Chapter 16 - Here Comes the Captain

2503 Words

Nang makabihis na si Riley bumaba na ito para makapag almusal. Nadatnan niya sa kusina ang nanay Sabel niya at ang kuya Ricky niya. " O andyan ka na pala umupo ka na at kumain bago umalis." Utos ng kanyang nanay nang makita syang bumaba. " Sissy may esplok si mudra sa akin may bago na naman daw tayong kapitbahay? Gwapo and meron pang cute na bagets? Sinetch etey sis?" Tanong ng kuya niyang kinikilig na naman. " Ah oo, nakakabigla nga eh kasi nakilala ko sila sa sementeryo kahapon, tapos magiging kapitbahay pala natin." Paliwanag ni Riley sa kapatid. " Ahmm and sabi ni madeer medyo may kahawig daw ang dadeh ni bagets kay ano, you know, yong dating nakatira dyan." Nagkatinginan muna si nanay Sabel at Riley bago sya sumagot. " Hindi ah ang layo nga eh, mas gwapo di hamak yong bagong kapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD