For the past three months of living with Paul, hindi puwedeng hindi magdadaan ang isang buong linggo nang hindi kami nag-aaway. And every time we fight, he'll leave me alone in his apartment to go to his family's house, just because he cannot stand the sight of me.
"Paul, hanggang kailan ba natin pag-aawayan 'to?" I said while following him to every path he walked.
"Cassandra, of course, yes. This is my f*****g need, damn it. Tang ina, I let you stay in my apartment because I thought you would let me inside you. I gave you everything. I helped you with your lacked allowance, I sheltered you. I did everything for you. And this is only thing I am asking for but you still can't give it to me. Nakakapagod na tayo."
My tears streamed down my face like a falls.
"Ngayon, isinusumbat mo sa akin ang lahat ng naitulong mo? I told you, I will find another apartment when I got a part-time job, right? Hindi ka pumayag. Ano ngayon itong mga isinusumbat mo sa akin?"
He did not answer. He just turned his back at me.
"Hindi lang naman pera o kahit na anong material na bagay ang hinihiling mo sa akin. Pagkatao ko na 'yun; p********e ko. Sana naman maintindihan mo na hindi pa rin ako handa."
"f**k it. Three years in a relationship and still not ready?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Bakit? Bakit mo ba ako niligawan? Did you court me just to f**k me in the end?" he did not answer. "Answer me."
"f**k, no. I liked you the first time I saw you. I loved you even more when you said yes. Why don't you just consider the fact that I have these needs from you?"
"I did too! I need your love that I never felt for more than a year ago! I need your love I felt when we were just new to this relationship. Anong nangyari? Anong nangyari sa atin?"
Again, he remained silent.
"Okay, I'm just going to leave—"
"Damn it, no. I'll leave. You stay here, I'll leave."
"Where are you going?"
"Uuwi."
"And then?"
"Let's talk again when we're both calm."
And then he left me. Just like that.
Our fights have always been like that. Paulit-ulit. I understand him, but how come that he never understands me?
By the weekend, Kuya called me and asked me for meet up.
Lagi kong nakikita na nagkakaroon ng pera ang bank account ko and I know that all of it was from him. Ayoko sanang tanggapin pero hindi ko maitatanggi na kailangan ko iyon.
"So, how are you?" he asked as I sat down from the seat in front of him.
"I'm fine. I'm happy, don't worry." I said and gave him a reassuring smile.
"Shut it, Cassandra. Kuya mo ako, and I can see in your face that you were not happy. What happened? Nag-away ba kayo ng boyfriend mong gago?"
"Stop it, Kuya! Tama naman na. It's been years, can't you move on from his mistake? It was all in the past!"
Tumingin ng masama sa akin si Kuya.
"I can't believe I have a fool sister like you." Inirapan ko siya. "So, ano? Sinasaktan ka ba niya?"
"No way, he can never do that."
"Then why are your eyes like that? Sabog ka, e."
"Tss. I'm reviewing for my final exams, Kuya. At isa pa, normal fights lang 'to, everyone is facing this kind of situation. It makes the relationship stronger."
"Psh. Stronger, stronger. Uwi ka na, miss ka na ni Dad."
Muli akong umirap. "Wag ka ngang plastic, siya nga itong nagpalayas sa akin, e."
"Hindi ka naman niya pinalayas. You just chose to leave us. Palibhasa ay alam mong hindi kita pababayaan sa lahat." He chuckled. Pati ako ay natawa.
"Thank you for all the money you deposited on my account."
Kumunot ang noo niya.
"What money? I never deposited a money to your account."
"Huh?"
"I asked you to see me again to give you money. Alam mo namang cash ako palagi magbigay sa 'yo. This is your third month's allowance. This is the third money I am giving to you, 'wag mong sabihing akala mo ay ako talaga ang nagdedeposit ng mga perang iyon?" Iniabot niya sa akin and envelop na naglalaman ng pera.
Napatahimik ako sa sinabi ni Kuya. Kung hindi siya, does it mean na si Dad 'yon? Kinuha ko ang passbook at pinakita sa kaniya ang updated na list ng deposited money.
"Wow, nagseselos na ako, ha? Sana pala naglayas na lang din ako noong college ako para nagkakaroon ako ng ganyan karaming pera," he chuckled. "Si Dad siguro 'yan, Cass. I told you, he missed you so much. Ilang beses na silang nag-aaway ni Mommy dahil sa ginawa niyang desisyon sa 'yo nang wala ka. Umuwi ka na."
I smiled a little. "You know I just can't, Kuya. Desisyon ko 'to, at kailangang panindigan ko 'to."
"Pero you can always go home whenever you wanted to."
I want to go home but I just can't leave Paul there, lalo na ngayong may problema kami.
"Go home, Mom and Dad has been waiting for you."
_____
It has been a week since Paul left me in his apartment, and up until now, he still hasn't showed up. Hindi pa rin siya umuuwi, and the pain of missing him is killing me. I can't even talk to my best friend with this matter dahil busy rin sa pag-aaral. She's not answering my texts, tapos magre-reply siya, gabing-gabi na at sasabihing kailangan na niyang magpahinga.
Nang matapos nang maaga ang klase ko ay napagdesisyunan kong pumunta sa MedTech Department para makita si Paul. I've been missing him and I think I can't finish this week without him.
Nang nasa tapat na ako ng building ay nakita ko ang kaklase niyang pamilyar sa akin. Lumapit ako dito para magtanong.
"Hello. Nasaan si Paul?"
"Ah, hindi ko alam, pasensiya na."
"Pero tapos na ang klase niyo, hindi ba?"
"Oo, kani-kanina pa."
"Okay, hanapin ko na lang siya. Thank you."
Dahil tanda ko naman ang mga room na pinapasukan nila sa araw na ito dahil kabisado ko ang schedule niya, pinuntahan ko ang huling classroom na pinasukan niya. Everyone already left and ang naiwan na lang ay ang janitor sa loob.
Nasaan naman kaya 'yon? Hindi kaya nasa laboratory siya? Pero ang layo taas naman no'n. Ano namang gagawin niya doon?
Tiningnan ko ang fifth floor ng MedTech building at nakitang nakapatay na ang ilaw ng lahat ng classroom doon. Maging ang laboratory ay nakapatay ang ilaw at nakababa ang kurtina.
"Bakit ba naisip ko na nasa laboratory siya?" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako nang makitang may babaeng pumasok doon, at hinding-hindi ako magkakamali, alam kong siya 'yon, 'yung best friend ko. Si Kristina.
Bakit siya papasok doon? Hindi naman siya medtech student, ah? Sino namang pupuntahan niya doon?
Ilang sandali pa ay may nakita ulit akong pamilyar.
"Hello. N-Nakita mo ba si Paul? Paul Garcia?"
"Ahh, ikaw 'yung girlfriend niya. Hindi ko alam kung saan eksakto siya pumunta basta alam ko na nagmamadali siyang umakyat kanina, e."
Lalo akong kinabahan sa huling sinabi niya.
"A-Ah, sige. Thank you."
Umalis na ito, at ako naman ay naiwang mag-isa doon, nakatitig sa laboratory room na pinasukan ni Kristina. Nagbuntonghininga ako bago ko napagdesisyunan na puntahan ang lugar na iyon.
Hinihingal man ay pinagtiyagaan ko pa rin na akyatin ang fifth floor nang sa ganoon ay masagot ang mga tanong sa isip ko.
Nang makarating na ako sa fifth floor ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa laboratory room. Nang nasa tapat na ako nito ay nakakarinig ako ng mga mahihinang tawa, mabilis na paghinga, at sunud-sunod na pag-ungol.
Hindi na sana ako sisilip pero nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko na tinawag ang pangalan ng boyfriend ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Ahh...Paul, fuck..."
Alam kong maraming may pangalang Paul sa mundo, pero putang ina, si John Paul Garcia lang ang Paul na kilala ng kaibigan ko.
Muli akong humarap sa laboratory room, at dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Pagbukas ko nito ay sumingaw sa mukha ko ang lamig na nagmula sa aircon, at ang mas malakas na pag-ungol ng dalawang taong magkapatong sa ibabaw ng mahabang table.
Nangilid ang mga luha ko nang makita ko ang likod ng isang lalaki na gumagalaw, atras-abante, dahil ang likod na iyon ang paborito kong likod ng isang tao. Ang likod na iyon ay ang likod ng taong mahal ko.
They were both completely naked; Paul is on top of my best friend, Kristina, while thrusting her inside and out. My heart sank as I saw how he kissed her. He never kissed me like that.
Nang kaunti na lang ay mararamdaman ko na ang pagtulo ng luha ko, huminga ako nang malalim para mapigilan ito, at pinindot ang switch ng ilaw. That made them shock at mabilis pa sa kidlat nang maghiwalay. Mabilis na isinuot ni Kristina ang mga uniform niyang nakakalat sa sahig, at ganoon rin ang boyfriend ko. Kristina barely looked at me. She can't even show me her face.
"Cassandra..." my boyfriend said. I didn't look at him; I focused on Kristina.
Nang makita kong pareho na silang nakabihis ay saka ako mabilis na lumapit kay Kristina.
"Hoy, Tina. Tingnan mo nga ako." She hesitated. "Look at me and show me the face of my best friend."
Nakita ko ang pagbuntonghininga niya bago tumingin sa akin. Kita ko sa mukha niya na siya pa ang matapang, na para bang hindi siya natatakot sa akin. Sa sobrang galit ko ay sinampal ko siya gamit ang buong lakas ko sa kanang kamay.
"Cassandra, f**k!" rinig kong sabi ni Paul bago lumapit sa akin.
"Tang ina ka, kaya pala lagi kang busy sa tuwing kailangan ko ng kausap."
Nang muli siyang humarap sa akin ay kaliwang kamay ko naman ang ipinangsampal ko sa kabilang pisngi niya.
"Putang ina, Tina!!!" sigaw ko sa kaniya.
Napaupo siya sa sahig dahil sa malakas na pagsampal ko sa kaniya.
"Cassandra, stop it!" sigaw ni Paul habang hawak ang dalawang braso ko.
Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa mga braso ko.
"You stopped, tang ina! Gago ka. Manloloko kayong pareho!!!" Sigaw ko nang wala man lang tumutulong luha sa mga mata ko.
Muli akong tumingin kay Kristina at nakita kong dumudugo na ang gilid ng labi niya. gustuhin ko mang maawa sa kaniya ay hindi ko magawa dahil sa sakit ng ginawa niya sa akin.
"Kristina, bakit mo ginawa sa akin 'to?" walang emosiyon kong tanong sa kaniya. "Anong kasalanan ko sa 'yo?!"
She never answered me. She just cried, until she stormed out of this dirty laboratory room.
Nang kaming dalawa na lang ni Paul ang natira ay napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko, kasabay ng malakas na pag-iyak ko.
"Paul, bakit?!" he didn't answer. "Paul, best friend ko 'yon. Bakit mo ginawa 'to?!"
Naupo siya sa harap ko para harapin ako.
"I'm sorry. I'm so sorry."
"'Yan lang ba ang sasabihin mo? Bakit hindi ka magpaliwanag? Bakit hindi mo ako bigyan ng magandang rason kung bakit siya pa ang babaeng napili mo para lokohin ako? Paul naman..."
Nagbuntonghininga siya at nakita ko ang pangingilid ng mga mata niya.
"Come on, let's go home."
"No..."
"Please, let's just go home, Cassandra."
Tumayo na siya at nagsimula nang maglakad palabas ng laboratory room.
On our way downstairs, tahimik lang kaming dalawa. Nang makarating kami sa isang parte ng department nila ay huminto siya.
"I'll drive you to your home."
"I'm not going home."
"Cassandra, ano ba?!"
"Ano? Ayoko ngang umuwi!"
"Cass, f**k. Hindi mo ba ako maintindihan? What I mean is let's f*****g stop it."
And that's the keyword that made me cry again.
"Ano? Anong stop it? Gago ka matapos mo akong lokohin, iiwanan mo lang ako?!"
He didn't answer.
"Tell me, saan ako nagkulang, ha?" Muling sigaw ko na hindi niya pinansin. "Ibinigay ko lahat ng pagmamahal na pwede kong ibigay sa 'yo, pero nagawa mo pa rin akong lokohin?"
He remained silent. He just closed his eyes na para bang wala lang siyang kausap.
"Paul, will you please answer me?"
Nagulat ako nang bigla ay tiningnan niya ako ng masama. "Will you please stop, Cassandra? Pagod na ako, okay?"
I shook my head. "Dahil ba hindi ko kayang pumayag sa kagustuhan mong may mangyari sa atin, lolokohin mo na lang ako? Pwede mo naman akong iwanan kung ayaw mo na, e!"
Padarag siyang tumayo at sinigawan ako.
"Oh, eh 'di magbreak! Tangina pagod na pagod na ako kaiintindi sa 'yo. Hindi lang ikaw ang dapat intindihin ko. Sana maintindihan mo ako!"
Paalis na sana niya but I stopped him by hugging him from his back. Him, leaving me, was the thing I'm scared the most. I sacrificed enough, and I won't mind sacrificing something again.
"No, Paul. Please, don't do this to me. Paul, let's do it. Payag na ako, 'wag mo lang akong iiwanan. Paul, 'di ko kaya! Ikaw na lang ang meron ako."
I feel him breathe heavily.
"No, Cassandra. I don't love you anymore. I'm sorry."
Inialis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at tuluyan na akong iniwanan.
"Paul!" I shouted. "John Paul Garcia, no! 'Wag mo akong iwan!"
Nang hindi niya ako pinansin ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak na lang nang umiyak sa kinalulugaran ko. I wasn't the type of person the cries easily; kaya nga ang sabi ng mga taong nakakakilala sa akin ay under ko daw ang boyfriend ko kahit na ang totoo ay hindi naman.
Just because I look tough doesn't mean I actually am. And this violet lipstick I learned to use to make myself look tough doesn't justify of how strong as a woman I am.
When people around me started to look at me like they pity me, I realized that I shouldn't be like this. Dapat ay kung ano ako sa paningin nila ay ganoon rin nila akong makikita ngayong may problema akong pinanghahawakan.
Kinuha ko ang salamin sa bag ko at tiningnan ang sariling repleksiyon mula dito. I saw how aweful I look, and that made me cry. I have never looked like a mess before. I never looked so helpless before. Ngayon lang. I smiled at my own reflection.
"You're a strong woman.Nobody should see that you're hurting like this. Okay?"
And then, tears started to fall again. I began crying too much again. Can I be weak today? Just today.
Napatigil ako sa ginagawa kong pag-iyak nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Isang lalaki na saglit ko lang nakasama pero hindi ko nakalimutan.
"Oh, bakit ka tumigil sa pag-iyak? Sige, iyak ka lang."
And there, I saw, the man who gave me his umbrella, one day, when the rain is pouring, and when we're both riding on a tricycle.