CHAPTER 5

2168 Words
CLARICE'S POV Pagkatapos nang ginawang pag-alis ng aking ama ay nawalan na ako nang ganang mag-aral. Kapag nasa bahay naman ako'y wala akong ginawa kung 'di ang magkulong, dahil ayaw kong makikita ang aking ina. Naglalakad ako ngayon dito sa pathway patungo sa library nang may biglang sumabay sa akin. Napangiti ako nang may iabot sa aking rose si Alex. "Para sa 'yo, Clarice," sabi ni Alex. Tinanggap ko ang rose at pagkatapos ay inamoy ko ito. "Salamat, Alex," matipid kong tugon. Simula nang makilala ko si Alex ay araw-araw na niya akong binibigyan ng bulaklak. Minsan may kasama pa itong chocolate. Malimit na nga akong tuksuhin ng mga kaibigan ko na umaalembong na raw ako. "Clarice, saan ka pupunta? Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?" tanong ni Alex sa akin. "Nasa library sila. Kaya papunta ako roon," mabilis kong tugon. Ngumiti si Alex. "Talaga? Eh, pupunta rin ako sa library ngayon. P'wede bang maki-table na lang din ako sa inyo?" muling tanong niya. Makakatanggi ba ako sa isang Alex Madrigal? Lahat ata ng kababaihan dito sa school ay walang ibang hinangad kung 'di ang mapalapit sa kanya. "Sure," matipid kong tugon. Nagulat ako nang hawakan ni Alex ang aking kamay, dahilan upang pagtinginan kami ng ibang estudyante na madaanan namin. Nang nakarating na kami sa library ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Mas pinagtinginan kami ng mga estudyante ng dire-diretso lamang kami at hindi na nag-check in sa logbook sa may librarian. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ipinapakita sa akin ni Alex. Wala naman siyang sinasabi sa akin bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'yon. Maya-maya'y nakita na namin ang mga kaibigan ko. Laking gulat ko nang makita ko rin ang mga kaibigan ni Alex. Nagmadali na kaming lumapit sa kanila. "Sis, bakit ngayon ka lang?" mahinang tanong sa akin ni Laya nang makaupo ako. "May pinagawa pa kasi sa akin si Sir Tabernilla," tugon ko. Kanina ay pinatira ako ng aming teacher at sinabi niya sa akin na bumababa ang grades ko sa kaniya. Nagtataka ang guro ko kung bakit biglang nabago ang performance ko sa klase. Kaya ayon, may pinagawa siya sa akin kanina para huwag akong bumagsak. Para akong sinisilihan ng puwet ng umupo si Alex sa tabi ko at hawakan niya ang isa kong kamay na nasa ilalim ng mesa. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig sa akin sa ginagawa niyang pagpisil sa aking kamay. Tumingin ako kay Alex kahit na ko-conscious na ako sa ginagawa niyang pagpisil sa aking kamay. "Bakit?" tanong ko kay Alex sa mahina kong boses. Isang ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin bago magsalita. "Gusto ko lang. Ang sarap kasing hawakan ng kamay mo." Sabay tayo niya. "Tara, doon tayo. May gusto akong ipakita sa 'yo," pag-aya niya sa akin. Wala na akong nagawa kung 'di ang sumama kay Alex. Ang mga kaibigan ko naman ay hinabol na lamang ako ng tingin. Wala akong idea kung saan kami pupuntang dalawa, basta ang alam ko masaya ako na kasama si Alex. "Alex, anong gagawin natin diyan sa loob?" tanong ko nang buksan ni Alex ang isang pintuan. "Basta may ipapakita ako sa 'yo," mabilis niyang tugon at pumasok na kami sa loob. Isinarado ni Alex ang pintuan at pagkatapos ay binuhay niya ang ilaw. Namangha ako sa aking nakita, dahil punung-puno ito ng mga encyclopedia at mga historical books na hindi mo basta-basta makikita sa mga library. Bigla naman napakunot ang aking noo nang makita ko ang isang kama. Ngayon ko lamang na-realized na nasa isa kaming silid kung saan may makikita ka ring telebisyon at ref bukod sa mga naglalakihang encyclopedia. "Alex, hindi ako makapaniwala na secret room pala dito sa library," sabi ko. Huminga muna si Alex nang malalim bago magsalita. "Oo, kasi minsan...dito na natutulog si daddy, kapag marami siyang kailangang ayusin," paliwanag niya at hinila niya ako sa kama. "Clarice, ano ba? Huwag kang advance mag-isip! Napakabata mo pa para mga bagay na iniisip mo," saway ko sa aking sarili habang nakatingin kay Alex. Sino naman ang hindi mag-iisip nang kung ano-ano? Kung nasa ganito kaming lugar ni Alex. "Alex, bakit mo ako dinala rito?" lakas-loob kong tanong nang umupo kami sa kama. Ngumiti si Alex at hinawakan niya ang aking baba. "Gusto lang kitang masolo," seryosong sabi niya. Napalunok ako dahil sa aking narinig. Kukunin na ata ni Alex ang bataan ko. Pero napakabata ko pa, para isuko ang p********e ko. Isa pa hindi ko naman siya boyfriend. Unti-unting inilalapit ni Alex ang kaniyang mukha sa mukha ko, dahilan upang lalo akong manigas sa aking kinauupuan. "Huwag, Alex!" pagtutol ko nang malapit nang magdikit ang aming mga labi. Tumango si Alex habang kagat-kagat ang kaniyang labi. "I'm so sorry, Clarice, nadala lamang ako nang nararamdaman ko para sa 'yo," paghingi niya ng paumanhin sa akin. "Nararamdaman?" tanong ko kahit alam kong may gusto siya sa akin. Ngumiti si Alex. "Oo, Clarice, may nararamdaman ako para sa 'yo." Huminga muna siya nang malalim bago muling magsalita. "Una pa lamang kitang makita, may naramdaman na ako para sa 'yo. Alam ko napakabata pa natin sa mga bagay na ito. Pero gusto kitang maging girlfriend," pagtatapat niya sa akin. Napailing ako. "Bakit ako? Sa dinami-daming babaeng maganda diyan. Bakit sa katulad ko pang boyish kumilos?" tanong ko kay Alex. Ngumiti si Alex. "I don't care the way you act...and I don't care with your style. All I know is, you made my heart fall inlove with you," seryosong sabi ni Alex. Aba ang mokong nag-english pa talaga. Hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman na may gusto siya sa akin. Napalunok ako habang nakatitig kay Alex. "Pero napakabata pa natin, Alex, para sa isang relasyon," tugon ko sa kaniya. "Alam ko, pero...ayaw kong may ibang lalapit sa 'yo. Kaya kung pumapayag ka, gusto sana kitang maging girlfriend," pahayag ni Alex na nagpasaya sa puso ko. Hindi naman porket crush kita ay sasagutin agad kita. Syempre, kailangang ligawan mo muna ako. Kaya magpapakipot muna ako. "Alex, give me a time, para pag-isipan ko ang bagay na 'yan. Beside, kakakilala lang natin," pormal kong tugon sa kaniya, na ang totoo ay gusto ko nang sumigaw nang malakas na 'oo, pumapayag ako.' "Clarice, kung kinakailangang kong ligawan ka. Gagawin ko ang lahat, makuha ko lamang ang matamis mong sagot," masayang wika ni Alex. Gusto kong tumili nang malakas dahil sa pagtatapat na ginawa sa akin ni Alex ngayon. Sinong mag-aakala na ang boyish na katulad ko ang bibihag sa kaniyang puso. Lumipas ang ilang sandali ay lumabas na rin kami ni Alex ng silid at bumalik sa aming mga kaibigan. "Mabuti naman at bumalik na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay," maarteng sabi ni Joyce. "Sorry, nalibang lang akong magbasa ng libro," pagdadahilan ko. "Ang mabuti pa, pumunta na tayo sa canteen," ani ni Abby. Hindi na ako nagpaliwanag pa nang kung ano-ano, para hindi na humaba ang aming usapan. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. *** Kasalukuyang nagpa-practice kami para sa cheering competition nang dumating ang grupo nina Alex at kasunod nila ang grupo nina Yvette. Iniiwas ko ang aking mga mata kay Alex upang makapag-focus ako sa pag-e-ensayo. Dahil ako ang tatayo sa pinakataas, upang makabuo kami ng isang pyramid. Habang sina Lorraine at Abby ang aking aapakan. Karaniwang ang nagiging flyer sa grupo, dahil hindi ako takot sa mataas at ako rin ang malakas ang loob na tumalon nang pa-tumbling, katulad nang gagawin ko ngayon. Habang sina Abby at Lorraine naman ang ihahagis sa ere, habang na tumbling ako. "Give me an A, M, I, S," sigaw nina Lorraine at Abby habang ang lahat ay napunta na sa kani-kanilang posisyon. "Alexander Montesorri International School," sigaw naming lahat. "Ready ka na ba, Clarice?" tanong sa akin ni Abby habang nakatapak ako sa kanilang balikat ni Lorraine. "Oo, ready na ako," mabilis kong tugon. Sa pagkakataon na ito, ay mataas ang tatalunin ko, dahil limang patong kami ngayon upang mabuo namin ang pyramid. "Ingat ka, Clarice," sabi sa akin ni Lorraine. Maya-maya ay nagbilang na ang dalawa bilang hudyat sa gagawin kong pag-tumbling. "One, two three, four, five...go," sigaw nang dalawa. Nag-cross finger muna ako bago mag-tumbling. Rinig na rinig ko ang sigawan habang na tumbling ako sa ere. Nang bumagsak ako sa semento ay nakatayo pa rin ako ng straight habang nakataas ang mga kamay. Sina Abby at Lorraine naman ay inihahagis pa rin sa ere. Hanggang sa matapos kami na nasa pyramid silang posisyon. Nagpalakpakan ang lahat ng mga estudyanteng nanonood sa amin, maliban sa grupo nina Yvette, na walang ginawa kung 'di dumikit kay Alex. "Sagutin mo na kasi 'yong tao, nang hindi ka magngitngit sa galit diyan," bulong sa akin ni Joyce. "Joyce, wala pa akong plano mag-boyfriend 'no!" tugon ko na may halong inis dahil ang totoo ay nakakaramdam ako ng selos sa aking dibdib. Sino bang hindi magseselos, kapag nakita mo ang manliligaw mo na pinupuluputan ng ibang babae. Habang nag-e-enjoy siya sa ginagawang pagpulupot nito sa kaniya. Nang mapansin ni Alex na nakatingin ako sa kanya'y agad niyang inalis ang mga kamay ni Yvette na nakapulupot sa kaniya. "Mga sis, punta lang ako sa comfort room," pagpapaalam ko sa kanila nang lalapitan ako ni Alex. Tumango ang lahat sa akin bilang pagsang-ayon at nagmadali na akong maglakad. Mas lalo ko pang binilisan nang tawagin ako ni Alex. "Clarice, wait lang," tawag niya sa akin ma hindi ko pinansin. Ngayon hahabol-habol ka, samantalang kanina enjoy na enjoy ka sa ginagawang pagpulupot sa 'yo. Well, sino nga ba ako para magselos. Nang makarating ako nang comfort room ay nagdesisyon na akong magbihis ng uniform ko. Tulad nang ginagawa ko dati, muli akong nagsuot ng sombrero ko na parang lalaki ang dating. Mas gugustuhin ko pang magpakatomboy, kaysa ang masaktan ang damdamin ko. Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong magpalit ng damit. "Sis, oh bakit isinuot mo na naman ang mahiwaga mong sumbrero?" tanong sa akin ni Laya nang makasalubong ko sila. Ngumisi ako. "Ganito naman talaga ako, 'di ba?" pabalang kong sagot. "Ang sabihin mo nagseselos ka," singit ni Joyce. Hindi na ako nagsalita pa, dahil alam kong hindi nila ako titigilan. "Teka, asan si Abby?" tanong ko sa kanila. "Nasa gym, hinihintay ka. Manonood daw kasi tayo ng practice ng prince charming niya," malanding sabi ni Joyce at sinaraduhan na nila ang banyo. Kainis naman at kailangan pa talaga naming manoood. Maba-badtrip lamang ako lalo. Naglakad na ako pabalik sa gym dahil wala na rin akong magagawa pa. "Oh, Clarice, ba't ganiyan na naman ang porma mo?" takang tanong sa akin ni Abby nang makita niya ako. "Ano bang masama sa porma ko? Ganito naman talaga ako manamit at kumilos!" tugon ko na may halong inis. "Clarice, mukang back to boyish look ka, ah!" puna ni Charles sa akin habang nakatayo sa likuran ni Abby. "Tse! Kasalanan 'to ng kaibigan mong malandi!" bulong ko sa aking sarili. Si Charles Andrew Hamilton, pinaka-playboy sa kanilang magkakaibigan, at siya ang manliligaw ngayon ni Abby. Kaya ko nakilala si Alex ay nang magpakilala si Charles kay Abby. Hindi nagtagal ay bumalik na sina Laya at Joyce, kaya sina Abby at Lorraine naman ang magkasamang pumunta sa banyo. Pumunta na si Charles sa gitna kasama ang mga kaibigan niya. Habang si Alex ay seryosong nakatingin sa akin. Ngayon titingin-tingin sa akin ang mokong. Tahimik kaming nanonood ng magparinig ang grupo nina Lavinia. "Ewan ko nga ba kay Alex? Sa dinami-dami ng babaeng liligawan, sa tomboy pa talaga," maarteng sabi ni Yvette, sabay tingin sa akin. Tomboy na kung tomboy. Hindi naman ako alembong na katulad ni Yvette. Ngumiti nang maarte si Lavinia. "Basta ako, hindi ako papayag na hindi ko maging boyfriend si Nathan," maarteng sabi niya. "Paano mo magiging boyfriend si Nathan, kung wala siyang ibang nakikita...kung 'di ang besfriend niya," wika naman ni Cathy. "Eh, bakit ikaw? Hindi mo magawang mapaibig si Charles?" tanong ni Lavinia sa kaibigan. Tumingin sa akin si Yvette at muling nagsalita. "Kasi, Lavinia, napapalibutan sila ng mga babaeng malandi!" Sabay ngiti niya na parang aso. Halos manggigil ako sa galit, dahil kami pa talaga ang naging malandi. Nilapitan ko si Yvette at sinapak. "Hoy! Yvette, mag-iingat ka sa pinagsasabi mo!" singhal ko sa kaniya. Tumayo si Yvette at sinabunutan ako. "Ikaw na tomboy ka, bakit bigla ka na lamang nanapak?!" galit na tanong sa akin ni Yvette. "Sinong matutuwa sa mga pinagsasabi mo?! Eh, ikaw naman itong parang sawa kung makapulupot!" galit kong tugon at nakipagsabunutan na ako sa kaniya. "Mga magpaparinig kasi, pagkatapos hindi matanggap ang totoo," narinig kong salita ni Joyce at nagsabunutan na rin sila ni Lexy, pati na rin sina Laya at Claire. "Tama na!" narinig kong awat ng isang lalaki sa amin. Hindi ko pinansin ang nagsalita. Ang mahalaga sa akin ay mailabas ko ang sama ng loob ko, dahil sa nakita ko kanina. Maya-maya ay niyakap na ako ng lalaki na nagsalita kanina, walang iba kung 'di si Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD