Hindi ako naniniwalang ‘yung Kenji na iyon ang pipiliin ni Kuya Azyra over Sachi! You knew what they did to your brother! Kung hindi dahil kay Sachi, nasa mental institution na ang kapatid mo because of depression!
Nanlamig ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sinabing iyon ng pinsan ni Azyra. So, nagkaroon pala ito ng depression dahil sa paghihiwalay namin ng ilang taon bago siya naging malapit kay Sachi that eventually led them to having a relationship?
Ngunit imbes na masiyahan dahil sinasabi lang at pinapatunayan ng narinig ko kung gaano nasaktan si Azyra noong maghiwalay kami ay nakadama ako ng kalungkutan at panghihinayang. Napakaraming panahon at paghihirap ng damdamin ang nasayang sa aming dalawa ngunit mas maraming tao ang nasasaktan at naaapektuhan ngayong kami naman ay nagkabalikan na.
I can't help but ask my self, tama pa ba ang ginagawa ko?
At least, noong hiwalay kami ay ako lang ang nagsa-suffer. Nag-suffer man ang parents ko dahil sa ginagawa ko sa sarili ko noon ay deserve nila iyon dahil sila ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Azyra.
Akala ko kapag nagkabalikan kami ngayon ni Azyra ay maaayos na ang lahat ng nasira sa amin. Ngunit nangyari nga ang gusto ko, marami naman ang nadamay. Nasira ko ang buhay ng pinsan ko, nasira ko ang buhay ni Azyra, at may chance pa na masira ko ang magandang samahan nilang magpipinsan dahil sa pagpapakasal ko kay Azyra. Magiging maayos nga ang lahat sa akin ngunit mas marami naman ang nasira at masisira pa.
I decided to return inside the house ngunit imbes na bumalik kung nasaan ang lahat ay dumiretso ako sa kuwarto ko pagkatapos kong magbilin sa mga maids na ayokong maistorbo.
I just laid down on the bed with a lot of thoughts in my mind. Hindi ko pinansin ang ilang ulit na pagtawag sa akin ng mga maids dahil sa utos ng parents ko. Nakahiga lang ako, nakamulat ang mga mata, at abala sa pag-aanalisa.
Lalaban pa ba ako o susuko na?
....
Halos hindi ako nakatulog sa buong magdamag ngunit kahit papano, may ngiti na sa aking mga labi nang bumangon ako. I have finally decided at kung anoman ang kahahantungan nito ay patuloy akong lalaban.
Nag-shower ako at naghanda na para sa sermonyang hinintay ko buong buhay ko.
May kakaibang sigla ako habang naliligo, nagbibihis at naghahanda. Tiniyak ko na hindi mapapansin ng kung sinoman ang lungkot sa aking mga mata. Whatever happens later ay paninindigan ko ang desisyon ko habambuhay. Wala na akong pakialam pa sa sasabihin ng iba kahit na ng sarili kong mga magulang.
Sumilip ako sa isa sa mga bintana ng kuwarto ko na nakaharap sa garden. Nakita kong nakahanda na ang lahat at ang ilang mga upuan ay okupado na ng mangilan-ngilang bisita.
I heard a knock on my bedroom door kaya pinuntahan ko iyon at binuksan. Naroon sina Papa at Daddy na may alanganing mga ngiti sa mga labi. I opened the door wider to let them enter.
"Anak," Daddy called me habang nakaangat ang mga braso.
Pumasok ako sa loob niyon at dinama ang yakap niyang lagi kong pinananabikan noong bata pa lamang ako.
Pagkatapos kong yumakap kay Daddy ay kay Papa naman ako yumakap. Between my fathers, kay Papa ako laging nananabik ng approval. I always wanted to please him at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko to give him satisfaction. But sadly, it has always been not enough.
"Anak, final na ba talaga ang desisyon mong pagpapakasal kay Azyra? Hindi pa lubos na maayos sa inyo ang lahat," may pag-aalinlangang tanong ni Dad.
"Final na po, Dad. I will walk down the aisle and marry him kahit hindi totoong aisle ang lalakaran ko. Pwede na rin yung gawa-gawang aisle," pagbibiro ko na ikinatawa niya.
"Don't worry, Dad. Anumang gulo sa pagitan naming dalawa ay aayusin ko ngayong araw na ito," paniniyak ko sa kanya.
"Kenji, anak, muli akong humihingi na tawad sa ginawa kong panggugulo sa inyo ni Azyra. Isa iyong napakalaking pagkakamali, anak. Sana balang-araw, you will find it in your heart to forgive your old man," maluha-luhang sabi ni Papa sa akin.
Naninikip ang dibdib na tiningala ko siya.
"I may have hated you for what you did, Papa but I'll always, always forgive you. And no matter how much you've hurt me, I will always forgive you because I love you." Mahigpit akong yinakap ni Papa pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.
I silently cried on his shoulder. Fear started to creep inside my chest but itinabi ko iyon sa sulok ng aking puso. I wouldn't let it stop me from what I am about to do.
"I love you both. Hindi man kayo proud sa akin ngayon, but I will make you proud of me someday. Kung makakagawa man ako ng bagay na ikalukungkot ninyo, sana ay mapapatawad n’yo rin ako agad. And please put it in your mind that I am going to do what I need to do for my own happiness and peace of mind."
"Oh, Kenji. Hindi ka pa man humihingi ng tawad ay napatawad ka na namin, anak. And we are proud of you. We are proud of you and your brother. Hindi man kami naging ideal na mga ama sa inyo, we are proud of what you have and what you will become." Dad tearfully said those words that made my chest tighten even more.
"Thank you, dad. And I’m sorry sa lahat ng mga problemang dinala ko sa inyo. Thank you for being my parents." I sincerely told them.
Ilang sandali pa kami nagyakapang mag-aama bago nila ako tuluyang pinakawalan.
"Naririto na ba ang lahat, Dad? Sina Lolo?" I asked as dad helped me fix my self.
"Hahabol daw sila sa ceremony, anak. Inatake ng high blood ang Lolo Francis mo kaninang umaga."
"How is he?" nag-aalala kong tanong.
"Maayos na raw ayon sa Lolo Marcus mo ngunit kailangan ng ilang oras na pahinga. Matatanda na ang mga Lolo mo and it's expected from them na humina na ang katawan nila," Papa explained.
"I understand, Pa. Ang mahalaga sa akin ay okay na si Lolo Francis." Kahit papano ay nabawasan ang pag-aalala ko sa aking lolo sa sinabing iyon ni Papa.
We went out of the room after 30 more minutes. At sa harap ng garden kung saan ako dapat nakapuwesto ay iniwan na nila ako. Huminga ako nang malalim habang iginagala ang mga mata ko. Punung-puno ang garden sa dami ng mga bisita na magiging witness sa kasal namin ni Azyra. Napakaganda rin ng ginawa nilang pag-aayos sa aming garden para sa okasyon.
Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko sa pinaghalo-halong nerbiyos, takot at antisipasyon. This is it. This is the moment I have been dreaming of.
Natahimik ang lahat nang pumailanlang na ang musikang pinili ng mga magulang namin para sa aming pag-iisang dibdib.
Naunang naglakad si AZ dala ang wedding rings namin ni Azyra. He was followed by Tito Ivory at Tito Robby. Sumunod si Azyra sa kanyang mga magulang at pumuwesto sila sa harap ng pari na magkakasal sa amin ni Azyra. My heart skipped a beat. He is every woman and man's dream man. Hindi nakabawas sa kaguwapuhan niya ang kanyang simpleng mga ngiti.
Then, naglakad na sina Papa at Daddy. Lalo akong kinabahan dahil ako na ang susunod.
As I started walking, my body started trembling as well lalo na at alam kong sa akin na nakatingin ang lahat. Nang malapit na ako sa ginawa nilang altar, I looked at Azyra's eyes. Doon ako kumuha ng lakas upang magpatuloy sa aking paglapit sa kinatatayuan nila. At nang tuluyan na akong nasa harapan nila, nakipagkamay ang mga magulang ko sa mga magulang niya. Azyra held my trembling hand.
"Stop worrying, Kenji. This is the day you've been waiting for." Azyra whispered at my ear ngunit imbes na mawala ang nerbiyos ko ay lalo nitong pinatambol ang dibdib ko.
Para na akong matutumba sa anumang sandali kaya humigpit ang kapit ko kay Azyra. Alalay niya ako nang pumunta kami sa harapan ng pari na magkakasal sa aming dalawa.
"We are gathered here today to witness the marriage between Pierre Azyra Vladimier Salvador and Kenji Raegan Kaide Martenei..." panimula ng pari.
Halos ang malalakas na t***k ng puso ko na lang ang naririnig ko at hindi na lubusang nauunawaan ang mga salitang sinasabi niya.
"If there's someone out there who is against this union, speak now or forever hold your words." Mas lalo pang natahimik ang lahat sa deklarasyong iyon ng pari.
Matagal na katahimikan ang namayani habang naghihintay kaming lahat sa kung sinomang tatanggi sa kasalang magaganap.
Isang malalim na hininga ang binitawan ko ngunit muli ko iyong nahigit nang isang boses ang pumailanlang sa katahimikan ng paligid.
"WAIT!"