Chapter 6: Kenji

1800 Words
I was literally frozen from where I was at ganon din si Damon nang magsimula nang mag-usap-usap sa lengguwahe nila ang mga lalaki habang nakatutok sa aming dalawa ang mga dulo ng baril nila. Napapaigtad ako sa tuwing sumisigaw na tila nagmumura ang ilan sa kanila. Humihigpit naman ang kapit ni Damon sa braso kong hawak niya. Hindi kami estupido na lalabanan ang mahigit limang kalalakihan sa harap namin upang makaalis lang sa sitwasyong ito. Alam kong alam rin ni Damon iyon kaya nananatili lang siyang tila estatuwa sa tabi ko maliban sa kamay niyang pumipisil at malalalim niyang paghinga. Nang sulyapan ko siya ay nakita kong magkadikit na magkadikit ang mga kilay niya at tila pinag-aaralan niya ang bawat galaw ng mga nagtatalo na mga kalalakihan sa harap ng bukas na pintuan ng sasakyan. "D--damon," bulong ko sa pangalan niya na siyang dahilan para mapaigtad siya at mapatingin sa akin. "Anong gagawin natin?" pabulong pa rin na tanong ko. "Let's wait for what they'll do next. Kung ano man ang gagawin nila, humanap tayo ng chance para makatakbo palayo. I'll... I'll do my best to protect you, Kenji." Napatitig ako sa kanya dahil sa huli niyang sinabi. Kahit tila nahihiya siyang sabihin iyon, tiyak ko ang sinseridad sa tono ng boses niya and it shocked me. Sa unang pagkakataon kasi ay sinsero siyang makipag-usap sa akin. Pareho kaming halos mapatalon sa pagkakasadlak namin sa lapag ng sasakyan nang biglang sumigaw ang isa sa mga kalalakihan. "No talking! Go down!" matigas na Ingles nito. Nang hindi kami tuminag sa utos nito ay walang anu-anong pumasok ang dalawa sa kanila at sinubukang hilahin si Damon ngunit umigkas ang braso at isang paa nito. Napaatras ang dalawang lalaki ngunit mas tumindi ang galit nila. "Motherfuckers!" sigaw ni Damon sa dalawang pinagtutulungan siyang hilahin palabas sa sasakyan. Nanlalaban siya ngunit sinisiguro niyang hindi ako matatamaan ng mga suntok at sipa ng sino man sa kanila na mga kinakalaban niya. "No!" hiyaw ko nang mapayuko si Damon dahil sa tama ng dulo ng baril sa may tiyan niya. Ngunit pareho kaming napatigil sa ginagawa namin nang itutok ng isa sa mga lalaki  sa ulo ko ang baril. "Fight and he dies," pagbabanta nito sa pinsan ni Azyra. Napakatalim na tingin ang itinitig ni Damon sa lalaking nanutok sa akin ng baril ngunit hindi na siya nanlaban pa nang hilahin siya pababa sa sasakyan. Kusa na rin akong nagpahila sa lalaking nanutok ng baril sa akin "Kenji!" Buong pagmamadaling hinila ako ni Damon sa tabi niya at yinakap ang katawan ko na tila ba priniprotektahan niya ito. Sa sitwasyon namin ngayon, wala ng panahon na mag-isip pa ng malisya kaya yumakap na rin ako sa kanya. Itinago ko ang mukha ko sa dibdib niya nang palibutan kami ng mga lalaki. "Walk!" Muling utos ng isang lalaki sa amin at wala kaming nagawa kundi ang sumunod nang muling itutok ng lalaki ang baril niya sa ulo ko. Isang malaking sasakyan ang pinagdalhan nila sa amin. Ayaw pa sanang pumasok ni Damon ngunit itinutulak-tulak na nila kami. Kaagad na nagsipasukan ang mga lalaki sa loob nang makapuwesto na kami. Muli nila kaming pinagtutukan ng mga baril nang magsimula nang umandar ang sasakyan. Naramdaman kong ipinalibot ni Damon ang mga braso niya sa katawan ko. Alam kong para sa proteksiyon ko lamang ang ginagawa niya kaya hindi na ako nangimi pang sumubsob ulit sa dibdib niya habang mahigpit kong hawak ang dulo ng damit niya. Muli na namang nag-usap-usap ang mga lalaki habang nakikiramdam kami ni Damon. At habang abala sila ay unti-unti akong sumilip at sumulyap sa bintana ng sasakyan na hindi natatakpan ng katawan ng mga kasama namin. Pilit kong tinitignan at tinatandaan ang anomang pwede kong makita at tandaan sa lugar na dinaraanan ng aming sasakyan. Tiyak kong ganon din ang ginagawa ni Damon dahil ilang sandali pa ay natahimik ang mga nag-uusap na kalalakihan at walang sabi-sabing linagyan kami ng mga takip sa mata. Lumaban man kami ay wala kaming nagawa sa lakas nila at sa takot na mapahamak ang isa sa amin sa aming gagawin. Kahit naman hindi kami naging magkasundo ni Damon, alam kong sa mga oras na ito, wala kaming ibang kakampi at inaasahan kundi ang isa't isa. Halos ilang oras din ang biyahe. Kakaba-kaba lang akong naghihintay ng susunod na mangyayari. Hanggang pagkatapos ng ilan pang minuto, tumigil na ang sasakyan. Kabado kong pinakiramdaman ang paligid, naghahanda sa kung ano mang gagawin nila sa akin o kay Damon. Napasigaw ako nang magmura ng pasigaw si Damon. Ang sumunod na naramdaman ko ay ang paghila ng kung sino sa kanya. "Kenji!" "Damon!" Natataranta kong tawag sa kanya nang maramdaman ko ang pagpupumiglas niya na tila hinihila siya palayo sa akin. I tried to grab him ngunit dalawang malalakas na kamay ang humawak sa mga kamay ko. "No! Don't touch me!" sigaw ko nang ako naman ang pinagtulungan nilang hilain palabas sa sasakyan. Halos magwala na ako. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa pinaghalo-halong galit, kaba, at pag-aalala. Nanlaban ako ngunit nagawa nila akong kaladkarin. Ramdam ko ang sakit at hapdi ng mga kamay kong mahigpit na hawak at hila-hila ng kung sino whom I know was slowly losing patience dahil sa mga pagmumura nito. Itinulak ako nito sa kung saan na ikinasigaw ko ngunit bago pa ako bumagsak sa sahig ay may sumalo na sa akin. Madali niyang natanggal ang takip sa mga mata ko bago pa man ako makapumiglas sa pagkakasalo niya sa akin. Nang maaninag kong bulto ni Damom iyon ay hindi ko na mapigilang mapaiyak at mapayakap ng mahigpit sa kanya. Tila kasi bumabalik na naman ang mga alaalang matagal ko nang ilinibing sa limot. Ang alaala ng ginawa sa akin nina Reno at Kylein. "Shh! Don't cry, Kenji. I'll keep you safe. I promise. I promise." Galit man ang mga tinging ibinabato niya sa mga kalalakihang nasa harapan namin ngunit puno ng pag-aalala ang boses niya na unti-unting nagpalimot sa akin ng nerbiyos na nararamdaman ko. "Sit on the floor!" galit na utos ng isa sa mga lalaki bago nila muling itinutok sa amin ni Damon ang kanikang mga baril. "f**k you!" Gigil na bulong ni Damon na ipinagpapasalamat kong hindi narinig ng isa sa mga lalaki. Alalay niya pa rin ako nang pasalampak kaming umupo sa sahig. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Tila nasa isang warehouse kami base sa mga nakikita kong mga boxes at kagamitan. Napatingin ang lahat sa pintuan nang maulingan namin ang may maulingan kaming tunog ng sasakyan. Ilang sandali pa at ilang kalalakihan na ang pumasok at naglakad papunta sa kinaroroonan namin. Unlike the masked men, kitang-kita ko ang mukha ng mga ito. Mga Japanese. At base sa mga kasuotan nila, hindi maikakailang miyembro sila ng mafia. Napatitig ako sa isa pang paparating na lalaki. Matangkad ito, malaki ang katawan at balbas-sarado. At base na rin sa pag-bow ng mga kumidnap sa amin, ito ang pinakalider nila. Matiim itong tumitig sa amin bago nito ilinipat ang mga mata sa mga kumidnap sa amin. "Watashi wa Isly matawa kare no kodomo no izureka o eru to iimashita. Kare no hōmon-shade wa arimasen," dahan-dahan ngunit mariing sabi ng lalaki sa kanila. Nagdikit ang mga kilay ko nang marinig kong binanggit ng lalaki ang pangalan ni Tito Isly. Nanuyo ang lalamunan ko nang unti-unti magliwanag sa isipan ko ang dahilan kung bakit kami nakidnap ni Damon ngayon. Samantala, napatim-bagang naman si Damon sa tabi ko. Alam kong may ideya na rin siya sa mga nangyayari. "Jōshi, watashitachi wa sore ga karerada to omotta," kabado namang sagot ng isa sa mga lalaki. "Anata wa subete yakunitatanai! Oroka!"  Napayuko ang lahat sa galit na sigaw na iyon na mula sa lalaki. Pagkatapos ay tumingib siya sa amin ni Damon dahilan para wala sa loob na mapasiksik ako sa katabi ko. "Ima, watashi wa sorera de nani o shimasu ka?" tanong nito habang nasa amin pa rin ni Damon nakatutok ang mga mata nito. "Jōshi, anata wa karera to nanika kankei ga aru to omou to omoimasu. Tokuni chīsai kata." Yinakap ako ni Damon at lalo pang isiniksik sa tabi niya nang tumingin ang lahat sa akin. "A Kaide?" Tanong nito na kinumpirma ng pagtango ng kausap nito. Ngumisi ang lalaki at humakbang papalapit sa amin. "A good substitute for what I really want." Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita ito na tila sanay na sanay sa Ingles. "Now, what would I do with you? Would I..." "Touch any strand of his hair and I'll kill you!" Tinapos ni Damon ang ano pa mang idaragdag nito na nagpadikit sa mga kilay ng lalaki at dahilan para mapokus kay Damon ang atensiyon nito. "And who are you interrupting me?!" gigil nitong tanong kay Damon obviously offended by the threat thrown at him. "Someone who will crush your nuts, asshole." gigil ring sagot ni Damon dito. Walang anu-ano ay natawa ang lalaki. "Ohh, let me see. Flaring yes, Russian nose. A Vladimier? Hmm, this is getting interesting." Pareho kaming gulat na napatitig sa lalaki. Kilala niya ang mga Vladimiers! "I know that Isly wouldn't give up the group just for you, Kaide. He would retaliate. But a pressure from the Vladimiers would probably change his mind." "In your dreams," nang-aasar na bulong ni Damon dahilan para tumalim ang mga mata ng lalaki sa kanya. "Would you still say that once you see the Kaide here suffer?" Nanggalaiti si Damon sa tabi ko at siya naman ang tahimik na pinapatay sa pamamagitan ng tingin ang lalaking nagbabantang saktan ako. Nagsimula namang manginig ang mga kamay ko. Nagsimulang bumalik ang trauma ko. Nasusuka ako. Nahihilo. Halos hindi na ako makapag-focus sa pinag-uusapan nila. "It might even be that you'll be the one begging for Isly Kaide to give up the group for this kid." Tahimik pa rin si Damon sa tabi ko ngunit naramdaman kong pinagkrus na niya nang tuluyan ang nga kamay naming dalawa. "I will plan everything tonight. For the meantime, enjoy your vacation here." Tumayo na siya pagkatapos sabihin iyon samantalang buong pag-aalala namang nag-focus sa akin si Damon. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at pinagdikit niya ang mga noo namin habang marahan akong kinakausap. "Shh! Everything will be alright. I will give up everything, everything that I have to keep you safe, Kenji. They will have to step on my dead body first before they could hurt you." Nanginginig pa ring tumango ako sa kanya. Sana nga. Sana makatakas na kami bago pa man nila kami masaktan. Oh, God. Help us, please! ... Translations: "Watashi wa, Isly matawa kare no kodomo no izureka o eru to iimashita. Kare no hōmon-shade wa arimasen." - I said, get Isly or any of his kids. Not any of his visitors. "Jōshi, watashitachi wa sore ga karerada to omotta." - Boss, we thought it was them. "Anata wa subete yakunitatanai! Oroka!" - You are all useless! Stupid! "Ima, watashi wa sorera de nani o shimasu ka?" - Now, what would I do with them? "Jōshi, anata wa karera to nanika kankei ga aru to omou to omoimasu. Tokuni chīsai kata." - Boss, I think you can think of something to do with them. Especially the smaller one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD