dd d. d

dd d. d

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

d d. dd dd. d d d d d d d d d. d d d d d. d d d d

chap-preview
Free preview
d d d dd d d
Third Person POV Gumagapang ang pulang likido mula sa kutsilyong gawa sa nyebe papunta sa nanginginig na kamay ng sampong taong gulang na may hawak nito. At unti-unting bumagsak ang lalaking nasa harapan niya. Gulat na gulat ang lahat sa pangyayari, maging ang mga banditong nais kumitil sa kaniyang kababatang babae na kanina'y hawak-hawak ng lalaking natumba. "P-paanong nangyari?" "Akala ko ba hindi sila maaaring pumatay?" "Hindi na puro ang kaniyang kaluluwa. Nabahidan na ng dungis!" Nagising ang binata't napabangon sa gitna ng gabi. Iniangat niya ang kaniyang kamay at tinitigan ang palad. "Tama ba ang ginawa ko?" Tanong nito sa sarili at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na sa pagtulog. ~ Kalmado ang hangin sa gitna ng paanan ng bundok kung saan ang bawat puno at lupa ay nababalutan ng puting mga nyebe. Sa gitna ng ilog na tila salamin ay naroon ang isang babaeng may katandaan kasama ang isang lalaking may wastong gulang na alalay nito sa pagtuturo sa mga kabataan. Ang bawat sakanila ay nakasuot ng leather coat na may puting balahibo sa bawat butas ng damit, partikular ay sa leeg. Pumikit ang matandang babae at dahan-dahang iniangat ang kamay mula sa bandang tiyan at kasabay nito ay unti-unting nag-krak ang maliit na bahagi ng yelong nakabalot sa ilog sa kaniyang tapat at pinagmasdan naman ito ng mga estudyante niyang nakaupo sa kaniyang harapan. Dinama niya ang enerhiya ng tubig sa ibaba ng kaniyang tinutungtungan na tila parte ng kaniyang katawan. At habang iniaangat niya ang kaniyang kamay sa ere ay nabuo rin ang butas at unti-unting kumawala't lumutang ang ilang litrong tubig mula rito. "Ang ispiritu ng tubig ay sumisimbulo sa buhay." Wika ng matanda at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nang tuluyan nang naka-angat ang tubig sa ere ay maingat niyang isinayaw ang kaniyang mga kamay sa hangin at bawat galaw niya ay sinusundan ito ng tubig. "... sapagkat ito ang nagbigay buhay sa ating mundo. Ang ispiritu ng tubig ang naglikha ng mga puno't halaman." Dagdag pa nito. Inihinto kaniyang pusisyon kung saan naka-angat ang isang kamay at nakababa naman ang kaliwa. Lumapit ang tubig at pumaikot sa kaniyang katawan na tila ahas at sa huli'y nanatili itong lumulutang sa kaniyang palad. "Sapagkat ang buhay ay sagrado, tanging may mga dalisay na kaluluwa lamang ang nagkakaroon ng koneksiyon sa elemento ng tubig." Inaasahan ng matanda na sa pagbaling niya sa kaniyang mga estudyante ay naka-nganga ito sa kamanghaan, ngunit bagkus, ay bagot na ang mga ito dahil sa paulit-ulit na kwento-- maliban sa isang binatang may asul na mata-- ang tanging estudyante na nagpapakita ng buong interest. "Frost, tumayo ka't lumapit." Pagtawag nito. Nagtinginan ang lahat sa tinutukoy ng matanda. At sa kasamaang palad ay napalitan ng lungkot ang mukha nito at hindi na nag-abalang sumunod. "Frost? Ano'ng bumabagabag sayo't natatakot ka na pumunta sa harapan?" Pagtataka nito." "Ma, nakakalimutan mo nanaman ba?" Tanong ng alalay ng matanda. "Na ano?" Halata sa kaniyang tanong na wala itong kaide-ideya. Napabuntong hininga na lamang ang anak nito, pasalita na sana ito nang pinigilan ito ng isang babaeng estudyante. "Lola Mira, nawala ho ang pagkadalisay niya dahil sa akin." "Ano ba'ng ginawa mo sa kaniya, Winter?" Napatingin sa ibaba si winter bago ito tumugon. "Niligtas niya ang buhay ko-- at dahil do'n ay nakakitil siya ng buhay na dapat kikitil sa akin." Napaisip muna ng ilang segundo ang matanda bago ito nabalik sa wisyo. "Ay, oonga pala. Kaya ang elemento ng tubig ay hindi itinuturo sa pakikipagdigma sapagkat sa bawat mantsa ng dugong naipapahid natin sa ating kamay ay nagbubura ng pagkadalisay sa ating kaluluwa." Tumayo naman si Frost at nagwika, "Ngunit paano natin ililigtas ang ating sarili at ibang tao?" Lahat ay nablanko sa kaniyang tanong, at buti na lamang ay may dumating upang sumira ng katahimikan. "Frost! Halika na!" Isang lalaking nasa wastong gulang rin ang sumigaw. Kita sa boses nito ang galit dahil sa kanina pang paghahanap sa kaniyang anak. Nagmadali namang kumilos si Frost papunta rito. At nang tuluyan na siyang nakalapit ay napayuko ito at patuloy na silang naglakad ng tahimik. Pagkarating sa paanan ng bundok ay pinulot nito ang isang lagayang naglalaman ng mga palaso na nakalapag sa lupa at isinabit sa katawan, katabi nito ay pana na kaniya ring kinuha. Iniangat niya ang arkong kahoy sa kaniyang tapat at kumuha ng bala na sinabit sa makapal na lubid nito. Unti-unti niyang ini-stretch ang dulo ng bala sa lubid pahila at itinutok sa mansanas na nakapatong sa hugis punong kahoy na yelong kasing lebel ng dibdib ng tao na may kalayuang distansya. Huminga siya ng malalim at saka pinakawalan ang palaso sa ere. Tila isang sipol ang narinig sa paglipad ng matulis na bala at walang isang segundo ay rinig ang malakas na pagsabog nang nawasak ang mansanas sa pagtama nito. Kaagad naman siya kumuha muli ng bala at isinalang sa pana para sa isa pang target. "Sandali." Muntik na niyang mabitawan nang bigla siyang pinigilan ng kaniyang tatay. "Ang tunay na mamamana ay hindi lamang nasusukat sa talim ng mata, kundi pati sa pagkontrol ng bigat ng kamay." Saglit na ibinaba ni Frost ang kaniyang hawak nang kinutuban ito sa iniwika ng kaniyang ama. "A-ama, ano'ng ibig ninyong sabihin?" Hindi ito tumugon ay dumeretso ito papunta sa kinaluluguran ng target. At nang tuluyang makalapit ay kinuha nito ang mansanas. Kinagatan niya muna ito bago inilagay sa dibdib saka tumingin ng malalim sa anak. "Ama! Pakiusap! Hindi ko pa nasusubukan ang sinasabi niyo!" Sigaw nito nang may pag-aalala. "Nagtitiwala ako sa'yo, anak, at kailangan mo ring magtiwala sa sarili mo." "Pero Ama!" "Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" Pananakot nito. Malungkot na napailing si Frost at walang magawa kundi sundin ito. Ibinalik niya ang posisyon ng kaniyang armas at dahan-dahang hinila ang lubid kasama ng palaso. Hindi niya muna binitawan sapagkat nababagabag siya sa malakas na pagtibok ng kaniyang dibdib na halos siya'y mabingi. Hindi-- hindi ko kayang mawala si Ama lalo na mula sa aking mga kamay. "Anak, nangangawit na ako rito!" Dahil sa sobrang kaba ay 'di niya napansing nasobrahan siya sa pagkakahila. At nang siyaa'y matauhan ay binawasan niya ito. Ipinikit niya ang isa niyang mata at huminga ng malalim. Kaya mo 'to, Frost. At tuluyan na niyang binitawan ang lubid. Saktong pagbitaw niya ay bigla niyang napagpasiyahang hindi na niya dapat itinuloy, na kung mayroon lamang siyang koneksiyon sa tubig ay naglikha siya ng pader na gawa sa yelo upang prumotekta sa kaniyang ama. Napapikit ang kaniyang ama habang siya naman ay nanlaki ang mata habang pinapanood ang talim na lumipad ng diretso sa ere-- at sa kahuliha'y bigla itong bumaba sa lupa nang malapit na sa dapat na destinasyon-- kinapus ito ng pwersa. "Ama!" Napamulat ito ng mata at nabunutan ng hininga habang nasasaksihan ang pagpunta ni Frost sa kaniya. Sinalubong siya nito ng napakahigpit na yakap at luhang bahagyang bumasa sa kaniyang braso. "Ama!" Hagulgul nito sa kaniya. "Ano ba 'yang reaksiyon mo? Hindi ba dapat ako ang nakakaramdam ng takot at hindi ikaw?" Anito't tinugunan ng yakap. At sa pagbalot niya ng mga braso ay nakita niya ang kaniyang kamay na nanginginig. Gamit ang isang kamay na nanginginig din ay pinigilan nito upang hindi mapaghalataan. Sa pagkalas nila ng yakap ay bumagsak ang buong mansanas sa lupa at pareha naman silang napatingin rito. Nang mahinuhan niya ang katotohanan ay dismiyado itong tinignan si Frost, "Isa kang talunan." Anito't iniwan si Frost nang may marka ng kahihiyan. Wala namang nagawa si Frost kundi ay mapatulala't alalanin ang mga pangyayari. Nakaramdam siya ng panlalambot kaya naman ay nabitawan niya ang kaniyang hawak at bumagsak sa lupa. Nagsimula nang sumibol ang hangin. Hanggang sa nagpasiya siyang umuwi na rin. Walang gana nitong binuksan ang pinto ng maliit na estrakturang gawa sa mga nagpupulahang bricks at dumeretsong ibinagsak ang katawan sa upuan at ipinikit ang mata. "Frost, nandiyan ka na pala. Kamusta ang pagsasanay?" Tanong ng kaniyang ina na nasa kusina't nilalapag ang mga plato't kutsara sa hapag kainan. Pagkatapos ay dumako muna ito sa sala upang salubigin ang mag-ama. "Teka, nasaan ang iyong ama?" Nagpanggap na lamang si Frost na walang narinig at nanatiling nakapikit. At basa na ng kaniyang ina kung ano ang nangyari. "Naku, si Barien talaga, masyado nanamang prinepressure ang anak." Pagkasuya nito at bumalik sa kusina at kumuha ng mahabang kahoy upang sungkitin ang nakalambiting kaldero sa loob ng may kalakihang pugon at inilapag ito sa sahig. Sumalok ito ng kahoy na kutsara upang tikman at dinagdagan ng asin at paminta. Pagkatapos ay muli niya itong isinabit sa loob ng pugon. "Huwag ka na malungkot anak, paborito ninyo ang ulam na hinanda ko." "Hi po, tita!" Isang dalaga mula sa pintuan ang nanggulat sa mag-ina. Bigla naman itong nagtaka at napabulong dahil bukas ang pinto at lalabas ang init. "Winter, narito ka pala. Sakto masarap at marami ang hinanda kong pagkain." Pagbati nito't tinikman muli ang sabaw. At nang maayos na ang lasa ay hinain niya na ito. Napansin naman ni Winter ang kalagayan ni Frost at hindi man lang siya binati. Tinawag niya ito at tinabihan ngunit hindi pa rin siya pinansin nito. "Tita Ferra, ano po'ng nangyari kay Frost?" Sakto namang dumating si Barien. "Hay nako, itanong mo sa napakabait kong asawa." Sarkastikong tugon ni Ferra. "Inarte lang 'yan. Hindi ka ba nahiya sa crush mo, Frost?" Pagdipensa naman ni Barien habang diretso lamang dumaan papuntang kusina upang salubungin ng yakap ang asawa. Namula naman si Frost sa narinig kaya napilitan itong ayusin ang pagkakaupo at magreklamo, "Ama?" Napabungisngis naman si Winter sa narinig, pati ang kaniyang ina. "Winter, 'wag ka nagpapaniwala kay Ama." Dipensa nito sa kahihiyan. "Torpe!" Muling singit ni Barien habang tinitikman ang luto ng asawa. "Hmm... Ang sarap nito, Mahal." Sinampal naman siya nito ng mahina, "Bola-bola ka diyan, 'yung anak mo! Ano nanamang pinaggagawa mo?" Sermon nito. Hindi nakasagot si Barien at inilipat na lamang ang paksa, "Halina kayong mag-piyanse at kakain na tayo." Napabuntong hininga na lamang si Frost sa pang-aasar ng kaniyang tatay. Hinawakan naman ni Winter ang kaniyang kamay, "Tara na, bago pa muling bumanat ang iyong ama." Biro nito. At sumunod na rin sila sa hapag kainan. Sumapit ang malalim na gabi nang bumangon si Frost sa kaniyang higaan at maingat na sumilip sa kwarto ng kaniyang magulang. Wala ang kaniyang ama habang malalim namang natutulog ang kaniyang ina. Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay. Maliban sa buwan ay tanging ang torch lamang na hawak ni Frost ang gumagabay liwanag sa kagubatang kaniyang linalakaran. At pagkaraan ng ilang minuto ay nakatanaw siya ng grupo ng mga bilog na apoy-- walang kaduda-dudang ang mga may hawak ng torch na kaniyang nakita ang kaniyang destinasyon. Habang palapit nang palapit ay naririnig niya ang tunog ng pagtalsik ng mga tubig at tunog ng mga yello, pati na rin ang malalim na paghinga ng dalawang taong nagsusunggaban at pag sigaw nito sa pwersa. "Ang nagwagi-- Winter Woods." Rinig niya ang boses ng kaniyang ama habang nagsigawan naman sa kasiyahan ang mga manonood. Nang tuluyan nang nakalapit ay huminto siya at tinignan ang babaeng nakatayo sa tapat ng nakatumbang lalaki na pinapaligiran ng mga kapwa kabataan. Napansin naman nito ang kaniyang presensya kaya lumapit ito sa sa kaniya. "Frost! Sayang, hindi mo naabutan ang buong pangyayari!" Anito at napayakap sa kaniya. Hindi siya nakagalaw at nag-init ang kaniyang pisngi dahil sa init ng katawan na pumulupot sa kaniya. Hindi nila napansin ang tagal ng pananatili nila sa pusisyon. "Frost." Biglang napabitaw si Winter sa pagkayakap nang sila ay dinistorbo ni Barein na ngayo'y papalapit sa kanila. Pareho silang napahakbang palayo at napaiwas ng tingin sa isa't isa dahil sa pagkaka-ilangan. "Ikaw na ang sunod." Anito sa anak nang tuluyang nakalapit at inabutan ng palaso at pana. *** Frost Mark Third Person POV Gumagapang ang pulang likido mula sa kutsilyong gawa sa nyebe papunta sa nanginginig na kamay ng sampong taong gulang na may hawak nito. At unti-unting bumagsak ang lalaking nasa harapan niya. Gulat na gulat ang lahat sa pangyayari, maging ang mga banditong nais kumitil sa kaniyang kababatang babae na kanina'y hawak-hawak ng lalaking natumba. "P-paanong nangyari?" "Akala ko ba hindi sila maaaring pumatay?" "Hindi na puro ang kaniyang kaluluwa. Nabahidan na ng dungis!" Nagising ang binata't napabangon sa gitna ng gabi. Iniangat niya ang kaniyang kamay at tinitigan ang palad. "Tama ba ang ginawa ko?" Tanong nito sa sarili at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na sa pagtulog. ~ Kalmado ang hangin sa gitna ng paanan ng bundok kung saan ang bawat puno at lupa ay nababalutan ng puting mga nyebe. Sa gitna ng ilog na tila salamin ay naroon ang isang babaeng may katandaan kasama ang isang lalaking may wastong gulang na alalay nito sa pagtuturo sa mga kabataan. Ang bawat sakanila ay nakasuot ng leather coat na may puting balahibo sa bawat butas ng damit, partikular ay sa leeg. Pumikit ang matandang babae at dahan-dahang iniangat ang kamay mula sa bandang tiyan at kasabay nito ay unti-unting nag-krak ang maliit na bahagi ng yelong nakabalot sa ilog sa kaniyang tapat at pinagmasdan naman ito ng mga estudyante niyang nakaupo sa kaniyang harapan. Dinama niya ang enerhiya ng tubig sa ibaba ng kaniyang tinutungtungan na tila parte ng kaniyang katawan. At habang iniaangat niya ang kaniyang kamay sa ere ay nabuo rin ang butas at unti-unting kumawala't lumutang ang ilang litrong tubig mula rito. "Ang ispiritu ng tubig ay sumisimbulo sa buhay." Wika ng matanda at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Nang tuluyan nang naka-angat ang tubig sa ere ay maingat niyang isinayaw ang kaniyang mga kamay sa hangin at bawat galaw niya ay sinusundan ito ng tubig. "... sapagkat ito ang nagbigay buhay sa ating mundo. Ang ispiritu ng tubig ang naglikha ng mga puno't halaman." Dagdag pa nito. Inihinto kaniyang pusisyon kung saan naka-angat ang isang kamay at nakababa naman ang kaliwa. Lumapit ang tubig at pumaikot sa kaniyang katawan na tila ahas at sa huli'y nanatili itong lumulutang sa kaniyang palad. "Sapagkat ang buhay ay sagrado, tanging may mga dalisay na kaluluwa lamang ang nagkakaroon ng koneksiyon sa elemento ng tubig." Inaasahan ng matanda na sa pagbaling niya sa kaniyang mga estudyante ay naka-nganga ito sa kamanghaan, ngunit bagkus, ay bagot na ang mga ito dahil sa paulit-ulit na kwento-- maliban sa isang binatang may asul na mata-- ang tanging estudyante na nagpapakita ng buong interest. "Frost, tumayo ka't lumapit." Pagtawag nito. Nagtinginan ang lahat sa tinutukoy ng matanda. At sa kasamaang palad ay napalitan ng lungkot ang mukha nito at hindi na nag-abalang sumunod. "Frost? Ano'ng bumabagabag sayo't natatakot ka na pumunta sa harapan?" Pagtataka nito." "Ma, nakakalimutan mo nanaman ba?" Tanong ng alalay ng matanda. "Na ano?" Halata sa kaniyang tanong na wala itong kaide-ideya. Napabuntong hininga na lamang ang anak nito, pasalita na sana ito nang pinigilan ito ng isang babaeng estudyante. "Lola Mira, nawala ho ang pagkadalisay niya dahil sa akin." "Ano ba'ng ginawa mo sa kaniya, Winter?" Napatingin sa ibaba si winter bago ito tumugon. "Niligtas niya ang buhay ko-- at dahil do'n ay nakakitil siya ng buhay na dapat kikitil sa akin." Napaisip muna ng ilang segundo ang matanda bago ito nabalik sa wisyo. "Ay, oonga pala. Kaya ang elemento ng tubig ay hindi itinuturo sa pakikipagdigma sapagkat sa bawat mantsa ng dugong naipapahid natin sa ating kamay ay nagbubura ng pagkadalisay sa ating kaluluwa." Tumayo naman si Frost at nagwika, "Ngunit paano natin ililigtas ang ating sarili at ibang tao?" Lahat ay nablanko sa kaniyang tanong, at buti na lamang ay may dumating upang sumira ng katahimikan. "Frost! Halika na!" Isang lalaking nasa wastong gulang rin ang sumigaw. Kita sa boses nito ang galit dahil sa kanina pang paghahanap sa kaniyang anak. Nagmadali namang kumilos si Frost papunta rito. At nang tuluyan na siyang nakalapit ay napayuko ito at patuloy na silang naglakad ng tahimik. Pagkarating sa paanan ng bundok ay pinulot nito ang isang lagayang naglalaman ng mga palaso na nakalapag sa lupa at isinabit sa katawan, katabi nito ay pana na kaniya ring kinuha. Iniangat niya ang arkong kahoy sa kaniyang tapat at kumuha ng bala na sinabit sa makapal na lubid nito. Unti-unti niyang ini-stretch ang dulo ng bala sa lubid pahila at itinutok sa mansanas na nakapatong sa hugis punong kahoy na yelong kasing lebel ng dibdib ng tao na may kalayuang distansya. Huminga siya ng malalim at saka pinakawalan ang palaso sa ere. Tila isang sipol ang narinig sa paglipad ng matulis na bala at walang isang segundo ay rinig ang malakas na pagsabog nang nawasak ang mansanas sa pagtama nito. Kaagad naman siya kumuha muli ng bala at isinalang sa pana para sa isa pang target. "Sandali." Muntik na niyang mabitawan nang bigla siyang pinigilan ng kaniyang tatay. "Ang tunay na mamamana ay hindi lamang nasusukat sa talim ng mata, kundi pati sa pagkontrol ng bigat ng kamay." Saglit na ibinaba ni Frost ang kaniyang hawak nang kinutuban ito sa iniwika ng kaniyang ama. "A-ama, ano'ng ibig ninyong sabihin?" Hindi ito tumugon ay dumeretso ito papunta sa kinaluluguran ng target. At nang tuluyang makalapit ay kinuha nito ang mansanas. Kinagatan niya muna ito bago inilagay sa dibdib saka tumingin ng malalim sa anak. "Ama! Pakiusap! Hindi ko pa nasusubukan ang sinasabi niyo!" Sigaw nito nang may pag-aalala. "Nagtitiwala ako sa'yo, anak, at kailangan mo ring magtiwala sa sarili mo." "Pero Ama!" "Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" Pananakot nito. Malungkot na napailing si Frost at walang magawa kundi sundin ito. Ibinalik niya ang posisyon ng kaniyang armas at dahan-dahang hinila ang lubid kasama ng palaso. Hindi niya muna binitawan sapagkat nababagabag siya sa malakas na pagtibok ng kaniyang dibdib na halos siya'y mabingi. Hindi-- hindi ko kayang mawala si Ama lalo na mula sa aking mga kamay. "Anak, nangangawit na ako rito!" Dahil sa sobrang kaba ay 'di niya napansing nasobrahan siya sa pagkakahila. At nang siyaa'y matauhan ay binawasan niya ito. Ipinikit niya ang isa niyang mata at huminga ng malalim. Kaya mo 'to, Frost. At tuluyan na niyang binitawan ang lubid. Saktong pagbitaw niya ay bigla niyang napagpasiyahang hindi na niya dapat itinuloy, na kung mayroon lamang siyang koneksiyon sa tubig ay naglikha siya ng pader na gawa sa yelo upang prumotekta sa kaniyang ama. Napapikit ang kaniyang ama habang siya naman ay nanlaki ang mata habang pinapanood ang talim na lumipad ng diretso sa ere-- at sa kahuliha'y bigla itong bumaba sa lupa nang malapit na sa dapat na destinasyon-- kinapus ito ng pwersa. "Ama!" Napamulat ito ng mata at nabunutan ng hininga habang nasasaksihan ang pagpunta ni Frost sa kaniya. Sinalubong siya nito ng napakahigpit na yakap at luhang bahagyang bumasa sa kaniyang braso. "Ama!" Hagulgul nito sa kaniya. "Ano ba 'yang reaksiyon mo? Hindi ba dapat ako ang nakakaramdam ng takot at hindi ikaw?" Anito't tinugunan ng yakap. At sa pagbalot niya ng mga braso ay nakita niya ang kaniyang kamay na nanginginig. Gamit ang isang kamay na nanginginig din ay pinigilan nito upang hindi mapaghalataan. Sa pagkalas nila ng yakap ay bumagsak ang buong mansanas sa lupa at pareha naman silang napatingin rito. Nang mahinuhan niya ang katotohanan ay dismiyado itong tinignan si Frost, "Isa kang talunan." Anito't iniwan si Frost nang may marka ng kahihiyan. Wala namang nagawa si Frost kundi ay mapatulala't alalanin ang mga pangyayari. Nakaramdam siya ng panlalambot kaya naman ay nabitawan niya ang kaniyang hawak at bumagsak sa lupa. Nagsimula nang sumibol ang hangin. Hanggang sa nagpasiya siyang umuwi na rin. Walang gana nitong binuksan ang pinto ng maliit na estrakturang gawa sa mga nagpupulahang bricks at dumeretsong ibinagsak ang katawan sa upuan at ipinikit ang mata. "Frost, nandiyan ka na pala. Kamusta ang pagsasanay?" Tanong ng kaniyang ina na nasa kusina't nilalapag ang mga plato't kutsara sa hapag kainan. Pagkatapos ay dumako muna ito sa sala upang salubigin ang mag-ama. "Teka, nasaan ang iyong ama?" Nagpanggap na lamang si Frost na walang narinig at nanatiling nakapikit. At basa na ng kaniyang ina kung ano ang nangyari. "Naku, si Barien talaga, masyado nanamang prinepressure ang anak." Pagkasuya nito at bumalik sa kusina at kumuha ng mahabang kahoy upang sungkitin ang nakalambiting kaldero sa loob ng may kalakihang pugon at inilapag ito sa sahig. Sumalok ito ng kahoy na kutsara upang tikman at dinagdagan ng asin at paminta. Pagkatapos ay muli niya itong isinabit sa loob ng pugon. "Huwag ka na malungkot anak, paborito ninyo ang ulam na hinanda ko." "Hi po, tita!" Isang dalaga mula sa pintuan ang nanggulat sa mag-ina. Bigla naman itong nagtaka at napabulong dahil bukas ang pinto at lalabas ang init. "Winter, narito ka pala. Sakto masarap at marami ang hinanda kong pagkain." Pagbati nito't tinikman muli ang sabaw. At nang maayos na ang lasa ay hinain niya na ito. Napansin naman ni Winter ang kalagayan ni Frost at hindi man lang siya binati. Tinawag niya ito at tinabihan ngunit hindi pa rin siya pinansin nito. "Tita Ferra, ano po'ng nangyari kay Frost?" Sakto namang dumating si Barien. "Hay nako, itanong mo sa napakabait kong asawa." Sarkastikong tugon ni Ferra. "Inarte lang 'yan. Hindi ka ba nahiya sa crush mo, Frost?" Pagdipensa naman ni Barien habang diretso lamang dumaan papuntang kusina upang salubungin ng yakap ang asawa. Namula naman si Frost sa narinig kaya napilitan itong ayusin ang pagkakaupo at magreklamo, "Ama?" Napabungisngis naman si Winter sa narinig, pati ang kaniyang ina. "Winter, 'wag ka nagpapaniwala kay Ama." Dipensa nito sa kahihiyan. "Torpe!" Muling singit ni Barien habang tinitikman ang luto ng asawa. "Hmm... Ang sarap nito, Mahal." Sinampal naman siya nito ng mahina, "Bola-bola ka diyan, 'yung anak mo! Ano nanamang pinaggagawa mo?" Sermon nito. Hindi nakasagot si Barien at inilipat na lamang ang paksa, "Halina kayong mag-piyanse at kakain na tayo." Napabuntong hininga na lamang si Frost sa pang-aasar ng kaniyang tatay. Hinawakan naman ni Winter ang kaniyang kamay, "Tara na, bago pa muling bumanat ang iyong ama." Biro nito. At sumunod na rin sila sa hapag kainan. Sumapit ang malalim na gabi nang bumangon si Frost sa kaniyang higaan at maingat na sumilip sa kwarto ng kaniyang magulang. Wala ang kaniyang ama habang malalim namang natutulog ang kaniyang ina. Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay. Maliban sa buwan ay tanging ang torch lamang na hawak ni Frost ang gumagabay liwanag sa kagubatang kaniyang linalakaran. At pagkaraan ng ilang minuto ay nakatanaw siya ng grupo ng mga bilog na apoy-- walang kaduda-dudang ang mga may hawak ng torch na kaniyang nakita ang kaniyang destinasyon. Habang palapit nang palapit ay naririnig niya ang tunog ng pagtalsik ng mga tubig at tunog ng mga yello, pati na rin ang malalim na paghinga ng dalawang taong nagsusunggaban at pag sigaw nito sa pwersa. "Ang nagwagi-- Winter Woods." Rinig niya ang boses ng kaniyang ama habang nagsigawan naman sa kasiyahan ang mga manonood. Nang tuluyan nang nakalapit ay huminto siya at tinignan ang babaeng nakatayo sa tapat ng nakatumbang lalaki na pinapaligiran ng mga kapwa kabataan. Napansin naman nito ang kaniyang presensya kaya lumapit ito sa sa kaniya. "Frost! Sayang, hindi mo naabutan ang buong pangyayari!" Anito at napayakap sa kaniya. Hindi siya nakagalaw at nag-init ang kaniyang pisngi dahil sa init ng katawan na pumulupot sa kaniya. Hindi nila napansin ang tagal ng pananatili nila sa pusisyon. "Frost." Biglang napabitaw si Winter sa pagkayakap nang sila ay dinistorbo ni Barein na ngayo'y papalapit sa kanila. Pareho silang napahakbang palayo at napaiwas ng tingin sa isa't isa dahil sa pagkaka-ilangan. "Ikaw na ang sunod." Anito sa anak nang tuluyang nakalapit at inabutan ng palaso at pana. *** Frost Mark

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Revenge On The Rejected Alpha

read
23.4K
bc

Saving the Hybrid's Past

read
243.4K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Descendants Of The Moon Goddess

read
100.1K
bc

Wolfe's Blind Moon

read
83.2K
bc

Her Forbidden Mate

read
42.2K
bc

The One True Alpha

read
13.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook