"Would you tell us what exactly is your father's condition that caused your grandfather's heart attack?" Tito Ivory told those words coldly while looking at Damon intently. Napadiretso ako ng upo and I was the only one who wasn't looking at Damon. Naririto kami sa isang pribadong parte ng restaurant kung saan pinili ng mga Vladimiers na mag-usap-usap. Dumating sina Tito Ivory, Tito Robby, at ang tiyahin nila Damon na si Tito IO kasama ang asawa nito. The Vladimier siblings, except for their spouses, came with us. Naiwan ang mga asawa nila sa ospital upang bantayan ang mga pasyente kasama sina Lolo Summer at Lola Cles. Nakaupo kami ngayon sa pabilog na mesa at kasama rin namin ang mga kapatid ni Damon. "Wait. Before answering your Tito's question, what is he doing here?" Itinuro ako n