CHAPTER 1
LARRAH cleared her throat just to shrug the tension away. Parang nalulon niya ang dila kanina pa habang kaharap ang mga de Lorenzo. Ni hindi s’ya makapagsalita, at kapag hinihingan siya ng komento ay tumatango na lang s’ya at nagkukunwaring puno ang bibig.
Hindi siya normal.
Grabe naman kasi. Ang inaakala niyang mapapangasawa niyang mukhang surot sa sinehan ay mukha palang surot na Hollywood.
Itinago niya ang hagikhik. Hindi na masama na makasal siya. Kaso ang boyfriend niya, paano na? Mahal naman niya si Kurt. Masasaktan sigurado ‘yon kapag nalaman ang tungkol sa desisyon ng mga magulang niya. Masasaktan nga ba kung para namang palagi na lang walang panahon sa kanya? At naalala lang siya ay kapag hihingiin ang first kiss niya at ang kanyang katawan.
Hindi maiwasan na mapaismid siya.
Humalukipkip siya sa kinauupuan. Tila ba nakalimutan niya na hindi nga pala s’ya nag-iisa at may mga kaharap s’ya. Napako na kasi ang paningin niya sa dessert na nasa harap niya na leche flan, na pang-limang lyanera na niya. Bigla s’yang napatingin kay Guilherme Rix nang tumikhim yo’n.
Her eyes met his kaya napaiwas na s’ya kaagad. Nakatingin kasi sa kanya ang lalaki na para bang isa siyang nakabukakang palaka sa dissection room na inaaral nito. She almost choke on her own saliva when he bobbed his brows. Para kasing kinuryente s’ya sa gesture na yo’n. Napakahilig pa naman niya sa pogi kahit noon pa at ito ay hindi lang basta pogi — sobrang pogi.
Dadamputin na sana niya ang baso ng tubig para mawala ang tensyon niya nang bigla naman mag-ring ang phone niya. Kaagad niya ‘yong kinuha sa loob ng bag niya at saka mabilis na tumayo nang makita niya si Kurt na tumatawag.
"Excuse me po." paalam niya sa mga future in laws niya, at sa Mammi at Daddy niya.
Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa garden ng restaurant nang tumango ang mga iyon.
"Hello Kurt." aniya sa kabilang linya na may kasamang ngiti.
"Hmm babe... I miss you babe." anang lalaki sa kabilang linya.
Napabuga si Larrah ng hangin at humaba ang nguso.
Lasing.
Ganoon naman palagi, tatawag sa kanya kung lasing o kaya ay kapag pipilitin siyang pumunta sa hotel para pumayag na magpaiskor. Mabuti na lang at hindi pa sira ang tuktok niya para pumayag sa kagustuhan noon. At kahit na kailan ay hindi siya papayag dahil kahit na may kaharutan siya ay marunong siyang magpahalaga sa virginity niya.
"Drunk again." she rolled her eyes as she sat on the wooden bench. "Where are you?" dugtong na tanong niya. "Bakit ba naglalasing ka? May pasok bukas." tila naiiritang sabi niya sa boyfriend.
Daig pa noon ang bata na dapat ay paalalahanan. She's the one who's a lot younger. Apat na taon ang tanda ni Kurt sa kanya kaya malapit na iyong makapagtapos ng Med. pero naman parang s’ya pa ang tumatanda dahil sa kunsumisyon sa lalaki. Sa bahay ay bini-baby siya pero pagdating sa boyfriend niya ay daig pa niya ang otsenta aniyos na nanay sa lalaki.
"Babe, pumayag ka na. Punta ka na rito sa condo ko, kahit kiss lang." sabi noon. Ang layo layo sa topic ng sinasabi.
Napailing siya. "I'm sick and tired okay. I hate talking about that nonsense. Nag-aaral pa ako, kaya magtiis ka na walang kiss at kung anu-anong iniisip mo." sumimangot na siya nang tuluyan.
Natigilan si Larrah nang bigla siyang may maramdaman na nakadikit sa bunbunan niya.
Wala sa loob na napatingala siya at ganoon na lang ang pagluwa ng mga mata niya nang sumalubong sa mukha niya ang nakabaliktad na mukha ni Inspector Guilherme Rix de Lorenzo.
Hinalikan ba siya nito sa ulo? Baka naman inamoy ang ulo niya kung amoy shampoo at conditioner. Pero nakasumbrero naman siya. Ano bang inamoy nito sa kanya? Nakakahiya pa tuloy, baka amoy araw siya. Ang bango pa naman ng lalaki na kahit malayo sa kanya ay amoy na amoy niya kanina sa mesa.
Hindi siya nakagalaw. Parang nakalimutan niyang may kausap s’ya sa kabilang linya ng phone. Hawak hawak niya lang ang pesteng aparato at nakabitin sa ere. She can still hear Kurt's voice over the line pero tila ba nabingi na s’ya ng katahimikan.
She swallowed the lump in her throat.
She thought Ghuix was about to kiss her pero napahiya s’ya sa sarili niya dahil hindi s’ya nito hinalikan; at gusto niyang tuktukin ang sarili sa kung anu-anong iniisip niyang kabaliwan. At bakit naman nanghinayang s’ya na hindi ay ipinagdadamot nga niya yo’n sa boyfriend dahil sa takot niya sa kuya niya na baklasin ang nguso niya?
Nagha-hallucinate yata s’ya sa dami ng leche flan na nakain niya na kulang na lang pati lyanera ay ngatngatin niya sa katakawan.
Umalis ito at naglakad papaikot papunta sa kinauupuan niya.
He sat beside her.
Wala s’yang nagawa kung hindi palihim na kanselahin ang tawag. Pinagmasdan niya ito na parang haring naupo sa tabi niya. Ito naman ang mukhang gwapong prinsepe ng mga palakang hubad sa paningin n’ya. Hindi lang niya inaaral ang hitsura nito, kinakabisa pa. He has the most beautiful defined jaws she had ever seen, perfect nose and a pair of blue eyes, manly stubble and pink thin lips.
Anong klaseng kagwapuhan meron ang Inspector na ito at parang wala na naman yatang itinira para sa iba noong mga panahon na nagsabog ang Maykapal ng kagwapuhan at kamachohan?
Sakim ba, inubos na lahat.
"Your boyfriend?" usisa nito kaya napakurap s’ya at kunwari ay naapakamot s’ya ng noo, sabay iwas ng tingin. Nakatingin kasi ito ng diretso sa mukha niya na para bang kapag napamali siya ng isang letra sa salita ay parang mapapansin pa nito sa sobrang pagkaperpekto. At ang boses nito ay lalaking lalaki at bossy ang dating, pero parang may himig ng paglalambing.
Tumango s’ya at saka hindi napigil na huwag kagatin ang labi.
"What does he need?" usisa pa ulit ni Ghuix, iisang linya ang magagandang kilay.
Pulis talaga—Chismoso.
Kiss daw saka score. Alangan naman na yo’n ang isagot niya.
"W-Wala naman―po." po? Gusto niyang tarakan ng syringe ang lalamunan niya sa po na yo’n. Sobrang galang niya yata ngayon.
Napaiwas pa siya lalo ng tingin kasi nakakatunaw ang titig ng inspector sa kanya.
“Are you sure you wanna marry me?" biglang tanong nito na hindi niya napaghandaan.
Bakit? Dahil ba may kahalikan itong iba kanina? May girlfriend? O bakit? May boyfriend din naman siya! Gusto ba nito na mag-back out s’ya?
She leers at him. “Wala po akong magagawa, Inspector. I love my parents. Ngayon po kung ayaw mo, ikaw na po ang magsabi sa kanila na ayaw mo. Total ikaw naman po ang matanda rito at ako ang bata." inis na litanya niya at humalukipkip siya.
Ewan niya kung bakit over acting naman siya. Para naman kasing nakakainsulto. kahit naman pogi ito, ‘di naman niya basta basta gugustuhin na magpakasal nang ganoon na lang. Malay ba niya kung sa kabila ng kagwapuhan nito ay abot kalawakan ang lakas ng hilik kapag natutulog? O kaya ang kilikili power ay kayang pumatay ng sampung satanas galing sa impyerno kapag hindi naligo ng isang araw?
Sinulyapan niya ito. Nakatitig lang ito sa mukha niya at walang ekspresyon ang aura ng mukha.
"Ang taray mo pala.” He declared after a while.
Talaga!
Pero naman bakit parang compliment ang dating noon sa kanya at hindi pang-iinsulto.
Kapagkuwan ay tumayo ito at medyo inayos pa ang pantalon na suot. "In that case, cancel all that man’s calls and texts. I don't want a cheating wife." sabi nito sa kanya bago lumayas sa may tabi niya.
Nalaglag ang panga ni Larrah. "Ikaw nga cheating husband." sagot naman niya rito at bubulong - bulong pa siya habang nakatirik ang mga mata niya.
"I'm a man. Walang mawawala sakin, sa’yo marami." sagot pa ng binata sa kanya kaya nakagat niya ang smartphone niya.
Narinig pa pala s’ya. Akala n’ya wala na sa may likod niya iyon pala ay naroon pa.
Pero ano namang kaso no’n? Tawag lang, cheating kaagad? Pati ba text, cheating na rin kapag may asawa na? Hindi naman yo’n pwede. Saka sa papel lang naman sila magiging mag-asawa ni Guilherme Rix.
Dapat pala ay mangulekta na s’ya ng maraming text mates ngayon pa lang. Three weeks na lang at ikakasal na s’ya. Makapag-enjoy man lang ba. Bahala naman ito sa buhay nito kung anong gusto.
Ang gwapo nga ubod naman ng istrikto. Hindi pa man lang ay dinidiktahan na siya. Ano naman tingin nito sa kanya, shunga, malandi para manlalaki kahit kasal na sila?
Ewan! Parang sira ulo.
Napatigil siya sa pagmumuryong nang biglang mag-ring na naman ang phone niya. Agad n’yang natingnan at si Kurt na naman. Mas pinili na lang niyang huwag sagutin dahil wala naman ibang sinasabi sa kanya. Naiimbyerna na rin s’ya kung minsan. Pero naman ay kapag binibreak niya, hinahabol naman siya.
Hmmp! Ewan! Ang mga lalaki, mga sira ulo. Lahat!
Tumayo siya at nagmartsa papasok ulit sa loob. Kaaagad na nahagip ng mga mata niya ang Inspector na mapapangasawa niya. Umiinom na ito ngayon ng alak diretso sa bote at naninigarilyo na. Naninigarilyo, kahit bawal sa lugar? Palibhasa ay pamilya nito ang may-ari kaya nagagawa ang gusto. Pero ang gwapo talaga ng hudyo kahit na anong iakto at kahit na anong anggulo.
Walang humpay ang tingin nito sa smartphone at mukhang may ka-text. Baka ‘yong babae na girlfriend na kahalikan kanina. Cheating husband!
Tahimik na naupo s’ya sa upuan at kiming ngumiti sa mga future in laws niya. While in the corner of her eyes, parang nakatingin sa kanya ang poging binata. Malandi ang lalaki, nararamdaman niya ‘yon sa kabila ng seryoso nitong aura. Umakto rin s’ya na may ka-text kahit wala naman.
Sino kaya ang katext niya? Parang gusto niyang pahabain ang leeg niya at silipin kung sino ang swerteng nilalang na pinagkakaabalahan nito ng oras.
Napaangat siya ng tingin nang magsalita ang Mammi ni Ghuix.
"Ghuix, why not have a dance with Larrah, anak?" suhestyon ng Mammi ng Inspector sa binata na kaagad na napatigil sa pagdutdot sa smartphone.
"Ayoko po. / Sure." Sabay pa nilang sagot na dalawa at sabay din na nakatinginan. Ayaw naman talaga niya pero bakit gusto naman nito?
Ay bwisit! Mapapasubo yata s’ya.
Baka kung saan saan s’ya nito hawakan, sasapakin niya talaga kahit na pogi ito at mayaman at kahit pa Senior Police Inspector ito. Hindi siya natatakot.