Halos magtatatlong buwan na mula ng kupkupin nila ang dalaga at hanggang ngayon ay wala pa rin itong maalala!wala pa rin itong alam sa nangyari sa kanya!
Sa mga nagdaan namang mga araw ay umiiwas si Cynthia kay Cedric at kung maaari ay ayaw niya itong makita! ngunit kahit anong iwas niya rito ay pilit pa rin silang pinagtatagpo dahil nga nasa isang lugar at bubong lang ang mga ito!
Napansin naman agad ni Cedric ang tila pag iwas sa kanya ni Cynthia!
~~~~
Araw ng Sabado kung saan abala ang lahat sa paghahanda sa fiesta!nakagawian na sa hacienda na maghanda tuwing may fiesta!
Sina Cynthia at Aling Martha ay masayang nakikihalubilo sa mga naglulutong mga kababaihan sa likod bahay!
"gwapa gid ba!peru tane gwapa man ko!hihihi! gihigugma taka Cedric ginhigugma taka, namo kaayo!----"sambit ng isang ginang na humahanga sa kagandahan ni Cynthia!
Napapangiti na lamang din si Cynthia sa mga ito kahit pa hindi naman nito naiintindihan ang mga cinasabi ng mga ito!
Bumulong si Cynthia kay Nay Martha!
"Nay ano pong sabi?------"curious namang si Cynthia!narinig kasi nito ang pangalan ni Cedric!
"napakaganda mo daw!----ganyan din daw siya kaganda!at kung cino man ang mahal ni Cedric mahal din daw nila...kaya mahal ka nila-------"bulong ni Nay Martha kay Cynthia!
Napangiti si Cynthia ng marinig ang salitang mahal!
Mayamaya pay dumating na din si Cedric!kagagaling lang nito ng opisina!
"kamusta man kayo diri?-----"si Cedric sa mga tumpukan ng mga trabahador nilang nag iinuman!
"maayo man kami boss!-----"sabi naman ng mga ito kay Cedric!
Samantala tila mi hinahanap ang mga mata ni Cedric!palinga linga ito!hanggang sa makita din nito ang gusto nitong makita!si Cynthia!!
Agad na lamang nitong tinungga ang lambanog na ibinigay ng mga ito at tsaka nag paalam!sinabi pa nitong babalik ito mamaya at makikipag inuman ito sa kanila!
Nagtungo ang binata sa kinaroroonan ng dalaga!
"kamusta man ang mga gwapa?----"bungad ni Cedric sa mga kababaihang nagluluto!magiliw din namang binati ng mga ito ang binata!
Samantala kanina pa pinagmamasdan ni Cedric si Cynthia!tumabi na din ito sa kanya at paminsan minsan ay nagkakadaiti ang mga braso ng mga ito pero ni hindi man lang siya nito pinapansin o tinitignan man lang!
Nalungkot ang binata sa ginawang iyon ng dalaga!parang di siya nito nakikita!
"bakit ba kasi tumabi tabi pa ang lalaking toh sakin!-----ang luwang luwang naman dun eh!!nakikisiksik pa!----" si Cynthia sa isipan nito!
"groufie naman tayong lahat ate Cynthia at kuya Cedric!----"sabi naman ni Mariz na anak ng isa sa mga kasambahay!
Nag sipag ayos naman ang mga ito!agad na ikinabit ni Mariz ang monopod para makuha cilang lahat!nagcompress cilang lahat kaya muli na naman nagdikit ang dalawa!
Hindi maipaliwanag ni Cynthia ang kanyang nararamdaman sa tuwing nagkakadikit sila ng binata!ang lakas ng epekto nito sa kanya!
Akma namang lilipat sana si Cynthia ng pwesto dahil naiilang ito kay Cedric! lalo pat magkadikit ang mga katawan ng mga ito pero agad naman siya nitong kinabig at inakbayan! todo ngiti pa ang binata sa camera!
"aba aba nananantsing ang loko!------"sa isip isip ni Cynthia!
Napatingin pa ito sa kamay ng binata na nasa balikat nito!hanggang sa mapatitig si Cynthia sa mukha ng binata!
"ang mga ngiti niya----ngayon ko lang nakita ang mga ngiting yan...."si Cynthia habang titig na titig ito sa binata!
Hanggang sa napangiti na lamang din ito ng hindi nito namamalayan!parang nadala siya sa mga ngiti ni Cedric!kaya naman ang ganda ng rehistro ng mga mukha ng mga ito sa larawan!
"ate Cynths ang gaganda oh!------nakakakilig naman!para kayong couple dito na inlove na inlove sa isat isa!----"ngiting ngiti namang si Mariz sa dalawa na animoy kinikilig kilig pa!
Napatingin si Cedric sa gawi ni Cynthia!tinitignan nito ang reaksiyon ng dalaga!hinihintay din nito kung titingin din sa gawi nito ang dalaga!
Nadismaya si Cedric!hindi man lang siya pinapansin nito!
~~~~
Inalis na lang muna ni Cynthia ang mga gumugulo sa isipan nito!basta ang alam lang niya gusto niyang mag-enjoy ngayong araw at enjoyin ang fiesta kaya nakipagkulitan na rin ito sa kanila!
Mayamaya pay may mga binatang dumating at mi dala-dalang ibat ibang uri ng prutas at gulay kasama ang isang ginang na kasambahay din nila sa hacienda!
"oh mga iho para kanino ang mga iyan?---"tanong ni Nay Martha sa mga binata!
"eh kay Maam Cynthia daw po Aling Martha!----"sabad naman ng ginang!
Ang mga binata naman ay todo ngiti at pacute kay Cynthia!nagkakatulakan pa ang mga ito at pinagtatalunan kung cinong unang magsasalita!
Napapangiti na lamang din si Cynthia sa mga ito!
Pasimpleng tumingin si Cynthia sa gawi ni Cedric!wala na ang mga ngiti nito!blanko na din ang mukha ng binata!
"daig pa talaga ang babae kung makapag mood swings!grabeeeh!!----"sa isip isip pa ni Cynthia ng mapansing nag iba ang aura ng binata!
"my ghad teh!-------bet na bet ang beauty mo!tignan mo naman ang mga yan!mala Rafael Rosell ang katawan ha!at mi itsura san ka pa!-----pandesal din sa umaga yan teh!hihihi!!!-----"medyo pabulong at mi kasamang hagikgik namang si Mariz kay Cynthia!
"hahaha oo nga eh!------"natawa namang si Cynthia sa pinagsasabi ni Mariz!kunyaring kinikilig-kilig pa ito!
Rinig na rinig naman ni Cedric ang cinabi ng dalaga at ang reaction nito!hindi tuloy maipinta ang mukha nito sa narinig at reaction ni Cynthia na animoy kinikilig kilig pa ito!
Hindi na din ito naimik pa at kontento na lamang sa panaka nakang sulyap nito sa dalaga!
~~~~
Habang hinihintay ang tanghalian at mag aalas diyes pa lang ng umaga ay inaya naman ni Mariz si Cynthia na manood ng basketball!
"teh nood muna tayo basketball dun oh!---"si Mariz!sabay turo sa di kalayuan!
"sige na nga!----"sabi na lang ni Cynthia rito!
Kanina pa kasi siya nito kinukulit at dahil na rin sa kanina pa siya matiim na minamatyagan ni Cedric at hindi na niya iyon matagalan pa!
Sinundan ng tingin ni Cedric ang papaalis na dalaga!napakunot noo at hindi maipintang napabuntong hininga ito!
Nagulat si Cynthia nang makalapit na sila sa mga naglalaro!puro mga nakahubad ito!andito din ang mga binata kanina na mala Rafael Rosell ang katawan!
"oww myy ghaad!-----tukso layuan mokoh!---"pilya namang sabi ni Cynthia sa sarili na hinahagod-hagod pa isa-isa ang mga nakahubad na kalalakihan!
"ganyan talaga teh!-----papawis lang ba! hihihi! ayun yung pinsan ko!----ipakikilala kita mamaya ha!----"sabay turo ni Mariz sa lalaki na mala Rafael din ang katawan!kumaway pa ang lalaki sa kanila!
Hanggang sa mayamayay dumating si Cedric!hindi nila napansin na sumunod pala ang binata sa kanila at tumabi pa ito kay Cynthia!
"andito na naman siya!---haist!umiiwas na nga ang tao eh!sumiksik pa talaga huh!kainis!-------"inis na si Cynthia sa isip isip nito ng ipagsiksikan ni Cedric ang sarili sa kinauupuan nito!
Agad na napatingin si Cynthia kay Cedric ng ipagsiksikan ni Cedric ang sarili sa kinauupuan nito!
Napalunok si Cynthia ng magtama ang mga mata ng mga ito!nakatingin din pala Cedric sa kanya!ang mga titig na naman niya na parang mangangain ng buo!
Agad na lamang na iniiwas ni Cynthia ang mga tingin nito!
"whoooa shoot!-----"hiyaw ni Mariz!
Nakikihiyaw na din si Cynthia at kunyaring nag-eenjoy sa pinanonood nito!
Habang si Cedric ay tahimik lang na nanonood at napapatingin kay Cynthia tuwing nagsisisigaw din ito at nag chicheer kuno sa mga naglalarong mga kabinatahan na hubad baro!
"sabi ko sayo ate eh mag eenjoy ka!hihi!oh ano pili na ate!----"sabi pa ni Mariz na ang tinutukoy ay ang mga binatang naglalaro!
"whhooa!!! ------its getting hot in here!------"si Cynthia na medyo malakas at pinasexy pa ang tono nito na pinaparinggan si Cedric!
Mi pamaypay paypay pa ang dalaga sa kanyang kamay na tila init na init kuno sa nakikita nitong mga muscles at abs!
"mamaya nako pipili!eeeiihhh grabe ang gwagwapo at ang mamacho nila huh!!hahaha!-----"sabi pa ni Cynthia kay Mariz!
Narinig iyon ni Cedric!nagtagis bagang at hindi maipinta ang mukha ng binata sa narinig!hindi rin ito mapakali sa kinauupuan nito!
"s**t!!------"mura ni Cedric sa isip isip nito!parang gusto niyang sigawan ang dalaga at sabihing sa kanya lang ito!(naks!hahaha!)
"sir Cedric sali ka naman po sa laro namin!----"sigaw ng isa sa mga naglalaro!
Madami naman ang nag agree sa sinabi ng lalaki!
"Cedric!Cedric!Cedric!"malakas na sigaw ng mga ito sa binata!
Tumingin naman muna ang binata kay Cynthia!tila hinihintay pa nito na tignan din siya ng dalaga!
Napabuntong hininga na lamang itong tumayo nang hindi man lang tumingin sa kanya si Cynthia!
"whooo !!!go kuya Cedric!-----"hiyaw ni Mariz!
Samantala natahimik si Cynthia sa kinauupuan nito habang tinitignan si Cedric sa di kalayuan!
Napataas ng kilay si Cynthia nang marinig nito ang bulungan ng mga dalagita sa likod nito!
"ang gwapo talaga ni Cedric!"
"cinabi mo pa!mayaman--gwapo--matalino!san ka pa diba?san kaya makakakuha ng gayuma at gagayumahin ku na yan!---"sabi din ng isang dalaga!
"hep hep sakin siya noh!---"sabi din ng isa pang dalaga na nanonood!
"tssk!!-----pagsasakalin ko kayo jan eh! ang lalandi!!mi gayu-gayuma pa kayong nalalaman huh!-----"inis na bulong ni Cynthia!
Hanggang sa tila nag slow motion ang mundo ni Cynthia at napamaang ng tanggalin ni Cedric ang pang itaas na damit nito at ngayoy hubad na din!
Sunod sunod namang napalunok si Cynthia ng makita ang katawan ng binata!
"w-walang binatbat ang mga papandesal na yan sa macaroons na itoh!!!-----juice koh!-----"napakagat labing si Cynthia sa isip isip nito habang pinapasadahan nito ng tingin ang katawan ni Cedric!
Nawindang ito ng makita ang katawan ng binata!
"mas masarap itong macaroon's na nakikita koh ngayon!!my ghad!!!-----"sambit pa nito sa sarili habang pinagmamasdan nito ang mala-macaroons na abs ni Cedric!!
"at san naman galing ang macaroons gaga!?---"tanong ni Cynthia sa isip isip nito!
"papatubo pa lang eh!---oh di macaroons!! ang cucute!!----"pilya namang sambit muli ng isip niya sa abs ni Cedric!
Napangiti na lamang din siya sa pinag iisip nito!
Sa buong laro ay kay Cedric lang nakatuon ang paningin ni Cynthia!umiiwas lang ito pag tumitingin sa gawi nito ang binata!
Samantala nadismaya naman si Cedric sa dalaga!hindi man lang kasi ito nagchicheer sa kanya kahit pa panay ang 3 points nito sa laro!sa ibang lalaki ito ngchicheer!
Hindi na tuloy maipinta ang mukha ni Cedric habang naglalaro!
~~~~
Umabot hanggang gabi ang kasiyahan sa hacienda!
Kung ang mga kalalakikan ay may lambanog na pinagsasaluhan!mi ginawa din ang mga kababaihan na inumin na mi halong lambanog din pero kaunti lang!ladies drink kung baga!
Nakakatatlong baso pa lang si Cynthia ng lambanog pero tila umiikot na ang paningin nito!ang lakas na ng tama nito!
"oh iha tinamaan ka na ata jan ah!--hakhakhaha"sabi ng isang ginang na sinabayan pa ng tawa!
"hahaha!parang tubig lang po ito!-----hik!ang shaya naman po thalhaga ng fhieshta dito!---nag enjoy ako ng shobra shobra!!----"medyo mahilo-hilong sambit ni Cynthia!
Mi pakumpas kumpas pa siya ng kamay nito!sabay tungga na naman sa baso na mi lamang alak!
Nakauwi na halos ng lahat nang nasa hacienda sa kani kanilang mga tahanan!hanggang sa tawagin ni Nay Martha si Cedric upang alalayan ang dalaga at ihatid sa silid nito!
"haist!iinom inom hindi naman pala kaya---" nasabi na lang ni Cedric sa dalaga na pilit tumatayo pero nabubuwal buwal naman ito sa kina uupuan nito!
"ai nako bata ka talaga!----"sabi ng matanda kay Cynthia ng muntik ng mabuwal ito!
"sige na ihatid mo na sa kwarto niya iho..ililigpit lang namin ito--"si Nay Martha!
Habang buhat buhat ni Cedric si Cynthia ay walang ano anong nagsalita ang dalaga!
"Chedric?"sambit ni Cynthia!nakapikit ang mga mata nito!
"uuhhhmmm?..."si Cedric!
"you know what------your macaroonsh!! they're reaallly cute ...and sho damn hot!! HaHaha!! i wanna shee the macaroonsh Chedric pleaaassse...!!!! i need to shee it!! theyre really cute!! hahaha!!"nakapikit pa ring si Cynthia na mi patapik tapik pa sa pisngi ng binata!
"macaroons?---kung ano ano na pinagsasabi nito...oo na ibibili kita bukas!" sabi nalang ng binata rito!
Maingat namang inilapag ni Cedric ang dalaga!napapabuntong hininga ito habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito!
~~~~
Nagtungo ang binata sa opisina nito sa loob ng mansion pagkatapos nitong ihatid ang dalaga sa kwarto nito!napadako ang tingin nito sa blue envelope!
Ibinigay ito sa kanya ng investigador kaninang umaga habang nasa main office ng kompanya nito!mga karagdagang impormasyon daw ito tungkol sa nangyaring aksidente nang gabing matagpuan nito si Cynthia!mga paunang investigasyon lang kasi ang mga cinabi ng investigador nang magpunta ito ng hacienda!
Hindi na niya naharap at natanong ang investigador kanina dahil abala ito sa pakikipag usap sa isa sa mga importanteng kliyente nito!
Kaya iniwan na lang ng investigador sa secretarya nito ang blue envelope kung saan andun lahat lahat ng impormasyon!birth certificates--ID's--pictures ng mga taong nasangkot sa aksidente ng gabing iyon!at ang Jessica na sinabi nito noon at si Cynthia ay hindi iisa kundi magkaibang tao!
Bubuksan na sana ng binata ang envelope ng bigla itong natigilan!
"bakit pa?------ano mang laman ng envelope na to----wala na din namang magbabago pa---" buntong hininga nito na agad itinago ang envelope sa loob ng kabinet!
~~~~
Kinaumagahan ay nagising ang dalaga na masakit ang ulo nito kaya nagpasya na muna itong maglakad lakad sa hacienda para makapag isip-isip na din!
Sa paglalakad nito ay may nakasalubong naman itong nakabisekleta at mi dala dalang gatas!agad na tumigil ito sa tapat ni Cynthia!
"magandang umaga po maam!----"nakangiting saad ng lalaking nakabisekleta!
"magandang umaga din.."nakangiting sagot din ni Cynthia!
Napatulala naman ang lalaki kay Cynthia!
"excuse me----bakit?-----"tanong ni Cynthia sa lalaking bigla na lang ata naestatwa at naumid ang dila!
"ah so-sorry po maam-----ang ganda lang po talaga ninyo at mabait pa!------hindi katulad ng iba na masungit-------"sabi ng lalaki ng matauhan ito!
"ang aga namang bola yan...pero nagsusungit din ako minsan wala nga lang ako sa mood ngayon..."nahiya namang si Cynthia!
"hehe..pero mabait naman---ah ehh ako nga pala si Henry---ipupunta ko lang po tong mga gatas ng kalabaw sa mancion--"sabi pa ng lalaki!
"ah...Cynthia--"pakilala din ni Cynthia sa sarili nito!
"sige ihatid mo na ang mga yan----andun lang naman sina Nay Martha at Nay Cora sa kusina..maglalakad lakad lang muna ako sa hacienda...sige nice meeting you Henry!-----"nakangiti namang si Cynthia sa lalaki!
Nakita iyon ni Cedric at nagpupuyos ngayon ang kalooban nito sa galit sa nakitang tagpong iyon!
"hindi pa talaga siya nadala sa nangyari sa kanya!-----kung sino sino lang talaga kinakausap!!!----"galit na sambit ni Cedric patungkol kay Cynthia!
Bumalik na lamang si Cedric sa mancion na animoy walang paglagyan ng galit nito sa dalaga!
"oh iho nahanap mo ba si Cynthia?-----"tanong ni Nay Martha nang makasalubong ang binata na papasok ng mancion!
Hinahanap kasi ni Cedric kanina si Cynthia para sabihing pupunta cila sa bayan at ibibili niya ito ng macaroons na gusto nito!
"hindi po----pag nakita niyo po siya sabihin niyong dumiretso agad sa opisina ko!kailangan ko siyang makausap!sige Nay--------"si Cedric na agad naglakad papunta sa opisina nito!
Alam ng matanda na mi dinaramdam ang alaga nito!mababakas kasi sa mukha nito ang pagkadismaya!
Iiling-iling na lamang ang matanda habang sinusundan nito ng tingin si Cedric papasok sa kanyang opisina!
~~~~
Samantala nakauwi na ang dalaga sa paglilibot-libot nito sa hacienda at kasalukuyang umiinom ng tubig ng madatnan ito ni Nay Martha sa kusina!
"oh anak nagkita ba kayo ni Cedric kanina?-----"tanong ng matanda sa dalaga!
"hindi po nay bakit?----"takang tanong ni Cynthia!
"hinahanap ka kasi niya kanina anak---"si Nay Martha!
"ha?------eh bakit daw po?-----"manghang tanong ni Cynthia!
"hindi ko na naitanong anak eh...puntahan mo na lamang siya sa opisina niya anak at mi kailangan din daw siyang sabihin..."paliwanag ng matanda!
Napaisip at kinabahan naman si Cynthia sa sasabihin ng binata!
"ano naman kaya ang sasabihin nun?hmmmm?-------mi ginawa ba ako kagabi?----"tanong ng dalaga sa isip isip nito!
Agad na lamang nagtungo ang dalaga sa opisina ni Cedric!kumatok naman muna ito sa pinto!
"pasok!-----"si Cedric!mababakas ang galit sa tono nito!
"gusto mo daw ako makausap?----"agad na tanong ni Cynthia pagkabukas nito ng pinto!
"close the door!----"galit pang sabi ni Cedric!
Isinara na lamang ni Cynthia ang pinto!
"hinahanap mo daw ako kanina sabi ni Nay Martha----ano bang pag uusapan natin?-----"kinakabahang tanong ng dalaga sa nakatalikod na si Cedric!
"plano mo ba talaga akitin lahat ng lalaki dito sa hacienda ha!!?-----"madiin at mi galit na tanong ni Cedric kay Cynthia!
Hanggang sa pumaharap si Cedric kay Cynthia!
Kitang kita ng dalaga ang galit sa mga mata nito!tila mag aapoy na sa galit ang mga tingin nito habang titig na titig ito kay Cynthia!
Gulat at napamaang naman si Cynthia sa tanong ng binata at sa ipinupukol nitong tingin sa kanya!
"ha-----?!-----ano---?!anong pinagsasabi mo jan?wala akong inaakit at wala akong ginagawang masama...."mahinahon namang paliwanag ni Cynthia kay Cedric na titig na titig sa nag aapoy sa galit nitong mga mata!
"os talaga!!----anong ginagawa mo kanina sa labas ha??!at cino ang lalaking iyon?!!-----kung cino cino lang talaga na lalaki ang kinakausap mo nu!?s**t!!------"nanunuya at nagtagis bagang na si Cedric!
Mahigpit pa nitong hinawakan ang braso ng dalaga!
"C-Cedric n-nasasaktan akoh!ano ba!!"mangiyak ngiyak namang si Cynthia!
Pilit itong kumakawala sa higpit ng hawak sa kanya ng binata!
"talagang masasaktan ka sa pinaggagawa mo!-----"galit pa ding sambit ni Cedric habang humihigpit ang hawak nito sa dalaga!
"ano bang masama sa ginawa ko ha?------masama na ba makipag usap ngayon?ha?----"galit na singhal ni Cynthia!
"oo!!masama!!-----kasi nakikipaglandian ka sa lalaking yun at sa mga lalaki dito sa hacienda!!gustong gusto mong nakukuha ang mga atensyon nila hindi ba?!------mi pangiti ngiti at pakilig kilig ka pa!damn you woman!!s**t!!-----"bulyaw at mura ng binata kay Cynthia na lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso nito!
"walang masama sa ginawa ko!!maayos niya akong kinausap kaya maayos ko ring pinakitunguhan!!at hindi ako malandi!!------at ang mga lalaking yun??hindi ko sinabing bigyan nila ako ng regalo!!-----sila ang kusang nagbigay nun!!----"pasigaw namang paliwanag ni Cynthia na nasasaktan sa hawak sa kanya ng binata!!
Nagtitimpi ang dalaga na huwag mapaiyak!
"ang sabihin mo malandi ka lang!!!----"bulyaw pa ni Cedric kay Cynthia!
Bigla namang kumawala ang isang kamay ni Cynthia at ubod lakas nitong sinampal ang binata!dumapo sa pisngi ng binata ang kamay ni Cynthia!
"oo!! malaki ang utang na loob ko sayo!!pero wala kang karapatang sigaw sigawan ako at paratangan ng kung ano ano na hindi naman totoo!!!------wala akong ginagawang masama!at lalong hindi ako malandi!!!-----"si Cynthia sa binata!
Napahagulgul na ng tuluyan si Cynthia!nag uunahan ang mga luha nito sa pag agos!
Hindi naman nakaimik si Cedric!unti unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso nito! pero andun pa din ang galit sa mga mata nito!
Akma namang aalis na sana si Cynthia sa opisina nito ng bigla naman siyang isalya ng binata sa pinto at agad inangkin ang mga labi nito!
Napapikit si Cynthia at napangiwi sa sobrang sakit nang tumama ang tagiliran nito sa knob ng pinto dahil sa biglang pagsalya ni Cedric sa kanya!
Sa pag-awang ng mga labi nito ay agad itong inangkin ng nag aalab na halik ng binata na tila sabik na sabik sa mga labi nito!
Hindi agad nakagalaw si Cynthia dahil sa pagkabigla at sa sakit na nararamdaman nito nang tumama ang tagiliran nito sa knob ng pinto!
Patuloy pa rin sa paghalik si Cedric!madiin at mapagparusang halik!!
Tila hinihintay pa nito na tugunin din iyon ng dalaga kaya lalo pang diniinan ni Cedric ang mga halik nito kay Cynthia!
Hindi naman gumagalaw si Cynthia!patuloy lang ang pag agos ng mga luha nito!nanghihina siya!----nasasaktan siya sa mga halik nito!----sa pagtama ng tagiliran nito sa knob!----pero wala ng sasakit pa sa mga sinabi nito kanina!at dun siya sobrang nasasaktan!
Naiyak na lamang ng tuluyan ang dalaga!
Parang natauhan naman si Cedric sa hindi pag galaw ni Cynthia at di man lang niya tinugon ang mga halik nito!
Unti unting napatigil sa ginagawa nito si Cedric!unti unti din nito inilayo ang sarili kay Cynthia!
Napabuntong hininga at nag alala naman ang binata nang makita nito ang mga luha ng dalaga!nasaktan niya si Cynthia!
Nakaramdam ng pagsisisi ang binata!nawala na rin ang kaninang nag aapoy sa galit na mga mata nito!
"i- im sorry...----h-hindi ko cinasadyang saktan ka..."nagsusumamong si Cedric kay Cynthia!
Lalapitan na sana niya ang dalaga para yakapin at pahiran ng mga kamay nito ang mga luha nito ng bigla na namang umigkas ang kamay ng dalaga at ubod lakas na naman nitong sinampal ang binata!