Blurb

282 Words
Mahal mo ba ako? O baka dahil maganda lang ako? Mahal mo ba ako? O baka dahil nadala ka lang sa bugso ng damdamin dahil marami kang karibal?” Mahal mo ba ako? O baka dahil gusto mo lang ipakita na nakuha mo ako dahil sa matatamis mong mga salita? Hanggang kailan ko itatanong ang mga salitang ito sa taong hindi ko alam kung pagmamahal pa ba ang nararamdaman sa akin o dahil sa mga supling na maapektuhan? Hanggang kailan ko lulunukin lahat ng sakit habang ang taong mahal ko ay unti-unting nagiging ibang tao? Saan ba ako nagkulang? May dapat pa ba akong ibigay para lamang mapanatili ko ang pangako natin sa harapan ng Panginoon? Ilang ulit ko pa bang itatanong ang mga salitang ito, ‘Mahal mo ba ako?’ **** Zeny, isang babae na tila’y nasa kanya na ang lahat. Mula sa telento, talino at ganda. Hinahangaan ng kanyang mga katrabaho dahil kayang-kaya niyang dalhin ang sarili. Isang lalaki ang muling nagbabalik mula sa kanyang nakaraan. Ang Law Professor niya na noon na si Atty. Brandon Bartolome na noon pa ay may pagtingin sa kanya at ngayon na pinagtagpo sila ng tadhana sa ikalawang beses. Maraming namangha at ginugusto na maging katulad ni Zeny dahil ang kasal nila ay pawang perpekto. Ngunit hindi nila alam ang kalbaryo na dinanas ni Zeny pagkatapos niyang ipanganak ang ikalawa nilang anak. Tila’y maihahambing sa napaka gandang rosas ang pamilya sapagkat ito’y may napakaraming tinik. Hanggang kailan ipaglalaban ni Zeny ang karapan? Isasantabi niya ba ang sariling karapatan para lamang sa karapatan ng kanyang anak? Ilang beses niya pa bang kailangan itanong sa sarili na... 'Kulang pa ba?' All Rights Reserved (c) Heavenknowsflo 2021-2022

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD