CHAPTER 3 - THE DEAL

1523 Words
It was Monday at nagmamadali siyang umalis ng bahay nila, may mga visitor daw sila na galing sa district kaya need nilang maagang pumasok para magpa-impress, so she wore her best uniform and tied her hair in a ponytail. Napangiti siya nang makita ang kabuuang reflection niya sa salamin. She looks beautiful in her pink uniform, sexy and captivating. Well, she's only sixteen but she has curves in the right places. Dalagang-dalaga na siyang tingnan; madami nga na ang nagkakagusto sa kanya sa labas at loob ng campus but her eyes is only set for one man, at iyon ay si Dusk. Speaking of that man, naisip niya kung bakit parang weird ito kagabi. She can sense na hindi ito nagbibiro nang sabihin nito na kalimutan na nila ang lahat. Napailing siya. As if naman pwede niyang gawin iyon. She shook her head again as she grabbed her things, then she picked up the two long green folders na naglalaman ng reaction paper ni Dusk sa English at assignments nito sa Science. Mabilis na lumabas si Ashley ng kanyang kwarto at binaba ang hagdan at agad na tinungo ang kusina para magpaalam sa kanyang magulang na kasalukuyang nagkakape. Napalingon si Jasmin nang marinig ang yabag ng anak. "Hindi ka magbre-breakfast Princess?" tanong ng kanyang mama na ngayon ay umiinom ng kape. "Oo nga naman, Princess. Don’t skip your breakfast, baka magkasakit ka, anak," dagdag na sabi pa ng Papa niya. Agad na nilapitan ni Ashley ang kanyang ama. She looped her arms around his neck. "No, Papa. Sobrang late na ako ‘pag nagkataon," nakangiti niyang sabi sabay halik sa mga pisngi nila. "Sa cafeteria na lang po kami nina Dawn at Abby kakain. May visitors kami kasi, ‘Ma, today. We need to impress them kaya dapat maaga kaming pumasok," paliwanag niya saka humalik sa pisngi ni Jasmin. "Sige, but be sure to eat something healthy," paalala ng Mama niya. "Oho. I need to go na, ‘Pa ‘Ma," wika niya uli at agad na umalis sa kusina at tinungo ang driveway sa may labas. Abby and Dawn texted her na dadaaanan na lang siya ng mga ito. School is only ten to fifteen minutes’ drive. She was waiting for Abby and Dawn when a motorbike past her. Napakunot ang kanyang noo nang mapansin ang rider. "Dusk…" ipit niyang sambit nang mapansin na biglang tumigil ito at nilingon siya. Hindi niya makita ang mukha nito.dahil naka-helmet but she was so sure na si Dusk iyon. Her heart beats fast ng mapagtanto na si Dusk iyon. Akala niya ba ipapadala ito ng magulang sa orphanage? Then she saw a red BMW car, napangti siya ng tumigil ito sa harapan niya at lumabas si Kuya Kurt, ang driver nila Dawn. Agad na pumasok si Ashley sa backseat nang buksan ito ni Kurt. "You look beautiful, Ashy," nakangiting sabi ni Abby. "You look beautiful, too," balik na sabi niya kay Abby samantalang napataas ang kilay niya nang makitang nakasimangot si Dawn. "What’s with the face? Monday na Monday, eh Holy Friday ang dating ng face mo," pabiro niyang wika. "Masarap ba ang first kiss?" Gusto niyang matawa sa reaction ng dalawa. "How do you know? Eh, nowhere to be found ka! Don't tell me Dusk told you," sabi ni Dawn na nakasalubong ang kilay. "Yes, he did," she said plainly and leaned on the car seat. "Tsismoso talaga iyon," inis na sabi ni Dawn na ikinatawa nila ni Abby. "Don't worry, ako lang naman ang sinabihan niya." "Whatever," rinig niyang sabi Ni Dawn. Maya-maya pa’y narating na nila ang school. Nalaman na niya lang nang tumigil ang kotse. Bumaba silang tatlo at pinasalamatan nila si Kuya Kurt. Nagmadali silang pumasok ng gate dahil magsisimula na ang flag ceremony. Agad silang nagpunta ang kani-kaniyang pwesto, at dahil sophomore pa lang si Abby ay hiwalay ang line nito sa kanila. Pagkatapos ng flag ceremony ay pumasok na siya sa room nila na mag-isa dahil may community service si Dawn, parusa nito sa pagbugbog kay Calvin. Ashley is expecting to see Dusk. dahil magkatabi sila ng upuan but she was stunt to see him sitted at the back, at katabi pa nito ang super malandi nilang campus queen nilang si Vivian. Nagkasalubong ang kanyang kilay nang mapansin na matalim ang titig nito sa kanya. Is he avoiding her? Iyon ang tanong na nasa isip niya. Galit ba ito sa kanya because of what she said last night? Napailing siya at sinisi ang sarili, narinig niya ang mahinang pagtawa ni Vivian at ang malanding boses nito. "Talaga, babe? Lalabas tayo sa weekend?" malambing na sabi ni Vivian. "Yes, so wear your best dress," rinig niyang sabi ni Dusk. Her heart ached; gusto niyang lumingon pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Kumirikot man ang kanyang puso at parang binibiyak sa hapdi ngunit.wala siyang karapatan upang magselos. She can hear their sweet murmurs that made her heart wounded furthermore. Gusto na niyang maiyak, nagpasalamat siyang dumating na ang kanilang teacher kaya na divert ang kanyang attention. Tumayo silang lahat upang batiin ang kanilang teacher. "Good morning, Ms. Sanchez," bati nila. "Good morning too, class! Please sit down and pass your reaction paper in front. Ms. Araneta, kindly gather all the reaction paper," utos ng teacher nila na nagpatayo sa kanya. "Yes, Ma’am," magalang niyang sagot at paisa-isang kinuha ang reaction paper ng mga classmate niya. Napamura siya sa loob-loob dahil hindi niya na tuloy naiwasan na lapitan sina Dusk at Vivian. "Let me remind you all, today is the deadline. No reaction paper, no grade, no attendance," madiing sabi ni Ms. Sanchez na dinig na dinig. "Are we clear?" "Yes, ma’am," sabay-sabay na sagot nila. Kasabay ng pagkaba ay nangangatog ang kanyang tuhod habang naglalakad papunta kina Dusk at Vivian. "Here," sabi ni Vivian sa kanya habang inabot nito sa kanya ang reaction paper nito. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang kamay ng dalawa na magkahawak maging ang pagbulong bulong ni Dusk. Ni hindi ito nag-angat ng tingin sa kanya. He was acting as if he doesn't know her, and invisible siya. Nasaktan siya sa inakto ng binata kaya mabilis siyang tumalikod pagkatapos kunin ang reaction paper ni Vivian. Sa di malamang kadahilanan, hindi niya pinasa ang reaction paper na ginawa niya para kay Dusk. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili hanggang matapos ang kanilang klase. Nagmamadali siyang lumabas sa kanilang room. Pagkatapos ng English class niya at agad na tumungo sa susunod niyang klase ang algebra. Sabog ang isip ni Ashley, nakayuko siyang naglalakad upang itago ang panunubig ng kanyang mata. Ang sakit, sobrang sakit ang kanyang nadarama kaya hindi niya napansin na mababangga niya ang isang bulto. "Oph, careful," sabi nito habang hawak-hawak ang balikat niya. "Sorry," sabi niya at inangat ang paningin. There she saw two beautiful chocolate eyes. Nakangiti ito sa kanya. Ngumiti din siya nang pilit. "Sorry, Daniel, ha." paumanhing niyang wika. "So, you know my name," nakangiting sabi nito. "Akala ko kasi si Dusk lang ang kilala mo.” "Oo naman, classmate kita eh. Saka anak ka ng founder ng school," depensa niyang sabi saka ngumiti. Pero sa pagkakataong ito, it was a genuine smile. "Nice to hear that," nakangiting sabi nito. Si Daniel ay anak ng may ari ng eskwelahan nila at isa sa din heartthrob ng campus. Siyempre, mas guwapo at popular si Dusk kaysa rito. "Gano’n? Hey, okay ka lang?" tanong nito, napansin yata ang panunubig ng kanyang mata. "Yes, masakit lang ang ngipin ko, thanks, " pagsisinungaling niyang sabi. "Gusto mong samahan kita sa clinic?" "No, hindi na. Uminom na ako ng gamut," sagot niya. "Pasok na tayo sa room, baka nandoon na si Sir Lance." Magkasabay silang pumasok ni Daniel sa Algebra room.nila. As usual nasa back row umupo si Dusk, katabi nito si Vivian. Umupo si Ashley sa harap; nagulat siya na umupo sa tabi niya si Daniel. "Hope the seat is not taken," sabi pa nito. "No, actually walang nakaupo diyan," bulong niyang sabi. "So, seatmates na tayo from now on,"pabulong din na sabi ni Daniel. Naging okay ang takbo ng araw ni Ashley kahit wala si Dawn at hindi siya pinapansin ni Dusk. Nandiyan naman si Daniel para patawanin siya. Hindi niya alam but she likes his company. At nang yayain siya nitong kumain sa canteen ay pumayag siya. Wala naman sigurong masama ‘pag may nakakita sa kanila. Samantalang nagliliyab sa galit ang mata ni Dusk habang nakatanaw kina Daniel at Ashley. "Should I get your big bike now?" pang-aasar na sabi ni Xander sa kanyang pinsan. "Look, she had found a new friend." "And I bet hindi ka na importante kay Ashley," pasegundang sabi ni Calvin. "Talo ka na sa pustahan." "Anong talo, hindi pa tapos ang palugit ko. I can make her my girl, believe me. Ashley is helplessly in love with me. She will be my girl before the weekends," diing sabi ni Dusk. "Gano’n ka ka-confident, dude?" nangising sabi ni Calvin. "Oo naman, so ready your cash and car dahil mananalo ako. Ashley will.be mine," Dusk said with finality
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD