila at naabutan namin si tita na mukhang kanina pa kami hinihintay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hannah point of view
[ maam okay na po. ]
"salamat mang ernesto maasahan po talaga kayo." inend call ko na ang tawag at napatingin sa pinto ng bumukas ito. "sweety why are you here?come in." tumakbo agad papalapit sa akin si Leo ang bunso kong anak."teka bakit may sugat ka sa labi?" napaiwas naman ito ng tingin.
"pinapatawag po kayo sa guidance." napatayo ako ng maayos at hinarap siya na nanliliit ang mga mata.
"Leo ano na naman bang nagawa mo?"
"Mommy sila ang nauna eh kaya gumanti ako." napabuga na lamang ako ng hangin at lumuhod sa harap nito.
"sweety hindi mahalaga kung sila ang nauna sinabi ko sayo diba na kapag pinatulan mo--"
"I know mommy Im looser." natawa ako bahagya sa tono ng pananalita nito.
"hindi sa ganoon sweety pwede ka naman gumanti sa isang bagay na di ka makakapanakit." napatango-tango siya sa sinabi ko.
"sa susunod di na ulit ito mauulit maliwanag?" napatang muli siya.
"yes mommy."
"good balik ka na sa kwarto mo." umalis na ito akya napahinga na lamang ako.
hays mga anak ko talaga ang tatapan--naramdaman ko na lang na may kamay na yumakap sa beywang ko.
"what happened?"
"napaaway na naman si Leo pwede bang kausapin mo?" nagkaharap na kaming dalawa at tumango naman siya.
"okay if thats what you want but in one condition." sabay ngiti nito kaya hinampas ko siya sa braso.
"Hubby tigil-tigilan mo ko sa mga kahibangan mo." natawa siya sa sinabi ko.
"what?okay if you don't want--" natatawang sabi nito
"okay okay kausapin mo na." sabay tulak ko dito paalis.
minsan talaga kahit may edad na kami ang gwapo pa rin ng asawa ko.
napatingin ako sa cellphone ko at napangiti.
gagawin ko ang lahat para makabawi sayo --ate
To be continued...