I have so much nervousness, anxiety, anticipation and excitement in going here in Russia. Bagong mundo ang papasukin ko, bagong kultura ang kailangan kong tanggapin, bagong tao ang mga kailangan kong kilalanin at pakisamahan at bagong relasyon ang aking susuungin. Sa totoo lang, habang natutulog si Damon sa tabi ko ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang madaratnan ko sa pagdating namin sa Russia. Hindi ko alam kung makakabuti nga ba talaga para sa akin ang desisyon kong pagsama kay Damon. Hindi ko alam kung tama ba talaga na sumama ako sa kanya. Napapaisip rin ako. Hindi kaya ay na-excite lang ako? Na-overwhelm? O kaya naman ay nagmadali? Was he my salvation kaya kahit marami ang kontra, kahit may mga kontrabida na akong nakikilala, o kahit na wala talagang kasiguraduhan ang l