PANGIT, baluga, at kulot salot ang tukso ni Jm kay Arci mula pagkabata. Lumaki silang aso't pusa, walang pagkakataon na naging magkasundo.
Hindi nga alam ni Arci kung bakit ganoon nalang si Jm sa kaniya.
alam niya naman na pangit siya. Sino ba naman kasi ang magagandahan sa kaniya? Ang mukha niya napakaraming tigyawat, sabog ang kaniyang kilay, isama pa ang kulot na kulot niyang buhok at ang may kalakihan niyang mata. Pangit nga naman talaga siya--- ang masama lang pinagsisigawan pa ni Jm.
Malaking galit ang namuhay sa puso ni Arci para sa binata. Sa murang edad pinangako niya sa sariling gaganda rin siya at matutupad ang nais ng puso niyang maging isang magaling na fashion designer.
Ginawa ni Arci ang lahat; nagsikap siya, nag-aral, at nangarap. Pansamantala niyang kinalimutan ang sama ng loob na namuhay sa puso niya para kay Jm.
Ilang taon pa ang lumipas ang dating; pangit, baluga, at kulot ngayon ay ibang-iba na. Mabilis siyang nakilala sa industriya ng karerang ninais niya. Sa muling sandali nag-krus ang landas nila ng binata sa hindi inaasahang pagkakataon engage na ito sa kapatid niya sa ina.
Paano na ang paghihigante ni Arci?
Magagawa niya bang saktan ang kapatid na nagmahal sa kaniya?
Maiiwasan niya ba si Jm kung ang bawat tingin nito nagbibigay ng tuwa sa puso niya?
"Pangit! Baluga! Kulot ka! Pero alam mo bang noon pa minahal na kita."