Days, weeks and months came by so fast in our lives. Parang napakabilis lang ng dalawang buwan na nagdaan. Kung wala lang ang mga problema na kinakaharap ngayon ng pamilya ni Damon, napakaperpekto na sana ng lahat. But problems are given to determine how strong a person has to become. At iyon ang nakikita ko sa magkapatid na Damon at Julian. Sa bawat araw, linggo at buwan ay mas tumatatag sila, lumalakas. Hindi lang sa pisikal na aspeto kundi maging sa emosyonal. Damon, for instance. Bukod sa pagtra-trabaho sa mga gawaing naiwan ng kanyang mga ama sa kanilang mga kumpanya, hindi niya nakaliligtaan ang kanyang mga magulang na nagdaraan sa isangnapakatinding pagsubok. He was always there for both of them: sa pagpapagaling ni Tito Jurace at sa sikolohikal na pagpapagamot ni Tito Miggy. Of c