Chapter 10 Sobra ang palo ni Heaven sa drum set niya kahit gabing gabi na. Nasa condo siya. Doon niya kasi nagagawa iyon dahil kung sa bahay siya tutugtog, naku! Baka atakihin sa puso ang mommy niya sa sobrang ingay. Pero dito wla siya siyang pakialam! Sarili niya ang mundo. Wala siyang pakialam kung nakakabulahaw man siya, kahit na magising pa pati mga kuto ng kapit bahay niya. Actually, hindi lang 3 beses siyang nasita. Kaya lang, walang magagawa dahil anak siya ng may-ari ng Tower Heights. Hindi naman sa sinasamantala niya ang pagiging may-ari, pero walang basagan ng trip. Kung ayaw makinig ng mga tao ay di lagyan ng mga ito ng tapal vulcaseal ang mga butas ng makinigo di kaya mas maganda ay bumili rin ang mga ito ng drumset at iba pang instrumento para makipagsabayan na lang sa kan