Chapter 8: Kenji

3766 Words
"Okay ka na ba?" Hindi ko man sadya ngunit lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon nang makitang bumangon si Damon. Tumingin siya sa akin, pinagmasdan ako ng ilang segundo bago niya ako binigyan ng isang tipid na ngiti at tango. Pinanuod ko ang pagpunta niya sa banyo. Pinakinggan ko ang buhos ng tubig sa ginagawa niyang paglilinis ng katawan pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nang lumabas siya mula roon ay nakatapis na lang siya ng tuwalya. Nag-iwas ako ng tingin at pinapakinggan ang ingay na gawa niya habang nagbibihis siya. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang ikulong nila kami sa silid na ito. Masasabi kong naging makatao naman ang trato nila sa amin pagkatapos nila kaming itakas sa warehouse na dating pinagkakakulungan nila sa amin noong sugurin sila ng mga tauhan ni Tito Isly. Oo. Bukod sa sila lang ang magliligtas sa amin mula sa mga kidnappers namin, ipinaalam din iyon ni Takashi. Siya ang isa sa mga leader ng grupong naghahangad na mapabagsak si Tito Isly sa pamamagitan namin. Pagkatapos niyon ay dito kami dinala. Sa isang silid na pinagkulungan nila sa amin mula ng araw na iyon. Meron naman itong sariling banyo, may iisang higaan na ipinapagamit ng solo sa akin ni Damon dahil sa lapag siya natutulog. May mga unan at kumot naman. Binigyan rin nila kami ng aming bihisan. At dahil bagong bili naman ang mga ito dahil sa mga etiketang nakakabit pa ng dalhin sa amin ang mga damit, hindi na kami nangingiming isuot ang mga iyon. May mga bagong toothbrush din, toothpaste at sabon kaming ginagamit. Bukod sa mga iyon ay wala na kaming makitang gamit na pwede naming gamitin upang makatakas kami. May dalawang bintana nga ang silid na ipinapagamit sa amin ngunit lubhang napakataas naman ng mga iyon at kahit sumampa ako kay Damon ay hindi namin iyon maaabot. Isa na lang himala ang hinihintay namin upang makatakas kami rito. Nang wala na akong marinig na ingay ay humarap na ako sa kanya. Bihis na siya at mas maayos na ang itsura niya kumpara sa mga unang araw namin dito. Nawala na ang mga nangitim na mga pasa sa mukha niya dala ng ginawa nilang pambubugbog sa kanya noong gabing iyon. Magaling na rin ang naging sugat sa may ulo niya. Kaya naman habang pinagmamasdan ko siya ngayon, hindi ko mapigilang humanga sa mamula-mula niya kutis kahit na sabihin pang lumalago na ang mga buhok niya sa mukha. "I know you're already hungry but let me remind you that I'm not the food," may pagbibiro niyang saad ng mapansing titig na titig ako sa kanya. Iningusan ko siya at agad na nag-iwas ng mukha upang hindi niya makita ang pamumula ng dalawang pisngi ko. "If you're a food, then you're the spoiled one," nakaingos ko pa rin na sabi sabay halukipkip. Pabagsak naman siyang naupo sa tabi ko. Sa loob ng isang linggo na pagsasama namin sa iisang silid ay natuto na kaming pakibagayan ang isa't isa. "Spoiled? What's that in Tagalog anyway?" kaswal niyang tanong habang pinupunasan ng tuwalya ang basa pang buhok niya. "Panis. That's the term," sagot ko sa tanong niya. At tama siya. Kanina pa ako gutom ngunit wala pa ring dinadalang pagkain namin dito sa silid. Ngayon lang nangyari na late nila kaming dadalhan ng pagkain. "I think those assholes are starting to kill us. I don't want to die of hunger. That will be very embarrassing," pakikipag-usap niya kaya natawa ako sa kanya. "Oo nga. Nakakahiya naman sa pamilyang Vladimier na ang isa sa kanila ay mamamatay dahil sa gutom eh ang yaman-yaman ng pamilya n’yo. Tapak na tapak ang pride n’yo ‘nun." Natawa ako nang lalong sumimangot si Damon. "Kahit panis ang dalhin nilang food, I'd still eat it," pilit niyang pagta-Tagalog na ikinalapad ng ngiti ko. Mukhang nasasanay na talaga siyang makipag-usap ng Tagalog sa akin. May mga alam naman siyang Tagalog words ngunit limitado lang ang mga iyon. Kahit papano ay may dalang galak sa akin na may naituturo ako sa spoiled brat na ito. "I am just eating everything that they could offer because I am saving strength. Isang chance lang, Kenji, isang chance lang ang hinihintay ko para makaalis tayo rito." Nawala na ang pagrereklamo sa boses niya kaya napasulyap ako sa kanya. Wala na siyang kangiti-ngiti at nakikipaglaban na ng tingin sa pintuan ng aming kulungan. "’Wag kang mag-alala. I know Tito and your family are doing everything they can to save us. Soon, makakain na natin lahat ng gusto nating kainin. Makakaalis na tayo sa lugar na ito. Makakabalik ka na sa dati mong buhay. At ako naman ay maitutuloy na ang mga plano ko." I assured him. Kahit nakakainip na nga talaga ang maghintay na may dumating na para iligtas kami, ayoko pa ring mawalan kami ng pag-asa. Ang tiwala kay Tito Isly at sa mga Vladimier ang pinanghahawakan ko upang hindi tuluyang bumigay ang loob ko. "And what the f**k is taking them so long?" may halo ng galit sa boses ni Damon kaya tuluyan na akong humarap sa kanya. "Sa'yo nanggaling kanina ang salitang one chance. Daragdagan ko iyon ng mga salitang perfect timing. Hindi lang natin alam ngunit baka pinaplano na nila ang susunod nilang pag-atake. Hindi natin alam ngunit baka nasa paligid lang sila, naghihintay ng pagkakataon." "You seem so sure," malamig na saad ni Damon. Tipid akong napangiti nang mahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Sabagay, medyo bata pa kasi itong tukmol na ito. Matampuhin pa. Naiintindihan ko naman siya. Ganon kasi ako noong mga panahon na walang oras sa akin at kay kuya ang mga magulang namin. At sa dami ng mga panahon na wala sila, nagsimula na lang kaming masanay ni kuya, maging manhid. Sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Marami na akong ginusto na hindi ko nakuha. Hindi lamang pagmamahal at atensiyon. Hindi lamang mga plinano ko noon. At nito ngang huli ay ang taong binalak kong makasama sa pagtanda ko. Ngunit ganon nga talaga ang buhay, hindi lahat ay aayon sa kagustuhan ng iisang tao lamang. He needs to survive to whatever was given to him at choice na ng tao kung paano iyon gagawin. Gaya ng sitwasyon namin ni Damon. Kung magpapadala kami sa bugso ng damdamin namin, baka iyon pa ang maging sanhi ng kahinaan namin. And I don't want that to happen to me again. Nangyari na iyon noon, ayoko na iyong maulit pa ngayon. Ayoko nang makulong sa negativity. Kailangang puro positibo na ang maging pananaw ko sa mga bagay-bagay kahit na nasa negatibo kaming sitwasyon ngayon. "Alam mo bang nagkasakit ako ng cancer?" Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Damon ngunit nanatili akong nakatingin sa pader. Alam ko ring naghihintay siya ng idurugtong ko sa sinasabi ko kaya nagpatuloy lang ako sa pagkukuwento. "Halos mabaliw ang parents ko noon. Kulang na lang ay kuwestiyunin nila ang mga doktor na nag-diagnose sa akin ng sakit na iyon noong malaman nila. Pero ako? Hindi ako nagwala. Hindi ako nagalit. Puro kamalasan na ang nangyayari sa buhay ko noong mga panahong iyon, puro galit na ang nararamdaman ko kaya noong nalaman kong malapit na akong mamatay, ang nasabi ko na lang ay, this is the end of my suffering." Isang malungkot na ngiti ang namutawi sa mga labi ko habang inaalala ko ang mga nakaraan. "Ni ayaw ko na ngang magpagamot noon. Handa na akong mawala sa malupit na mundong ito. I was ready to go away and just wait for my demise ngunit bumalik sa akin si Azyra. Nagkaroon ako ng pag-asa. Nagkaroon ako ng drive na mabuhay pa. Gusto ko pang mabuhay ng matagal para makasama ko siya. Kaya pumayag akong magpagamot. Hindi birong sakit ang dinanas ko sa tuwing kinakailangan kong ma-chemo. Naglagas ang mga buhok ko, pumayat ako, pumangit ako. Pero nandoon si Azyra at ang mga magulang ko. Nakaalalay lang sa akin. Ngunit alam mo, kahit naroon sila kung ayoko talagang gumaling, hindi ako gagaling.  Ang nagpagaling sa akin ay ang kagustuhan kong mabuhay pa. Ang determinasyon kong maka-survive ang nagpalakas sa akin. At iyon ang labis na nakatulong kaya buhay ako ngayon." Sa pagkakataong iyon ay liningon ko na si Damon. Ngumiti ako sa kanya nang makita kong titig na titig siya sa akin. "Akala ko, iyon na ang pinakamatinding pagsubok na darating sa buhay ko. Hindi pa pala. Nalaman kong nagpapanggap lang pala si Azyra. Nalaman kong pinilit lang siya ng mga magulang ko para magpagamit sa kanila upang magpagamot na ako. Nalaman kong hindi na pala ako ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Nalaman kong hindi na pala ako mahal ng taong mahal ko. At nang tuluyan ko nang maintindihan at matanggap ang lahat, noong nakapagdesisyon na akong harapin ang panibagong yugto ng buhay ko ay heto. Nakidnap naman ako. Sunod-sunod ang dagok sa buhay ko, ‘di ba? Pero tignan mo nga naman, buhay pa rin ako hanggang ngayon." Isang pagak na tawa ang pinakawalan ko. "At naniniwala akong hindi ito ang katapusan ko. My life won't end up here. Naniniwala akong makakaligtas tayo rito. Maaring hindi pa ngayon ngunit ayokong mainip. Mas mabibigat ang pinagdaanan ko noon at nalagpasan ko lahat ang mga iyon kaya nakatitiyak ako na malalagpasan ko rin ito." "Kenji, I'm sorry." Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang paghingi ng paumanhin ni Damon kaya muli akong lumingon sa kanya. "What are you saying sorry for? Dahil ba isa ka sa mga nanghusga sa akin noong hindi n’yo pa alam ang tunay na sitwasyon? Dahil ba isa ka sa mga galit noong umiiyak si Sachi dahil sa amin ni Azyra? Dahil ba sa pansusuplado mo sa akin noon sa bahay nila Tito Isly? O baka naman dahil, masyado kang madrama ngayong umagang ito?" pagbibiro ko sa kanya. Guilt flooded Damon's face and I knew that I hit a nerve. Hindi naman mahirap mag-conclude na ganon ang tingin nila sa akin. Sa mga pinsan pa lang nilang nakilala ko sa Pilipinas, alam ko nang nahusgahan na nila ako without hearing my side. It hurts. Hindi naman ako isang daang porsyentong manhid para hindi makaramdam ng sakit. Oo, kung noon siguro baka sobrang magagalit pa ako. Pero kung haharapin ko ang galit ko sa ginawa nilang panghuhusga sa akin noon, ano na lang ang mangyayari sa amin ni Damon ngayon? Hindi ito ang panahon ng panunumbat. Mas kailangan namin ang isa't isa ngayon. "I'm really sorry, Kenji. You're right. We judged you. We..." "Kalimutan na natin iyon," pagpuputol ko sa ano pa mang sasabihin ni Damon. "What? No! I..." "Kalimutan na natin iyon," mas matigas kong utos sa kanya. "Ganon naman ang tao, ‘di ba? Kahit hindi nila alam ang buong kuwento, madali sa kanila ang manghusga. That's human nature. Besides, hindi ka na ata makahinga sa guilt na nararamdaman mo at ayoko nang dagdagan pa ang pagdurusa mo kaya kalimutan na lang natin iyon. Ang importante ngayon, alam mo na ang lahat," pagtatapos ko sa usapan. Malakas na nagbuga ng hangin si Damon bago nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Okay, if that's what you want. And you're damn right. Gutom na gutom na gutom na ang tiyan ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakarinig kami ng tunog na inaalis na ang pagkaka-lock ng pintuan mula sa labas at ilang saglit pa ay tuluyan nang bumukas iyon. Pumasok ang dalawang lalaki na may dalang mga tray ng pagkain namin. Nasa likod nila ang isa pang tauhan na may dalang mahabang baril at nakatutok sa amin. "Finally!" Damon sarcastically said as he gave the men some killer eyes. "Be thankful we give you food! There's strong typhoon. We need to buy foods outside!" Galit na turan naman ng isa sa mga lalaki gamit ang bali-baling Ingles. "Be thankful... blah, blah," panggagad ni Damon sa kanya. Umikot naman ang mga mata ko. May pagka-gago talaga ang Damon-yong ito. "Hey, gago." Damon called out when the men started to leave after placing the trays on the floor. Nanlaki ang mga mata ko at kulang na lang ay mapalo ko ang sariling noo ko sa katarantaduhan ng kasama ko. "I need a shaver!" parang nag-uutos sa isang alila na saad ng Vladimier. "Why shaver?" tanong naman ng isang gago este ng isang lalaki kay Damon. "For my face, you dumbass. Can't you see that I already need to shave?" Napapailing na lang ako sa kinatatayuan ko habang nakikinig sa pakikipag-usap ni Damon sa mga Hapon. "Later." Pagkasabi niyon ay tumalikod na sila at iniwan kami. Akma kong kagagalitan si Damon ngunit nang makita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya, isang nakakatakot at nakaka-excite na ideya ang pumasok sa isipan ko. Lumingon siya sa akin at kumindat. "It's time to eat, Kenji. We'll have a rough time tonight." Tumango ako sa kanya kahit na pinupuno na ng kaba ang dibdib ko. ... "Damon, ano ba ang plano mo?" bulong ko kay Damon. Hindi ko ipinapahaltang kabado ako.sa anumang balak niyang gawin. "Didn't you hear what that dumbass said? There's a typhoon and that's our chance to escape," pabulong din niyang sagot sa akin. Ewan ko nga ba kung bakit kami nagbubulungan. Sa isang linggo namin dito, wala naman kaming nakitang camera na magiging mata ng mga kidnappers sa amin dito sa loob ng kuwarto. But maybe para matiyak na wala talagang makakarinig sa amin, heto ngayon at pabulong kaming nag-uusap. "Don't you think, I need to know your plans?" may halong gigil kong tanong sa kanya. Dapat lang na alam ko ang mga balak niyang gawin upang maging akma rito ang mga ikikilos ko. "Grab the bed sheet. There's a possibility of blackout once the storm rages. Itali mo ‘yung dulo sa katawan mo at ‘yung kabila sa akin. When they come here to give us our dinner, that's our chance." Inilahad niya sa akin ang kamay niya at nakita ko ang dalawang blades galing sa shaver. "These are for emergency situations. Just hold on to the sheets no matter what happens, Kenji and I'll do the rest. If there's a need for you to fight, don't hesitate but don't ever, ever let the sheet leave your body. Understood?" parang nagbibilin sa anak na saad niya. "Damon, nakakatakot. Baka..." "This is the chance we are waiting for, Kenji. There will be no more so we need to escape now. If you're right that Tito's men are just outside, then we will be saved. Trust me. I need you to trust me," mariing sabi ni Damon sa huling pangungusap kaya napatango na ako sa kanya nang makitang talagang determinado siya sa pinaplano niya. Naglagay siya ng unan sa higaan ko at tinakpan iyon ng kumot at pagkatapos ay binuksan niya ang gripo sa loob ng banyo. Naghintay kaming dumilim at tama nga ng hinala si Damon dahil ang magsimulang lumakas ang naririnig naming panabalasa ng bago sa labas ng building na kinaroroonan namin ay nawalan ng kuryente ang lugar. Kaagad niya akong hinila patayo at naramdaman mo na lang na itinatali na niya ang dulo ng kumot sa katawan ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumulong din ako sa ginagawa niyang pagtatali ng isa pang dulo ng kumot sa katawan niya. Tila nakikita niya ang daraanan namin nang hilain niya ako papunta sa isang lugar. At ilang saglit pa ay nakasandal na kami sa malamig na pader. Hindi pa man kami nakakapag-usap ay bigla na lang bumukas at pintuan ng kuwarto at pumasok ang dalawang lalaking may dalang flashlight at tray ng pagkain. Inilawan pa ng isa sa kanila ang natatakpang unan.  Naging mabilis ang pagkilos ni Damon sa likuran ng isang lalaki. Kaagad niya itong napabagsak at ang narinig ko na lang ay ang pag-igik ng lalaki. Nataranta naman ang kasama nito ngunit bago pa man nito maibagsak ang dala nitong tray ay siya namang sugod sa kanya ni Damon. Inalalayan ko na lang ang pagbagsak ng tray at laking pasasalamat ko sa ingay na nagmumula sa labas dala ng bago dahil hindi gaanong narinig ang pagbagsak ng mga laman ng tray sa lapag. Nagugulat na lang ako sa himalang nangyayari sa amin dahil tila pa tinutulungan kami ng dilim sa aming ginagawa. Nang wala ng malay ang lalaki ay hinubad ni Damon ang suot nilang jacket at ibinigay sa akin ang isa. Nagmadali kami sa pagsusuot ng mga iyon. Kinuha rin namin ang dalang flashlight ng isang lalaki. At nang magsimulang kapain ni Damon ang katawan ng isa ay ganon rin ang ginawa ko sa isa pa. Isang maliit na baril ang nakuha ni Damon. "This is it, Kenji," bulong niya sa akin habang iniilawan ng flashlight ang pintuan ng kuwarto. Lumingon siya sa akin at tumango naman ako sa kanya. Pinatay niya ang ilaw ng flashlight at hinawakan niya ang kamay ko. At ilang saglit pa ay dahan-dahan nang binuksan na ni Damon ang pintuan ng aming kalayaan. Ilinock niya ang pinto upang hindi agad makapagsuplong ang mga lalaki sa loob kapag nagising na sila. Nagmatyag muna kami at nakita naming kalat ang mga kalalakihang may dalang mga flashlights upang mailawan ang daraanan nila. Ito rin ang mga nagsilbi naming ilaw upang malaman ang mga direksiyong tutunguhin namin palabas. May mga pagkakataon na kinakailangan naming paupong kumilos o kaya ay pagapang para lamang hindi kami mapansin ng mga lalaki. Mabuti na lang at nakatali kami sa isa't isa dahil sa bilis ng kilos ni Damon kumpara sa bagal ng kilos ko sa sobrang takot at kaba, baka naiwanan na niya ako. Ilang palapag ang binaba namin ni Damon at sa bawat liko namin ay talagang napapadasal ako ng pasasalamat dahil wala kaming nakakasalubong na mga tauhan. Ngunit nang makababa kami sa ground floor ay nakita naming may mga nakaguwardiya sa mga pintuan na may dalang matataas na kalibre ng baril. Isang saradong pinto na hindi nakakandado ang pinasok namin. Isang malakas na paghinga na naman ang pinakawalan ko nang makitang walang tao roon. Ikinandado muna ni Damon ang pinto bago niya ako hinila sa isang saradong bintana. Gamit ang flashlight ay inilawan niya ang maari naming daanan sa labas ng bintana. "We need to rush outside once we get out, Kenji," pagwa-warning niya sa akin. "Bagyo lang iyan, Damon. Mas gugustuhin ko pang sumugod diyan kesa sa sumugod sa mga kalalakihang may dalang baril," sagot ko naman sa kanya. Tumango siya sa akin, pinatay ang flashlight at ibinulsa pagkatapos ay binuksan na niya ang bintana na tila babasagin na ng malakas na hangin at ulan. Halos masugatan ang balat ko sa talim ng hangin at ulan ngunit hindi ko ito ininda. Kinalas muna namin ang pagkakatali namin. Halos buhatin na ako ni Damon para lang makasampa ako sa bintana. Sobrang lakas, sobrang ingay ng bagyo at kung may pagpipilian lang ako ay mas nanaisin kong magkulong na lang sa kuwarto at magtalukbong ng kumot dahil tila papatay na ulan at hangin sa galit. Pero dapat ko pa rin itong ipagpasalamat dahil ang mga ito ang tutulong sa amin ni Damon upang makatakas. Nang makatalon siya sa tabi ko ay awtomatiko niyang hinawakan ang kamay ko sabay takbo. Sumasabay lang ako sa kanya at sa mga pagkakataong bumabagal ako ay sumasabay naman siya sa akin. Basang-basa na kaming dalawa. Halos nanginginig na sa lamig na humahambalos sa aming mga katawan ngunit hindi kami bumigay sa panghihinang nagsisimula na naming maramdaman sa aming mga tuhod. Lakad-takbo. Ang tanging nasa isip lang namin sa mga oras na iyon ay ang makalayo. Hindi kami pumunta sa harapan na gate. Patago-tago kami sa mga nakaparadang sasakyan. Sinusubukang buksan ang mga ito isa-isa ngunit wala kaming suwerte roon. "Kenji, akyat tayo." Itinuro ni Damon ang isang pader na mababa lamang. Tumango ako sa kanya at sa direksiyong iyon na kami nagtungo. Lumuhod siya at tinapakan ko ang kamay niya at nang maramdaman kong itinutulak niya na ang paa ko pataas ay itinalon ko ang katawan ko upang maabot ko ang taas ng pader. Mabuti na lang at patay ang kuryente dahil tiyak na malilitson ako sa mga kawad ng kuryenteng naroon.  Nangunyapit ako at kahit magkandasugat-sugat na ang mga kamay ko ay pinilit kong hilain ang katawan ko pataas pa. Wala na akong pakialam kung saan-saang parte ng katawan ko dumapo ang mga kamay ni Damon na tumutulong na maiangat ang katawan ko. Ang importante ay maisampa ko ang katawan ko at matulungan siyang makasampa sa pader. Nang makatalin na kami palabas ng gate ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Ngunit hindi pa tapos. Alam naming hindi pa tapos kaya hawak-kamay ulit kaming tumakbo palayo nang palayo nang palayo. Ngunit kahit anong takbo namin ay waring walang hanggan ang tinutungo namin. "There!" hiyaw ni Damon nang may mailawan ang dala niyang flashlight. Kahit halos manigas na ako sa lamig at pagod ay pinilit ko pa rin ang sumabay. Napatras ako nang makita kong dagat na ang tinutungo namin. "Damon, delikado!" iling ko sa kanya nang hilain niya na ako patungo sa yate na isinasayaw-sayaw ng galit na mga alon. "We have no choice, Kenji. They f*****g hid us in an island! And that yacth is our only way out!" "And you are out of your mind! Hindi nga tayo mapapatay ng mga kidnappers natin pero papatayin naman tayo ng dagat! Malulunod tayo dyan kapag itinaob ng mga alon ang yate!" pakikipagtalo ko sa kanya. "I'd rather die escaping to get my freedom rather than die because of hunger!" Napatanga ako sa isinigaw niya at kahit nasa nakakabaliw na sitwasyon na kami, a situation where we are facing possible death, hindi ko napigilan ang hindi matawa. "You're stupid!" nanginginig kong sigaw sa kanya nang maubos ang tawa ko. "Trust me, Kenji. Just trust me." Biglang seryoso niyang sambit na nagpamanhid sa lahat ng nararamdaman ko lalo na nang pisilin niya ang kamay kong hawak pa rin niya. Napatingin ako sa mga kamay naming dalawa. "I won't let you go." And that dissolved my doubts. Halos malunod na kami ng naglalakihang mga alon para lang makasampa sa yate ngunit hindi sumuko at tumigil si Damon hanggang hindi kami nakakasampa sa loob nito. Tila linilindol na kami sa loob ngunit nagawan pa rin ng paraan ni Damon na buhayin ang makina ng yate gamit ang blades mula sa shaver na itinago niya kanina at ng kung ano pang nakita niyang gamit sa loob ng yate. Halos magiba na ang dibdib ko sa takot habang pinapaandar na ni Damon ang sasakyang pandagat palayo nang palayo sa dalampasigan. Sinugod namin ang mga nangangalit na mga alon. Halos bumaliktad na ang sikmura ko dahil sa pagewang-gewang na galaw nito. At nang may makapa akong makapal na lubid ay nagkusa na akong itali iyon sa katawan naming dalawa. "Just in case," maikling paliwanag ko sa kanya nang tignan niya ako. Nakakaunawa naman siyang tumango sa akin. "Damon, watch out!" turo ko sa isang higanteng alon na papasalubong sa amin. "Hold on, Kenji, hold on!" sigaw din niya at mas diniinan niya ang pagkakakapit sa kinakapitan niya. Nayanig ang mundo ko nang bumangga kami sa alon. Tila laruang bangka lamang ang aming sinasakyan sa tindi at lakas na sumalubong sa amin. Isang napakalas na sigaw ang pinakawalan ko bago tuluyang magdilim sa akin ang lahat. "DAMOOON!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD