Prologue

1658 Words
Holy mother of... BAKIT NGAYON PA UMULAN NG GANYAN KALAKAS?! My Paul is probably waiting for me, it's our second anniversary! Bwisit namang ulan to, oh! Wala pa naman akong dalang payong! Tumingin ako sa paligid ko, at nakita na 'yung lalaking katabi kong naghihintay dito ay may dalang payong. Haaay, buti pa siya. "Babe, I'll just get my car sa gawaan, no? Wala din kasing dumaraan na bus, so mag-tricycle na lang ako. Wait for me there, I'll fetch you, alright?" sabi ng lalaking katabi ko na may dalang payong sa kausap niya sa phone. Napabuntong-hininga akong sumakay ng tricycle kahit na medyo nabasa ako. Kailangan kong pumunta sa apartment ni Paul. He's probably pissed off, it's already 7:00 PM and I'm still here. Ayaw pa naman sa lahat non ay 'yung naghihintay. Napatingin ako sa driver dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya umaalis, samantala kanina pa ako nakasakay dito. Nagulat na lang ako nang may sumakay sa tabi ko sa loob ng tricyle. Siya 'yung lalaking katabi kong naghihintay na tumila ang ulan. Nagsimula nang magdrive ang driver. Basang basa na ang binti ko dahil wala namang takip ang tricycle. I tried to prevent my legs from getting wet, pero nakakahiya namang siksikin ko ang katabi ko, pareho lang naman kaming nagbayad ng pamasahe. Nakita ko naman na binuksan ng lalaki ang payong na dala niya, at itinapat niya sa gawi ko, para hindi na ako mabasa. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong sa labas lang siya nakatingin. Nakikita kong nababasa na rin siya. Bigla akong napatitig sa mukha niya. Hmm, gwapo rin, ah? Kaso medyo payat. Sigurado akong walang abs 'to. Pero gwapo nga. Maganda rin siguro iyong girlfriend niya. Hmp. Sabagay, maganda rin naman ako. Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Tumikhim ako at bahagyang itinulak ang payong palapit sa kanya. "N-Nababasa ka na. I'm fine." But he ignored me, and kept the umbrella on my side. I looked at him, and he seems unbothered. Okay...? Nang makarating na ako sa tapat ng apartment ni Paul, ay nauna siyang bumaba. Nang bumaba ako ay inihatid niya ako ng payong niya, hanggang sa makarating ako sa lilim na parte na hindi ako mababasa. Napaiwas ako ng tingin dahil nakita kong nakatingin siya. Bago siya umalis ay nagsalita ako. "Salamat, Kuya." He nodded as an answer. And I don't understand myself why did I smile like an idiot while entering Paul's apartment. Nang makapasok na ako sa loob ng apartment ni Paul, ay sinalubong niya ako ng yakap. "Hi, babe!" he kissed me. "You seemed so happy. What's up?" "Nothing, babe. Happy anniversary!" sabi ko at iniabot ang regalong binili ko. It's a basketball shoes. Tagal ko rin pinag-ipunan 'yon, ah? Nanlaki naman ang mga mata niya. "Oh, yes. Happy anniversary, babe! Sorry, wala akong regalo sa'yo." Pinisil ko ang pisngi niya. "It's fine. Ikaw lang naman ay sapat na sa akin." He laughed. Naupo siya sa sofa, at pinaupo naman ako sa lap niya. Ngayon ay magkaharap kami, habang ang mga kamay niya ay nasa likod ko, ang mga kamay ko naman ay nasa mga balikat niya. "I love you." He said. "Corny mo!" natatawa kong sabi. "I looove you." I chuckled. "I love you din." He chuckled, then he pulled me to kiss my lips passionately. And so, I kissed him back. But then, his kisses becomes aggressive, at unti-unti ay nararamdaman kong itinutulak niya ako pahiga sa sofa. I broke the kiss when I'm already lying on the couch. "Paul..." "Babe, I want to do it with you." He tried to kiss me again but I stood up. "Come on, give this to me. It's already our second anniversary." "I'm going home." "Cassandra, please." "Paul, no. I said I can't, okay?" Bumuntong-hininga siya. "Ano bang dahilan bakit ayaw mo? Hindi mo ba ako mahal?" Napakunot ako ng noo. "Paul, of course I love you! No words can describe kung gaano kita kamahal! Tangina naman, ano na naman ba 'to?" Hindi siya sumagot. "Alam mo namang hindi pa tayo legal sa side ko, gusto mo nang may mangyari sa atin? Paano kung mabuntis ako, anong gagawin ko?" Hinawakan niya ang kamay ko. "No, you won't. Mag-iingat ako." "Paul, can't your d**k wait for a little moment? I'm not ready for that." "Kailan ka magiging ready? Kapag matatanda na tayo? Hindi mo nga ako magawang maipakilala sa magulang mo, and you want me to wait for you until you introduce me to your family? Paano ako maniniwalang mahal mo ako, hindi mo nga ako magawang maipagmalaki, e." Napasinghap ako sa gulat matapos kong marinig ang lahat ng sinabi niya. "Paul, 'yan lang ba ang basehan ng pagmamahal para sa'yo?" he didn't answer. "Paul, 'wag ka namang ganyan, ginagawa ko na ang lahat para sayo." "I'm tired, sorry 'di kita maihahatid." Nangilid ang mga luha ko. "Paul naman, pag-aawayan ba natin 'to? Anniversary natin ngayon, Paul. Pwede bang kahit ngayon lang, maging maayos naman tayo?" He smiled at me. "No, babe. I'm not angry. I'm just tired, okay?" lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Do you want to go home now?" Napatango na lang ako, kahit na gusto ko pa siyang makasama. ______ Paul and I's relationship has been like that since our anniversary. He's always getting mad at me because he wants to do it with me already, but I can't. I'm just 18, and I don't feel like doing it with him. Hindi ko alam kung bakit. One day, habang nasa apartment niya ako at naliligo siya ay may tumawag sa cellphone niya. Abby ang pangalan ng tumawag, at sinagot ko naman iyon, kahit na kinakabahan ako sa mga maririnig ko. "Hey..." someone said in a flirty tone. "Uhm, who's this?" "Paul?" "This is Paul's girlfriend. Sino ka?" "Oh, I-I'm just a classmate. Tatanong ko lang sana kung...kung nakagawa na siya ng assignment. Sige, bye." Mabilis niyang pinatay ang tawag, at ako naman ay biglang kinabahan. Hindi ko alam kung bakit...pero may iba akong naramdaman sa babaeng nakausap ko kanina. In-unlock ko ang cellphone niya at binuksan ang messages. Hinanap ko ang conversation nila nung Abby at binasa. Kahit na alam kong hindi tama ay ginawa koi yon, kasi alam kong mayroon ding hindi tama sa amin ni Paul. Nararamdaman ko. Nagsimula ang conversation nila sa pagpapakilala ni Paul, na hula ko ay kinuha niya ang number ng babae sa isang kaibigan, dahil may isa pang pangalan na nabanggit. Ilang beses din na pinuri ni Paul si Abby, at sinabihang napaka-sexy. Paul: You look so... Abby: Masarap? Paul: Haha. ;) Abby: Ikaw din. Sayang may girlfriend ka na. Paul: Well, nothing happened between us, and it kinda bored me. Abby: So...what do you mean? Paul: Can you go to my apartment? Tonight? Abby: May girlfriend ka, baliw. Paul: She'll never know. Abby: Let's give it a try, then. I'll be there at 10:00 PM, okay? Para akong binuhusan ng tubig nang mabasa ko iyon. Nang makita ko ang date ng conversation, it's just two weeks after ng anniversary namin. Ilang buwan na ang nagdaan simula ng araw na iyon. Limang buwan na ang nakakaraan simula noong anniversary namin, ibig bang sabihin nito, hanggang ngayon ay nagkikita sila? I continued reading their conversation. Paul: Thanks for tonight. You're so good, huh? Abby: I'm experienced. But I'm clean, don't worry. ') Paul: Next time, let's do more rounds? Abby: Deal. And then the conversation that follows where all just like that, at ang madalas na pagdi-date nila nang hindi ko man lang napansin. Hindi ko man lang naisip na baka may iba na si Paul kaya hindi na niya ako madalas pinapapunta dito. Na madalas...lagi siyang busy. Akala ko ay dahil masyado lang siyang nagsi-seryoso sa pag-aaral. Hindi pala... Hinayaan kong tumulo nang tumulo ang mga luha ko habang hawak ko ang cellphone ni Paul. I never cried like this in my whole life. Ngayon lang. Ang sakit pala...ang sakit na maloko ka ng taong mahal mo dahil hindi ka sapat sa kanya... Narinig kong lumabas na ng CR si Paul, pero hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Nanatili akong umiiyak sa kamang kinauupuan ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa mukha. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Hindi ako sumagot. Umiyak lang ako nang umiyak dahil sa sakit na naramdaman ko. "Cassandra..." Nang siguro ay makita niyang hawak ko ang cellphone niya ay mabilis niyang kinuha iyon sa kamay ko, at doon lang ako naglakas ng loob na magsalita. "Paul...bakit mo ginawa sa akin 'to?" "I-I'm sorry." "Paul, minahal naman kita, ah? Minahal pa kita higit sa kahit na anong bagay sa mundo. Bakit mo ako niloko?" Nagbuntonghininga siya at tumalikod sa akin. "Cass, I have my needs." "I have too, Paul. Kailangan ko ng oras, pagmamahal at respeto mo, pero bakit hindi mo maibigay sa akin?" "Cassandra, just...let's just stop this. I'm only hurting you." Mabilis akong tumayo at hinarap siya. "Ayoko. I love you so much, Paul. And this will never be enough reason for me to stop loving you." "Can't you see, Cassandra? I'm only hurting you. I cheated on you, isn't it enough?" "Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Ha, Paul?" "Cassandra, mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero, hindi ba't ang unfair naman na patatawarin mo ako kaagad matapos kitang lokohin? Cassandra, I don't want to be unfair to you so I am doing you a favour...kahit masakit. Kahit na ayaw ko." Umiling ako. "Then no one's gonna break up, Paul. You, saying that you love me, will always be enough reason for me to stay. I love you, and I'll always stay with you as long as you love me." Just like that...nagkaayos kami. Nang dahil sa bulag ko sa pagmamahal ko sa kanya, pinatawad ko kaagad siya, gaano man kasakit ang ginawa niya sa akin. Kahit gaano kasakit ang panlolokong ginawa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD