CHAPTER 3

1989 Words
Habang nasa labas ng mansion si Cedric at hinihintay nito ang dalaga dahil pupunta nga cila sa bayan upang mamili ng mga gamit nito ay di naman magkanda ugaga sina Cynthia at Nay Martha sa pagtingin ng damit na pwedeng isuot nito papunta sa bayan! "Nay cino po pala ci Angie?----"tanong ni Cynthia habang isinusuot nito ang damit na ibinigay ni Nay Martha sa kanya! "ah yun yong pinsan ni Cedric na nag aaral sa London...minsan nagbabakasyon yun dito kaya mi mga gamit siya dito.."pakilala naman ng matanda! "ahh......akala ko naman---haha----"natuwa namang si Cynthia! "akala mo ano iha?---"nakangiting tanong ng matanda sa dalaga! "ah eh wala po Nay!----"paglilihis ni Cynthia sa tanong ng matanda! "oh ano po Nay----okay na po ba tong suot ko?---"si Cynthia!nasa harapan ito ng salamin at tinitignan ang refleksiyon nito! "napakaganda mo---at napakasexy mo pa iha!-------kahit ano naman atang isuot mo eh maganda ka pa din naman..."humahangang sagot ng matanda na ngiting ngiti sa dalaga! "sabi niyo po yan ha walang bawian------"pabiro namang turan ni Cynthia sa matanda! Hanggang sa tinignan muli nito ang sarili sa harap ng salamin! "wala pa lang kakasya huh!----"si Cynthia sa isip isip nito ng maalala ang mga cinabi kanina ng binata! Agad na bumaba si Cynthia at Nay Martha matapos makapagbihis ang dalaga! Nagkatinginan naman sina Cynthia at Nay Martha nang makita ng mga ito si Cedric na matamang naghihintay sa harap ng sasakyan nito!halata ang pagkainip ng binata! "hmmm---------white t-shirt and black pants and still----hes adorably hot!----hhhm mukha pang mabango.....parang ang sarap tuloy niyang amoyin---"sa loob loob na sambit ni Cynthia! Samantala agad namang napatingin si Cedric sa dalawa na paparating! Habang si Cynthia ay unti unting napalitan ng lungkot at inis ang masayang aura nito kanina dahil sa nakita nitong reaksyon ng binata! Bigla kasing dumilim ang mukha nito ng makita siya at ang sama sama pa ng mga titig nito sa kanya! Tinignan pa siya nito mula ulo hanggang paa ng nanunuri nitong mga mata! Nadismaya si Cynthia sa reaksyong nakikita nito sa binata!ang kaninang proud at mi kompiyansa sa sariling si Cynthia ay nawala sa sistema nito! "Nay di ba sabi ko yung kakasya sa kanya?!---- ano yan!?----"inis na si Cedric na tinignan pang muli si Cynthia mula ulo hanggang paa! Parang naintindihan naman ng matanda ang punto ng binata kung bakit ganun ang reaksyon nito! Nakasuot si Cynthia ng black blouse!white high waisted skirt and strappy black heels!and of course-the look wasnt complete without a bright red lip! "okay naman ah.....kasya naman sakin to...."mahinang usal ni Cynthia na narinig naman ng binata! Agad na bumaling sa kanya ang binata sa sinabi nito!napansin nitong tila mag aapoy na sa galit ang tinging ipinupukol sa kanya ngayon ni Cedric! "bakit kasi sobra taas yan!!-----pwede namang ibaba yan ah--- n-nang hindi nakikita yang------"inis na puna ni Cedric sa skirt ng dalaga sabay tingin sa nakalantad na biyas ng dalaga! Agad din naman itong nagbawi ng tingin ng makita nitong nakatingin din pala sa kanya si Cynthia na salubong ang kilay! "ibaba daw???---ano na lang itsura ko pag ibinaba ko?!--eh ganito naman talaga isuot to noh?juice colored napakaarte talaga ng probinsyanong toh!---"inis namang si Cynthia sa isip isip nito! Hindi na din maipinta ang mukha nito sa inis nito sa binata! Hindi na lamang umimik pa ang binata ng mapansin nito ang mukha ng dalaga!tila natauhan naman si Cedric sa inasta at pinagsasabi nito! "ah eh iho yan na kasi yung pinakamatino sa gamit ng pinsan mo.....alam mo naman yung pinsan mong yun..tas yan na din yun mahaba haba ang tabas---pinakamahaba na yan anak!----"saad ng matanda! Napatingin naman muli si Cynthia kay Cedric!napansin nitong bumalik na naman sa dati na blanko ang ekspresyon ng mukha nito! "ah eh gusto mo bang palitan na lang niya anak?eh yun bang mga damit ko ipahiram ko...iyon na lang ipasusuot ko sa kanya kung ayaw mo niyan...."suhestiyong biro ng matanda! "nay naman...."sagot na lang ni Cedric sa matanda "hala sige na...lumakad na kayo at magtatanghali na.."pagmamadali ng matanda sa dalawa! Wala nang nagawa pa si Cedric dito!agad na lamang nitong binuksan ang pinto ng sasakyan! "sakay!---"maawtoridad na sambit ng binata kay Cynthia! Agad na lamang ding sumakay si Cynthia sa sasakyan na hindi pa rin maipinta ang mukha! ~~~~ Habang lulan ng sasakyan ang dalawa ay tila nagpapakiramdaman ang mga ito!minsan namay hindi maiwasan ng binata na hindi mapatingin sa mapuputing hita ng dalaga!tila hindi nito matuon ang paningin nito sa daan dahil sa nakalantad na biyas ng dalaga! Wala namang imik si Cynthia dahil sa inis nito!pakiramdam nito ay ininsulto siya kanina ng binata at talaga namang nainsulto siya!kaya kontento na lamang itong nakatingin sa labas ng sasakyan! Samantala hindi naman mapakali si Cedric!iniisip kasi nito ngayon ang mga salitang binitawan nito kanina sa dalaga! "napasobra ata ako kanina....hindi naman yun ang intension ko---ayaw ko lang talaga yung suot niya- masyadong revealing!s**t!----"sa isip isip ni Cedric habang nagmamaneho! Tumingin pa ito saglit sa gawi ni Cynthia hanggang sa mapatingin na naman ito sa  mapuputing hita ng dalaga!napapabuntong hininga na lamang muli ito! Lalaki din siya kaya alam niyang pagtitinginan ito ng mga lalaking makakakita kung ganon ang suot nito!baka mapalaban pa ito ng wala sa oras kung mi magtangkang bastusin ang dalaga!ang mga naglalaro sa isipan ng binata! Hanggang binasag na ng binata ang katahimikang namamayani sa mga ito! "ahm----- s-sorry kanina---"si Cedric na tumingin pa saglit sa gawi ni Cynthia! "h-ha?-------"wala naman sa sariling si Cynthia! "sorry dun sa kanina.."ulit naman ni Cedric rito! "ah----okay..."maikling sagot ni Cynthia!hindi ito nakumbinsi sa sorry ng binata kaya yun lang ang isinagot nito! Napabuntong hininga pang muli ang binata!hindi pa din ito mapakali kahit humingi na siya ng sorry dito! "ah----okay??------yun lang masasabi niya?----haist mga babae talaga..."sa isip isip ng binata! Hanggang sa magsalita muli ang binata! "music?----gusto mo makinig?ano bang gusto mong music?-----" tanong ni Cedric sa dalagang wala pa ring imik! "kahit naman sabihin ko siguradong wala jan sa playlist mo....."si Cynthia habang nakatingin pa rin ito sa labas ng sasakyan! "what song ?-----kahit ano pa yan meron ako--"si Cedric! "os?talaga lang huh!---mga luma ang gusto ko okay.."pabebe namang baling ni Cynthia! "ano nga?-----"si Cedric! "sure ka ha?sige na nga----Alisonn Krauss yun Baby Now That I Found You---"tila inis pa ding si Cynthia! "here!----"si Cedric sabay abot nito ng kanyang phone! "oh bakit aanhin ko to?------"si Cynthia! "hanapin mo jan---nagmamaneho ako--"si Cedric! "at inutusan pa talaga ako huh?----ako tong sinusuyo mo dito eh!-----"si Cynthia sa isip isip nito!sabay irap sa nagmamanehong binata! "aba ambisyosa ka Cynthia hah!nag iinarte ka pa!humingi na nga ng sorry yung tao eh!anu mi L.Q lang?---"giit naman ng kabilang bahagi ng isip nito! "aba syempre dalagang Pilipina ata toh noh dapat magpakipot muna-------ng konting konti lang naman!LOL!"sigaw na naman ng kabilang bahagi ng isip nito! "sigurado ka meron ka nun?mahilig ka din sa ganun???"parang mi ibig sabihin namang tanong ni Cynthia sa binata! "No----"si Cedric! "eh bakit meron ka?----"si Cynthia! "spotify?-----"si Cedric! "ah....oo nga pala---bagong app pala yun.."tila napahiya namang si Cynthia! "shunga mo talaga Cynthia bakit di mo naisip yun?ang yabang huh!"bubulong bulong namang si Cynthia! Mayamayay nahanap nadin nito ang kanta ni Alisonn Krauss na Baby Now That I Found You na acoustic version!kaya itinodo talaga nito ang volume ng hawak nitong phone! Alison Krauss Baby Now that I Found You Baby,now that ive found you I wont let you go I built my world around you Ineed you so,baby even though You dont need me now Sumasabay pa si Cynthia sa kanta at pag natatapat naman ang kanta sa "baby now that ive found you i wont let you go"napapatingin ito kay Cedric! na tila bang sa kanya nito iniaalay ang mga katagang iyon!(ang landi ng mi amnesia toh!hahaha!) Samantala iiling iling naman si Cedric na paminsan minsang tumitingin sa gawi ng dalaga na kuntodo kanta! Baby,baby when first we met I knew in this heart of mine That you were someone i couldnt forget I said right,and abide my time Spent my life looking for that somebody to make me feel like new Now you tell me that you want to leave me But darling, I just cant let you Lihim namang napapangiti si Cedric at pinipigilan ang sarili na matawa!kasi nawawala na sa tono ang dalaga at nawala na din ang original na tono ng kanta sa pinag gagawa nito! "feel na feel pa niya talaga...sinisira na niya yung kanta...tsk!."sa isip isip ng binata! ~~~~ Pasado ala una na ng makauwi sina Cedric at Cynthia! Sa pagpasok ng mga ito sa hacienda ay bigla namang natanaw ni Cynthia ang isang babae na nakasandal sa isang pulang kotse na tila inip na inip sa kinatatayuan nito!inaayos ayos pa nito ang damit nitong hapit na hapit sa kanyang katawan! ~~~~ "hi darling!! i miss you!-----"sambit ng babae sabay yapos at halik sa binata nang tuluyanng makababa sa sasakyan nito! Nanlaki ang mga mata at napataas ng kilay si Cynthia sa ginawa ng babae! "daig pa ang ahas kung makalingkis huh!!ito namang magaling na lalaking toh hindi man lang tumanggi parang gustung gusto pang magpalingkis sa babaeng ahas na toh!----"inis namang si Cynthia sa isipan nito! Inis na lamang na bumaba ng sasakyan si Cynthia!hindi na din nito hinintay pa si Cedric na pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan! "pumasok ka na sa loob----mi kakausapin lang ako--ako na magpapasok ng mga yan mamaya--"utos ni Cedric kay Cynthia pagkababa nito sa sasakyan! "kung makapag utos akala mo kung cino!at talagang pinapasok pa ako agad!di man lang niya ko ipakikilala sa haliparot na babaeng ahas na toh!"bubulong bulong na si Cynthia! "mi sinasabi ka?-------"si Cedric! "wala----sabi ko papasok na nako sa loob!---"pekeng ngiti ni Cynthia! Haggang sa tumingin ito sa gawi ng babaeng lumilingkis pa rin kay Cedric! "sobra naman tong babaeng toh!nagsuot pa ng damit kung gusto rin lang naman pala niyang ipakita lahat noh!!!-------at ang harapan huh!!! nabiyayaan ang bruhang haliparot!----"sabi pa ni Cynthia sa isipan nito! Napatingin din si Cynthia sa sarili nitong dibdib!tila ba sinisipat sipat pa nito kung cinong mas malaki sa kanila! Mas lalo namang nagusot ang mukha ni Cynthia ng mapansing mas malaki ang dibdib ng babae!(hahaha inggetera!) Habang ang babae namang nakapulupot kay Cedric ay kinikilatis din naman ang ngayoy nakababa na sa sasakyang si Cynthia!sinisipat sipat din nito ang buong kabuuan ni Cynthia na tila ba cinasabi ng mga tingin nito na mas sexy at mas maganda siya rito!mi pairap irap pa itong tingin kay Cynthia! Pumasok na lang din si Cynthia na bubulong bulong at hiindi na lang lumingon sa dalawa kahit pa may cinasabi pa pala ang binata rito!agad na siyang tumalikod dito at naglakad papasok na parang walang narinig dahil sa inis niya rito! Pumasok si Cynthia sa loob ng mansion na hindi maipinta ang mukha!dumiretso ito sa kusina para uminom ng tubig! "oh Cynthia anak dumating na pala kayo...kumain ka naba?----"tanong ni Nay Martha habang inaayos ang mga kubyertos! "kadarating lang po namin-------tapos na po kami kumain Nay.."wala namang siglang sagot ni Cynthia! "okay ka lang ba iha?----hindi ka ba nag enjoy sa pamimili?---ai teka asan nga pala si Cedric?----"ang matanda! "eh baka nasa labas pa po ----nililingkis ng ahas..."matamlay na sagot ni Cynthia sa matanda! "ano iha?!may ahas sa labas?mi nakapasok na ahas sa bakuran natin?----"di naman makapaniwalang sambit ng matanda! "ai opo!!-------napakalaki pong ahas yong nandun sa labas!-------"si Cynthia! "abay teka at pupuntahan ko ang alaga ko baka mapano yun!"nahintakutang sambit ng matanda! "Nay Martha sandali!!----"pigil ni Cynthia sa matanda! "oh bakit iha?baka mapano si Cedric abay pupuntahan ko siya!----"sambit ulit ni Nay Martha! "ah eh wag na po kayong lumabas Nay----- hintayin niyo na lamang po siya dito sa loob---at malamang sa malamang nakabuntot din po yung ahas sa kanya...sige po nay akyat nako sa itaas....medyo sumama po ang pakiramdam ko...."walang kasigla sigla at matamlay na sambit ni Cynthia sa matanda! "eh naguguluhan ako sayo bata ka!----"naguguluhang si Nay Martha na cinusundan ng tingin ang papalabas sa kusinang si Cynthia!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD