Chapter 8 BITBIT ni Heaven ang kan’yang coat papasok ng opisina ng kan’yang kuya, kung saan naroon ang daddy niya dahil out of town si Santi. Halos walisin na ng coat ang lahat ng alikabok sa sahig dahil basta na lang niya binitbit na parang basahan. Wala siyang balak na isuot iyon dahil init na init siya. Hindi siya sanay na magsuot ng coat. Hindi siya tulad ng kan’yang kuya Santi na kahit patulugin na naka business suit ay makakatulog. Sya hindi. Mas comfortable siya sa mga shirts ang maong pants. Feeling kasi niya ay tatanda siya ng sampung taon kapag naka long sleeves, tie, coats at slacks pa. Pero bagay naman talaga sa kanya kahit na ano yun nga lang mas gusto niyang isuot kyng saan siya magiging komportable. But now he has no choice but to wear the clothes he hates most. "D