CHAPTER 8 NAPAHINTO si Ghuix sa pagla-lock ng pinto nang tila yata mapansin niya na may ibang kasama si Larrah sa loob ng office. Kaagad siyang lumingon at tiningnan ang babae. “Agent Venus, what are you doing here?” pormal na tanong ni Ghuix sa babae. Napatakip si Larrah sa bibig at sinarili ang hagikhik. Paano ba naman eh girlfriend ni Ghuix pero ang pagkaka-address sa babaeng matandang dalaga ay agent Venus? Buti pa ako, Larrah ang tawag sa'kin kahit di naman ako girlfriend. Pakiramdam niya ay lamang na siya doon pa lang. Nakita niya ang pag-irap ng babae sa kanya pero nginitian pa rin niya. "Is that the way how to address your girlfriend ? Agent Venus? Wala namang ibang tao rito kung hindi tayo lang." naikuyom noon ang mga kamao sa tagiliran. Bumuntong-hininga si Ghuix at bin