Czarina's P.O.V "Babe, I just want to say something!" sigaw ko. Nandito kami ngayon sa bahay, nakaupo siya sa sofa at kakahugas ko lang ng pinggan na pinagkainan namin ng breakfast. Naisip ko kase kung ayos lang sa kaniya na bilhan namin si Mama ng damit. "What is it?" tanong niya at tumingin sa akin. "Hhhmmm What if-?" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Wait!" sabi ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Unknown number siya pero sinagot ko pa rin. "Hello?" tanong ko at napatingin kay Blake. Napangiti ako nang masama ang tingin niya sa akin, I am no longer scared of him. "Is this Ms. Czarina Rodriguez?" tanong ng isang babae. "Oo ako nga po," sagot ko. "Kailangan niyo pong pumunta dito sa hospital. Emergency po, ang Mama ni