Sweetheart-24 Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Dominic kasabay ang pagbagsak ng ulan. Tinapik tapik ni Dominic ang pisngi ng asawa . "Wake up Mara please, wake up , oh God, please... don't take her away from me , Mara wake up, don't do this to me please," sambit ni Dominic sa nagmama-kawaang tinig habang gulong-g**o ang kanyang utak kung paano n'ya matatangal ang sangang nakatarak sa dibdib ng kanyang asawa. "Pare my disgrasya!"bulalas ng isang construction worker sa mga kasamahan nito. "Tulong! Tulungan n'yo kami! Pakiusap tulong,"sigaw n'ya sa mga tao. "Pare tawag ka ng ambulansya!" sambit ng isang lalaki sa kasamahan nito, agad namang tumawag ito ng ambulansya at ang iba naman ay dali daling bumaba para tulungan ang lalaking sumisigaw ng tulong. "Ay lintik paano yan!?" bulala