Patingin-tingin ako kay Damon. Kanina pagkatapos nila kaming puwersahang pakainin at pagbanyuhin ay pinaupo nila kami rito sa isang sulok kung saan makikita pa rin nila kung ano ang ginagawa namin. Itinali nila ang mga kamay namin pati na rin ang mga paa namin.
Tahimik lang kami ni Damon. Nagpapakiramdaman kaming pareho. Naghihintay sa kung ano man ang binabalak nila sa amin. Hindi na maalis-alis ang takot sa dibdib ko. Nag-alis na ng takip sa kanilang mukha ang mga lalaki at para sa akin, isa lang ang ibig sabihin niyon. Wala silang balak na buhayin kami. Makuha man nila ang kailangan nila kay Tito Isly at sa pamilya ni Damon kung ano man iyon, sa huli ay papatayin pa rin nila kami.
Huminga ako nang malalim. Ang malas ko talaga. Wala na nga akong suwerte sa pagmamahal ng parents ko, sa pagmamahal ng taong mahal ko, nagkasakit ako na nalampasan ko naman pero heto ako ngayon, nasa bingit na naman ng kamatayan. Sayang, mag-uumpisa na sana ako ulit sa panibagong yugto ng buhay ko pero mukhang wala ring mangyayari.
"Kenji."
Napapitlag ako at awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Damon. Nakatingin na siya sa akin ngayon hindi tulad kanina na sa mga nag-uumpukang mga lalaki nakatingin.
"Are you okay?" concerned niyang tanong.
Pinilit ko ang ngumiti sa kanya.
"Oo. Okay lang ako," pagsisinungaling ko.
Ayokong magsabi sa kanya ng totoong nararamdaman ko dahil ayokong mag-alala siya.
"Damon, may pinaplano ka ba?"
Nag-iwas siya ng tingin at nawala ang anumang pag-aalala sa mukha niya. Bagkus ay muli siyang tumingin sa kumpulan ng mga lalaking nag-uusap-usap.
"Whatever my plan is, I will make sure to keep you safe, Kenji."
Hindi pa rin tumitingin sa akin na sabi niya.
Pinuno ako ng pag-alala. May pinaplano nga siya!
"Damon, whatever your plan is please wag mo nang ituloy. Andami nila! Hindi mo sila kayang mag-isa. Isa pa, may mga baril sila." Nagdikit ang mga kilay ko nang ngumisi siya at pagkatapos ay tila nanunukso pa ang mga mata niyang tumingin sa akin.
"Is that concern I am hearing from you?"
Inismiran ko siya. The nerve of this guy.
"Concern? Ayoko lang mapahamak ako kapag pumalpak ang plano mo," walang kumpiyansang sagot ko sa kanya.
Natawa siya at pagkatapos ay umiling-iling pa.
"In this situation, you have no one to trust but me, Kenji. And when I say na hindi kita ipapahamak sa balak kong gawin, magtiwala ka lang. Just trust me. Alam ko ang ginagawa ko. Kung sakali namang kinakailangan mong ipagtanggol ang sarili mo ay magagawa mo naman, ‘di ba? What for na nag-training ka? Tinalo mo pa nga ako one time so I know that you can very well defend your self. Besides, mangyayari lang iyon kapag nalayo ako sa'yo and I don't intend for that to happen."
Unti-unting nawala ang inis ko sa kanya habang sinasabi niya ang mga iyon. Titig na titig kasi kami sa mga mata ng isa't isa at nababasa ko ang determinasyon sa mga mata niya. Naroon din ang kumpiyansa niya sa akin at ang paghingi ng aking pagtitiwala. Ngunit may isang emosyon doon na tila nagpapawala sa hininga ko kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
"I am very sure na alam na ni Tito Isly ang nangyari sa atin, Damon. Baka nga sa mga oras na ito ay pinaghahahanap na tayo. Hintayin na lang natin sila. Baka mas lalo tayong mapasubo kung tayong dalawa lang laban sa kanilang lahat."
"I know. At ‘yun ang hinihintay kong pagkakataon. Do you think hahayaan lang nila tayo rito kapag dumating sina Tito? For sure gagamitin nila tayong panangga nila. At doon tayo dapat kumilos. Maghintay tayo ng tiyempo. Kapag makikita nating nagkakagulo na sila, saka tayo kumilos."
"Pero paano? Paano tayo kikilos kung pareho tayong nakasalampak dito at nakagapos?"
"You really cannot trust me, huh?"
Bumalik ang nakakainis niyang tono kaya muli ko siyang sinimangutan ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kumakaway ang isa niyang kamay. Hindi na mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa mga kamay niya!
"Hindi ko muna kakalasin ito, Kenji. Alam mo na ang dahilan. Hindi rin kita puwedeng tulungang kalasin yang sa'yo kaya subukan mo na ikaw lang at hindi mapapansin ng mga lalaking iyon. Makakatulong din ang gagawin mo para malabanan ang antok mo. We need to be alert all the time, Kenji. ‘Wag tayong matulog hanggang kaya natin." Dahil sa nakikita kong pagtitiwala niya sa akin, I nodded at him.
Tumingin muna ako sa mga kalalakihan at nang masiguradong hindi sila titingin sa kinaroroonan namin ay iginalaw-galaw ko ang bahagi ng kamay kong natatalian. Kahit mahirap, kahit mahapdi, at kahit dama kong nagkakasugat na ako ay tiniis ko. Saka lang ako tumitigil sa aking ginagawa kapag titingin ang isa sa mga lalaki sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag nang unti-unti kong nararamdaman na lumuluwag na ang pagkakatali ko. At tama si Damon, dahil sa ginagawa ko ay napaglalabanan ko ang antok kahit na hating-gabi na. Isa-isa na ngang naghahanap ng mapupuwestuhan ang mga lalaking nangidnap sa amin upang magpahinga at matulog. May mangilang-ngilan na lang na natitirang gising at nakaantabay sa anumang mangyayari.
Sa pagdaan ng mga minuto ay ramdam ko na ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko. Sa pagod, sa stress, unti-unti na ring bumibigay ang katawan ko. May mga pagkakataong hindi ko na nakokontrol ang pagpikit ko ngunit kapag naaalimpungatan naman ako ay itinutuloy ko ang ginagawa kong pagkalas sa pagkakatali ko.
"Kenji!" sigaw ni Damon na siyang nagpagising sa buong diwa ko.
Nagulat ako nang may mga kamay na bigla na lang humawak sa akin at nagpipilit akong itayo.
"Isoide!" sigaw ng lalaking nasa kaliwa ko na tila pinagmamadali ako sa pagkilos ko.
Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin at nagpilit na hanapin ang kinaroroonan ni Damon.
"Damon, anong nangyayari?!" malakas kong sigaw sa kanya.
Kinakabahan na ako nang makita kong nanlalaban na talaga siya habang pinagtutulungang gapiin ng mga lalaking kalaban niya. Natigilan kaming lahat nang magkakasunod na putok ng baril at sigawan ang narinig namin.
Lalong nataranta ang mga lalaking nakahawak sa akin. Kulang na lang ay kaladkarin nila ako. Doon ko lang napansin na wala na rin ang tali ko sa paa.
"Damon!" taranta kong sigaw.
Papalayo na kasi kami nang papalayo sa kanya ng mga humihila sa akin.
"Kenji!" dinig kong sigaw niya.
"Nooo!" hiyaw ko nang makita kong pinagtulungan na talaga siya ng mga kinakalaban niya.
Sa nakikita kong kalagayan ni Damon, nagkaroon ako ng kakaibang lakas lalo at nakikita kong nasasaktan siya sa mga suntok nila sa katawan at mukha niya. Siniko ko ang nasa kanan ko at sinipa sa gitna ng mga hita niya dahilan para mabitawan niya ako.
Gigil kong isinapak sa may tenga ng nakahawak sa kabilang kamay ko ang nakakuyom kong kamao. Napauklo ito ngunit hindi pa rin ako binibitawan kaya inipon ko ang lakas ko at ibinalibag siya.
Akmang tatakbo na ako papunta kay Damon nang may humila sa isang kamay ko.
"Stop or I'll have my men shoot him." puno ng pagbabantang bulong sa akin ng tinig na ‘yun nang ipalibot nito ang braso sa leeg ko.
Nakita ko rin ang pagpuwesto ng ilang mga tauhan niya at ang pagtutok nila ng mga baril kay Damon.
"Now be a good boy and call his name. I am not a very patient man, Kaide, so hurry. We have to leave." Matalim ko siyang tinitigan bago ko sinunod ang ipinag-uutos niya.
"Da--damon!" pilit kong sigaw na halos walang lumabas na boses sa akin.
Of course, hindi ‘yun mapapansin ni Damon na abala sa pagsuntok at pag-iwas na masuntok.
"Louder, Kaide." The asshole taunted me.
Ngali-ngali ko nang paduguin ang bibig niya. Okay lang sana kung ako ‘yung mababaril pero alam ko na madadamay si Damon. Okay lang na mamatay na ako ngayon kasi naranasan ko naman na ang lahat tulad ng saya at kabiguan Okay lang, nagka-second chance naman na ako sa buhay ko. Hindi nga lamang nagtagal.
Paano kung si Damon ang mapatay nila? Napakabata pa niya. Hindi pa siya naka-graduate ng college. Hindi pa niya nararanasan ang mga dapat maranasan ng isang lalaki. Naranasan na niyang magmahal at mabigo pero hindi pa niya nararanasang mahalin siya ng taong mahal niya. Ako, naranasan ko na iyon. Noon.
"Damon!" mas malakas kong sigaw ngunit katulad ng nauna, hindi pa rin sapat ang lakas ng sigaw ko para mapansin ako ni Damon.
"Tsk, tsk. Satsuei no junbi o suru." utos ng lalaki sa mga tauhan at nakita kong inihanda na nila ang mga baril at ang mga sarili nila sa pagbaril kay Damon.
"DAMON!"
Buong lakas at buong igting kong sigaw. At sa pagkakataong iyon, ay narinig na niya ako. Napatigil siya sa paglaban, sa pakikipagsuntukan at napatingin sa kinaroroonan ko.
Ngunit traidor ang mga kalaban niya. Nang makitang hindi na lalaban si Damon ay inundayan niya ito ng suntok sa panga at pagkatapos ay isang kasama niya ang pumukpok ng dulo ng baril sa likurang bahagi ng ulo ni Damon dahilan para mawalan ito ng malay.
"No!" sigaw ko nang wala man lang sumalo sa bigat ng katawan niyang bumagsak sa sementadong sahig ng warehouse.
Nagpumiglas ako sa may hawak sa akin. Binalewala ko na ang tutok ng baril sa ulo ko. I ran towards Damon not minding whether I will be shot.
Hindi ko na napigilan ang mapaluha nang buhatin ko ang ulo niya. Lalo akong napaiyak nang makita kong may sugat ito.
"f**k you! f**k all of you!" Tila baliw kong sigaw sa kanilang lahat. Umiiyak ako sa sobrang galit na nadarama ko sa mga oras na iyon.
Nagwala ako nang pilit nila akong ihiniwalay kay Damon. Nagsisisigaw ako sa galit habang kinakaladkad nila ako. Ngunit isang masakit na pitik sa may leeg ko ang ginawa ng leader ng mga lalaki at ilang sandali lang ay lumungayngay na rin ang ulo ko gaya ni Damon na bitbit ng ilang tauhan ng leader