Mendoza's Residence
"Riley! Bumangon ka na diyan ! Hay naku bata ka tinanghali ka na naman! Malilate ka na naman sa trabaho mo!" Sigaw ni aling Sabel habang binubuksan ang kurtina sa bintana ng kwarto ni Riley. Ito ang laging alarm clock ni Riley tuwing umaga.
"Uuhmmmm.." Ungol ni Riley. "Nay ang aga-aga eh." Reklamo ng dalaga sabay takip ng unan sa mukha.
"It's 7:30 in the morning Riley! The sun is shining brightly like diamonds!" Pag-iingles ng ina. Napabangon bigla si Riley at gising na gising ang diwa.
"Sino ka? Anong ginawa mo sa nanay ko?" Manghang tanong nito namimilog ang mata sa pagtitig sa ina.
"Ano bang pinagsasabi mong bata ka?" Naguguluhang tanong ng ina, nakapameywang na humarap sa anak.
"Who u? Where is my mader?" Pagbibirong sagot ni Riley sabay tapik sa mukha ng nanay niya.
"Hoy babae ka! (yes guys Riley is a girl with a masculine name) Wag mo nga akong maenglish-english dyan it's not pany! Maligo ka na at hinihintay ka na ng tito Jess mo sa opisina niya!" Sabay labas ng kwarto ng anak.
"Huh! Anong nakain nun? " Nagtatakang tanong niya sa sarili. "Akala ko kuya ko long ang weirdo sa pamilyang to, hay makaligo na nga!"
Meet Riley Mendoza...boyish, matapang at palaban. Walang inuurungan, (well except kung multo ang pag-uusapan). But no matter how hard she tries to look fierce and act manly there's nothing she can do to hide her beauty.
Matangos ang ilong mapupungay na mga mata, morenang balat at mamula-mulang labi. Not to mention her to die for body, she's all that, but what she is famous for is her being the badass special agent.
She's a black belt in all kinds of martial arts and a sharpshooter, she can beat any guy any time, and to top all that she doesn't like men. Now don't get me wrong, she's not a tomboy it's just that she hates men, well except for her kuya, her uncle, and her very best friend Max.
Matapos maligo, nagbihis na ang dalaga, as usual, she chose an outfit that screams badass all the way. Black pants, white sleeveless shirt combat shoes, and a black leather jacket. I'm telling you guys she is smoking hot. Bumaba na sya para pumunta na sa trabaho.
"Nay alis na ako!" Sigaw nito sa ina.
" Hep! Hep! Hep! Saan ka sa tingin mo pupunta? Umupo ka at mag-almusal, hindi ka papasok sa trabaho ng walang laman yang tiyan mo. Hala kain sabayan mo yang kuya mong nasampal yata ng tikbalang sa pula ng pisngi at labi." Pailing-iling na sambit ng ina.
"Motheeer ang harsh! That's what you call make-up, duh!" Maarting sagot ni Ricky o Raquel sa ina.
Yes guys Ricky is Riley's very gay brother, a weird family right? Ang isa nagpapakalalaki yong isa naman nagpapakababae, kalerkey.
"Hoy Ricardo! Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo ha! Kung bakit ba kasi nagkapalit kayo ng katawan! " Pagmamaktol ng ina."I don't know what to do with you!" Yep nag-inglis na naman si madeer.
Nagtinginan ang magkapatid.
"Raquel anong nangyayari kay Nanay? Kanina pa yan nag-iinglis." Naguguluhan pa ring tanong ni Riley sa kapatid.
"Hay naku sister dear, pano kasi may bagong lipat dyan sa katabi nating bahay. Dalawang Adonis teh kaloka! Yong isa medyo may edad na, yun ang nagpapa- chubachuchu sa heart ever ni mudra." maarting pagbabalita ni Ricky kay Riley.
"Pero wag ka teh, yong bagets....aaayyyy." Sigaw ni bading. "Pwede nang pang-ulam teh!" Exaggerated na pagku-kwento ni Ricky.
"Naku Nay ha, pakilala mo muna sakin bago ka kilig kiligin dyan..lumalove life ang peg? Feeling bagets lang Nay? Atsaka anong kinalaman sa pag-iEnglish ni nanay yang bagong kapitbahay natin? " Tanong nito sa kapatid.
"Eh kasi girl galing tate ang mga miin..." Kinikilig na sabi ni Ricky.
" Hay naku tama na nga yan, kayong dalawa tigilan nyo ako ha. Bilisan niyo na at mahuhuli na kayo pareho sa trabaho niyo." Pagsasaway ng ina sa dalawang anak, pinandilatan sila nito ng mata.
"Shocks patay na naman ako kay tito Jess nito. Alis na ako nay, salamat po sa almusal." Dali-daling lumabas ng bahay si Riley atsaka sumakay sa kanyang motorsiklo, wearing her sunglasses and helmet saka pina- harurot ng takbo ang kanyang big bike.
Soft rock music, big bikes, and guns...this is how I describe Riley Mendoza. Riley Mendoza lives her life always on the edge, she's bold, aggressive but softy too.
She's a special agent in the NBI and a damn good one too. She has won many awards for her bravery and contribution to the country. Bata pa lang siya pinangarap na talaga niyang maging isang pulis.
Kahit noong nasa high school siya kinakatakotan na siya ng mga lalaki dahil sa tapang niya at temper. Always an honor student pero palaban kapag inaagrabiyado siya or kung sino mang inosente.
In fact don niya nakilala ang bestfriend niyang si Max, isa itong product of bullying na piangtangol niya. Simula noon, di na humiwalay sa kanya ang half korean, half filipinong lalaking yon.
They are inseparable, kaya kahit saan siya pumunta nakabuntot sa kanya ito. Noong pumasok siya sa pagka pulis sumunod din ito kahit lalampa ito at matakotin. Sabay silang nakapasok sa NBI and now they are partners.
Naiiling si Riley tuwing naalala niya ang bestfriend, para kasing naging nanny siya nito. Lagi niya itong pinagtatanggol at piniprotektahan.
Parang anak na rin ang turing ng nanay niya sa kaibigan, dahil sa malayo ang pamilya nito at nag-iisa lang sa inuupahang apartment.
Kung siya ang tatanungin? She wouldn't change anything in her life, but hindi niya alam, in that day magbabago ang takbo ng buhay niya. Will she sink or swim?