Hapdi.
Iyan ang una kong naramdaman bago ko puwersahang imulat ang aking mga mata. Nasilaw ako sa liwanag na nasalubong ng aking paningin kung kaya ay muli akong pumikit habang inaalala ang dahilan ng nararamdaman kong hapdi sa aking mga mata at sa aking buong katawan.
Dagli kong binuksan muli ang aking mga mata.
"D--damon?"
Halos walang boses na lumabas sa akin. Maging ang aking lalamunan ay nanhahapdi. I felt restless. Nasaan siya? Nasaan ako?
"D--damon?" muli kong sambit.
Pinilit ko talagang lakasan ang aking boses habang iginagala ko sa akong paligid ang aking nanhahapdi pang mga mata. Kahit papano ay ipinagpapasalamat ko na buhay pa ako.
Nasa ilalim ako ng mga sangga-sanggang tuyong dahon na siyang bumububong sa akin upang hindi ako tuluyang matusta ng init ng tanghaling araw. Nakilala ko rin ang taling nakapalibot sa mga sanga upang mapatibay ang pagkakaayos nila. Iyon ang tali na ipinalibot ko sa mga katawan namin ni Damon. Nakadama ako ng pag-asa. Wala ibang gagawa niyon kundi siya, hindi ba? Pero nasaan siya? Bakit nag-iisa ako ngayon? Umalis ba siya para maghanap ng makakain namin. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Hubad baro ako at nang kapain ko ang kumikirot na bahagi ng aking ulo ay napagtanto kong may nakapalibot na tela roon.
Dama ko ang labis ko pang panghihina ngunit ayokong magpahila roon. Kailangang matiyak ko munang buhay rin si Damon. Hindi sapat ang nakikita ng aking mga mata. Ang gusto ko ay makita ko siya mismo at saka lang ako makakahinga nang maluwag.
Pinilit ko ang tumayo ngunit hindi sapat ang lakas ng aking mga binti kaya naman pinilit ko ang gumapang. Ibayong kirot, sakit at hapdi ang aking naramdaman nang puwersahin ko ang aking sarili na gumalaw. Nakakailang kilos pa lang ako nang marinig ko ang boses na gusto kong marinig.
"What are you doing?"
Kaagad akong tumingin sa kanya at kahit na mukha siyang pulubi sa itsura niyang gulo-gulo ang buhok at tanging pantalong punit-punit pa ang suot, nakadama ako ng munting ginhawa at saya sa kaalamang buhay din siya.
"You look like hell." Imbes na sagutin ang itinatanong niya ay ang mga katagang iyan ang namutawi sa mga nanunuyo kong mga labi. Umismid naman siya sa akin.
"Look who's talking."
Naglakad siya papalapit sa akin. May inabot siyang isang may kalakihang bunga ng hinog na papaya.
"Eat it. It will some how quench your thirst and feed your tummy. I looked around for food. Halos dalawang araw ka nang tulog." He sat beside me after saying that.
"May sugat ka rin." I told him looking at his forehead.
Bukod doon ay may mga mahahabang sugat din siya ngunit hindi naman nagdurugo.
"Won't kill me," walang emosyon niyang sabi.
May kinapa siya sa likurang bahagi ng kanyang pantalon at nakita kong ‘yung blade na itinago niya iyon. Inumpisahan niyang hiwain ang bunga ng papaya na nakuha niya sa kung saan.
"Though I just literally picked this up somewhere, I'm sure it's clean. Ang importante may pagkain." He informed me kahit wala naman akong sinasabi tungkol sa prutas na ipinapakain niya sa akin.
"Hindi naman ako nagrereklamo. Hindi rin naman ako mapili sa pagkain lalo na sa sitwasyon natin ngayon." Hindi ko mapigilang hindi maging defensive sa sagot ko sa kanya.
Natigilan siya sa kanyang ginagawa at pagkatapos ay tumingin sa akin.
"I didn't mean to offend you."
Hindi ako sumagot. Tahimik ko na lang na hinintay na mahati niya ang prutas. At nang maalis na ang mga buto nito ay wala pa ring imik na kumagat ako at kumain.
"Paano tayo nakarating dito?" tanong ko sa kanya nang matapos kami sa pagkain.
"We were washed ashore. Literally. Malaking tulong ‘yung ginawa mong pagtatali sa ating dalawa kaya hindi tayo nagkahiwalay noong mawalan tayo ng malay. When I got my conciousness back, I looked for a place where I can place you then sa loob ng dalawang araw na wala kang malay, naglibot-libot ako rito sa island. May mga fruit-bearing trees naman at iyon ang makakatulong sa atin para maka-survive ng ilang araw pa rito while waiting for some rescue. May falls din akong nakita and I'd like to believe that the water is somewhat clean. Hindi pa naman ako nagka-diarrhea noong uminom ako roon." He informed me.
"Gusto kong uminom ng totoong tubig at maglinis na rin doon." Nanlalagkit ang pakiramdam ko kaya kailangan kong maligo kahit sandali lang.
"I'm sorry. Wala akong nakita na pwedeng paglagyan ng tubig para sa'yo kaya kailangan talaga nating pumunta roon para uminom at maligo. But the problem is, kaya mo na bang tumayo?"
"Kakayanin," sagot ko sa kanya.
I winced as I forced my self to move. Nakita ko ang pag-iling niya at ilang saglit pa ay tila ako lumipad nang buhatin niya ako. Nag-iinit ang mga pisngi ko nang magdikit ang mga hubad naming katawan. Mabuti na lang at nagtira pa siya ng tela sa katawan ko dahil kung hindi, sa hiya ako mamamatay at hindi dahil sa pagkalunod sa dagat o sa gutom.
"A--ano pala ang nangyari sa may noo ko?" tanong ko na lang upang hindi ipahalata sa kanyang may epekto sa akin ang ginagawa niyang pagbuhat sa akin.
"You have a big wound on your forehead. I chewed some guava leaves and put it there to make it heal faster."
"You chewed the leaves?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. May laway ni Damon ang sugat ko?
"And I thought you're not maarte? Uncle Luis taught us about chewed guava leaves on wounds. I did that on mine and see, dry na ang mga sugat ko."
"Hindi naman pagiging maarte kung kukuwestiyunin ko ang laway mo sa sugat ko. Did you really need to chew it? Bakit ‘di mo na lang dinikdik ng bato ‘yung mga dahon?" Ewan ko ngunit gusto kong mapika sa kanya sa mga oras na iyon.
"Kailangan bang nguyain mo talaga at lawayan?" Muli kong tanong nang umikot ang mga mata niya.
"Uncle Luis said na mas effective ang healing power ng guava leaves kung may laway. Effective nga sa akin, ‘di ba? Tignan mo bukas, dry na ‘yang sugat mo."
"Arte, sa noo lang naman dumikit yung laway ko," pabulong niyang dagdag nang makita ang pagsimangot ko.
Oo na. Hindi ako maarte sa pagkain pero sa laway na dumikit sa balat ko? It's totally gross.
Stop it, Kenji. Ginawa lang ni Damon ang alam niyang makakatulong sa'yo.
Kinagalitan ko ang sarili ko.
Para hindi na humaba ang usapan ay pinanuod ko na lang ang mga dinaraanan namin. Mula sa puro buhangin ay isang gubat ang tinahak na daan ni Damon. Noong una ay mangilan-ngilan lang ang mga puno ngunit kalaunan ay kumapal na nang kumapal ang mga punong nadaraanan namin.
"Malapit na tayo." He told me. May naririnig na nga akong mahinang pagbagsak at daloy ng tubig.
Ilang sandali pa nga ay narating na namin ang sinasabing talon ni Damon. At tama rin siya. May kalinawan na nga ang tubig na naroon kahit na may nagdaang malakas na bagyo. Kahit paano ay na-appreciate ko ang ganda ng tanawing nakikita ko.
"Ibaba mo na lang ako roon." Itinuro ko sa kanya ang isang direksiyon kung saan niya ako maaaring ibaba ngunit hindi iyon ang daang tinahak niya.
"Damon, didn't you hear me? Ang sabi ko, doon mo ako ibaba," Kunot noong tingala ko sa kanya.
"I heard you loud and clear. It's just that I know you can't clean your self because you're still weak so I'm volunteering."
"Ano? Paliliguan mo ako?" nanghihilakbot kong tanong sa kanya.
"So what? Pareho naman tayong boys. At ikaw na rin ang nagsabi, in this kind of situation, we don't have any choice. Isa pa, we've been together for almost a month now, mahihiya ka pa ba sa akin?" tila balewala niyang sabi na ikinapipi ko.
Oo nga naman. Ginagawa kong isyu ang hindi naman dapat isyu. Tama rin naman siya sa sitwasyon namin ngayon at sa mga sitwasyong pinagdaanan namin noon, may lugar pa ba ang hiya sa aming dalawa? Wala na dapat, ‘di ba?
Kaya nanahimik na lang ako hanggang sa makahanap siya ng medyo malilim na lugar kung saan kami pupuwesto. Tahimik at maingat akong ibinaba ni Damon sa mababaw na tubig.
"Teka, paano itong pants at undies natin? Tsaka nasaan yung mga suot nating jacket? Di ba naka-jacket tayo noong nasa yacht tayo?" May kumakalembang na warning sa tuktok ng ulo ko sa naiisip kong sitwasyon pagkatapos naming maligo.
"I removed them dahil masyado silang mabibigat noong mabasa sila nang mahulog tayo sa dagat. Nanghihina na ako at kesa tuluyan tayong lumubog at malunod, hinubad ko na ang mga iyon sa mga katawan natin bago pa ako mawalan ng malay. Let's just hope na mapadpad sila sa shore para may magamit tayo," tumango ako sa pagpapaliwanag niya.
May point din naman siya. At wala ako sa sitwasyong iyon para magdesisyon ng ikabubuti namin. And I have to put in mind that I owe Damon my life. Kung wala siya baka kinain na ako ng mga isda sa dagat na iyon.
"I'm gonna wash your clothes once we get back. Unless gusto mong isabay ko na after nating maligo para ‘di na ako bumalik dito."
Gusto kong sabihing ‘wag na siyang mag-abala pa pero hindi ko naman kayang bumalik dito mag-isa para gawin iyon. Iniisip ko rin na kailangan naming patuyuin iyon after naming malabahan dahil ayoko rin namang magsuot ng basang pantalon at panloob. Ngunit ganon din naman ang mangyayari, di ba? Labahan man namin ngayon o labahan niya mamaya, maghuhubad pa rin ako sa harapan ni Damon. At least kung ako ang maglalaba ng gamit ko, may konting dignidad pang matitira sa akin. f*****g s**t. Dignidad na pala ang kapalit ng paglalaba ko sa sariling undies ko.
"Fine," sagot ko na lang sa kanya para matigil na kami sa isyung paglalaba.
Dinala ako ni Damon malapit sa kinababagsakan ng tubig ng falls na may kalaliman na. Marunong naman akong lumangoy ngunit dahil nanghihina pa ang mga kalamnan ko, wala akong choice kundi kumapit at magpaalalay sa kanya. Direkta kong ininom ang tubig na nahuhulog. Nagpakasawa ako dahil may kalamigan at manamis-namis ang tubig sa falls. Tinulungan ako ni Damon nang lumubog ako upang malinisan ang ulo ko. Inalis niya ang pagkakahugpong ng tela roon. Tiniis ko ang bahagyang hapdi na nadama mo nang hugasan ni Damon ang sugat ko roon.
"Malaki ba?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya dahil sa nakikita kong pagtitig niya sa sugat ko.
"You'll live. I'm sure it won't get infected. I told you already. Effective ‘yung guava leaves at laway ko. Besides, it's a beauty mark." Pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon ay tumingin siya sa mga mata ko.
"Every scar and every bruise that we get is a proof of how strong we are, Kenji. They are proofs of how strong we are in surviving this f****d up situation. In the future, be proud that you carry those scars. Because, I am. I am proud of you."
Natameme ako sa harapan ni Damon pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya.
"You are not the weakling I once thought you were. In every situation that we faced, you are proving to me how wrong I was for judging you. I always underestimated you before, Kenji. Aaminin ko iyon ngayon sa'yo. But all I see whenever we are in a life and death situation is your bravery, your courage. Hindi ako masaya na nasa ganitong sitwasyon tayo. We could have been in our beds right now enjoying life. Pero nandito na tayo and we need to survive so we can go back to our lives. And believe me, I'm happy na ikaw ang kasama ko ngayon. Hindi mo alam ngunit ang ipinapakita mong katatagan ngayon ang nagpapalakas ng loob ko. I'll make sure we'll survive this, Kenji. I am hoping that we could really be good friends after." Dama ko ang sinserity sa mga salita ni Damon Kaya tumango ako sa kanya.
"Hindi naman kita itinuturing na kaaway ever since. ‘Di ba nasabi ko na iyon sa'yo? Iniinis mo lang ako mula pa noong nagkakilala tayo ngunit hindi kita itinuring na kaaway. Oo, may galit dahil sa mga panghuhusgang ibinato mo sa akin noon but hearing you say those words today, made the anger disappear. We need each other to survive at tama ka, sa dami na ng mga pinagdaanan natin kailangan pa nating mas maging matatag. At mas tatatag tayo kung magkaibigan tayo. Kalimutan na natin ang mga away at bangayan noon. Gusto ko ring maging tunay tayong magkaibigan pagkatapos ng lahat ng ito." I smiled at him and he smiled back.
Alam kong we just talked about friendship ngunit hindi ko napigilan ang maging awkward nang tumagal na ang ginagawang pagtitig sa akin ni Damon. Simula sa noo ko, sa ilong ko, at pagkatapos ay sa mga labi ko ang pagtitig na ginagawa niya.
"Damon, hindi pa ba tayo aahon? Medyo giniginaw na ako," pagputol ko sa ginagawa niyang tila pag-aaral sa kabuuan ng mukha ko.
"Yeah, let's go."
At para hindi ako nakayakap sa kanya hanggang sa makarating kami sa mababaw na bahagi ay pabiro ko siyang itinulak patalikod at saka ako kumapit sa mga balikat niya.
"I'll give you some privacy," pagpapaalam ni Damon at alam ko na ang tinutukoy niya nang nasa mababaw na bahagi na kami.
Kaya naman nang makalayo na siya para maglaro sa tubig ay kaagad kong hinubad ang pantalon at panloob ko kahit sobrang hirap dahil nanghihina pa rin ako. Kinusot-kusot ko ang mga iyon kahit walang sabon pati na rin ‘yung t-shirt na ginamit ni Damon na pantali sa sugat ko sa ulo. Nang matiyak kong malinis na sila ay muli ko sila isinuot. Sana naman ay may mapadpad na mga gamit mula sa tumaob na yate sa pampang para may magamit kami ni Damon hanggang sa may dumating na tulong.
Saglit na nawala si Damon at nang makabalik ay may dala ng mahahabang dahon.
"Banana leaves," sabi niya sa akin pagkatapos hugasan ang mga iyon.
"Hindi ka naman nangati sa kanila, ‘di ba? Kung napansin mo kanina, sila ‘yung mga hinigaan mo. Magagamit natin silang kumot habang pinapatuyo natin ‘yung mga damit natin mamaya. Kukuha ulit ako ng mas marami pa mamaya para pandagdag na bubong natin," tumango-tango ako sa kanya.
Actually, I'm glad sa nakikita kong diskarte at maturity sa pag-iisip at kilos niya.
Muli niya akong binuhat pabalik sa ginawa niyang munting bahay namin. Lumayo siya at tumalikod habang hinuhubad ko ang mga basa kong suot pagkatapos ay tunakpan ko ng malaking dahon ng saging ang kahubaran ko.
"Okay na." I called out. Lumapit naman siya at kinuha ang mga iyon.
"Ilalagay ko sila sa may batuhan para matuyo agad. Then, I'll look for food and get guava leaves para sa sugat mo," waring pagpapaalam niya sa akin.
I smiled at him.
"Ingat ka," tumango siya at ngumiti sa sinabi kong iyon.
"I will. Thanks. Pahinga ka muna while waiting for me." Nang makita niya ang pagtango ko ay umalis na siya.
Ngunit gustuhin ko mang matulog para makabawi ng lakas ay hindi ko naman nakuha ang tulog na gusto ko kaya pinanuod ko na lang ang pagpapabalik-balik na ginagawa ni Damon.
Naglagay siya ng mga may kalakihang mga sanga sa tila bubong namin pati na rin ng mga dahon ng saging. Sa ikalawa ay may dala na siyang mga dahon ng bayabas na halatang hinugasan niyang mabuti. Nginuya niya ang mga ito at saka itinapal sa sugat ko. Inalis ko na ang pandidiri na nalawayan ng iba ang balat ko. Damn, that sounds so f*****g dirty.
Sa ikatlo ay maliliit na sanga na ang dala niya at inayos niya ang mga iyon para magsilbing bonfire kapag madilim na. Sa ikaapat na balik niya ay may bitbit na siyang dalawang niyog. I watched as he painstakingly tried to open one for hours. Tagatak na siya ng pawis nang matapos siya. Nakita kong halos nanginginig na at may nadagdag na mga sugat ang mga kamay niya para lang mabuksan ang mga niyog.
"Sorry. Hayaan mo at kapag malakas-lakas na ako ay makakatulong na ako sa'yo." Nahihiyang sabi ko sa kanya nang isubo niya sa akin ang nakuha niyang puti ng niyog gamit ang blade.
"Don't think about helping me yet. Kaya ko pa naman. Besides, this is like survival to the fittest, baby. Training na ito sa akin."
Nawala ang ngiti ko sa endearment na itinawag niya sa akin. Natigilan din siya sa ginagawa niyang paghiwa sa laman ng niyog at pagkatapos ay napatingin siya sa akin.
"It was just a..."
"Slip of the tongue."
Ako na ang tumapos sa sasabihin niya. Pinilit kong ngumiti sa kanya ngunit muli lang siyang yumuko.
"Yeah. Just a slip of my damn tongue," bulong niya na hindi ko na narinig pa.