"BREE," tawag ni Estel. Nilingon ni Bree ang ina na palapit sa kaniyang kinatatayuan. Nasa ilalim siya ng matanda at matayog na puno, paunti-unting sumisilip ang ngiti ng araw sa kaniya, naghahanap ng puwang sa nagkakapalan at naglalakihang mga dahon. Hinayaan niya ang pawis na patuloy sa pagdulas sa kaniyang balat, kaytagal na rin ng huli niyang pagtakbo bilang ehersisyo. Mataman siyang tinitigan ng ina pagkaharap sa kaniya, tila nanibago. "Did I change that much?" matamis niyang ngitian ito habang nag-iinat. Tila naman nagising ito sa malalim na pag-iisip at ngumiti rin, alanganin nga lang. "Natanggap mo na ba ang kapalarang ibinigay sa iyo?" She chuckles, she doesn't know why but the question was a tricky one. "Kahit tumakbo pa ako't magtago, magpakatanggi-tanggi man ako't magkunwa