Chapter 4

1641 Words
"Saktan mo ako." Wika ko kay Star na halatang nagulat sa sinabi ko. "I-i-i can't hur-" "If you don't, I-no, we will be doomed." "Ikaw. Alam kong bago ka lang dito pero huwag mong sasabihin ang nasasaksihan mo. If you f*****g open your mouth, I'll rip that." Banta ko sa matangkad na lalaki ngunit nginisian niya lamang ako. "What kind of rip is that? I want it rough." Malandi niyang wika. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang pintuan na para itong binubuksan. "Damn it. We don't have a choice. Tumayo ka, bilis." Sabi ko kay Star na agad ding tumayo. "Pretend that you're still weak just like before." Sambit ko habang pinoposas siya. Kumuha ako ng kaniyang dugo sa lapag at ipinahid ito sa likuran niya. Pinahiran ko rin ang labi niya at kamay kaya nagmukha na itong sugat. "Tala!" Tawag ulit ni Mace sa labas. "You can use your power right? Use it- I mean, just make some smoke." "I-i-i still can't control it." Nakayuko niyang wika kaya ako nagpakawala ng malalim na paghinga. "Ok. Hold this." Pag abot ko sakaniya ng aking punyal. "You. Come here." Tawag ko sa matangkad na lalaki. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla itong nasira dahilan ng pag atras namin. "Tala. What the f**k is going on?" Bungad niya saakin. Napatingin siya sa kamay ko na puro dugo kaya niya agad binaling ang atensyon kay Star. "Did he attack you again?" "This f*****g-" "No. I can take care of myself, Mace." Pigil ko sakaniya na pasugod na. "Why is he holding your dagger?" "He and I fought earlier. He's such a weak and naive boy that's why I gave him my dagger." "Tapos? Paano kung gamitin niya nanaman ang kapangyarihan niya? Kalaban siya, Tala." "Yeah. That was a d**k move." Tamad kong sagot atsaka nilapitan si Star. "This boy? He's such a douche." Aniko atsaka kinuha ang punyal sakaniya. "See? He's still weak." Sambit ko. Si Star naman ay nagkunwaring hinang hina pa rin kaya ako napangiti sa loob ko. "Good. Because Lord want him dead." Wika niya kaya ako parang nabingi. "Now? As in right now?" "Yeah. That's why I'm looking for you because we have some urgent gathering." . "My lord. He said he wanted to be like us. He wants to protect our kind because he is also seeking for freedom." "But he has a damn power." Galit at pasigaw nilang sabi kaya ako napayuko. "I will take a full responsibility if he betray us, my lord. I will make him suffer and pay for what he've done and as what you have said, I'll replace his place." Nakayuko kong sagot kaya hindi sila agad nakapagsalita. "What are you doing, Tala?" Madiin ngunit pabulong na tanong ni Mace sa tabi ko. "That's his damn reason, Mace. If he betray us, I myself, will kill that boy." Sagot ko. "Why are you doing this?" Tanong nila ng may kakaibang tono. "Because I just realized that he could help us to find more pure blooded vampires, my lord. His ability might help us to find a double or even a triple to what you wants us to give you, my lord." Aniko ngunit hindi sila ulit nakasagot agad. "I agree with what Tala have said, my lord. That boy might help us to find more like us, my lord." Wika ni Mace kaya ako bahagyang nagulat. Biglang nag-usap sila Miss Drusilla kaya ako bahagyang napatingin kay Star na nakaposas ang dalawang kamay at paa habang nakatakip ang mga mata gamit ang pulang tela. "Bakit hindi mo sinabi saakin ang naisip mo? I'm your partner, Tala." "Oww. Now you know what is the feeling." Sambit ko atsaka siya nginisian. "It's not like- I'm sorry." Inirapan ko na lang siya atsaka nakinig kay ama. "Ibalik niyo na iyan." Utos nila kaya umalis na sila Star. "I will let him live, for now. Pero sa pagdating niyo rito'y ang gusto ko ay ikaw mismo ang kikitil sa buhay ng batang iyon. Nagkakaintindihan ba tayo?" "But if you don't want, then I will let him kill that boy right now." Anila atsaka tinignan ang matangkad na lalaki na diretso ang tingin katulad ni Mace. "I will do it, my lord." Nakayuko ko ulit na sagot. "Mace. If that boy do something you know I will not like, you know what to do. You will lead them, alright? You have the responsibility." Wika nila kay Mace kaya siya bahagyang tumango. "I'll give you the power to command. So, both of you, obey your leader." Sabi nila saamin kaya ako tumango kahit naiinis. It's unfair to me, as their own daughter, for not trusting me a hundred percent. Pagkatapos nila'y umalis na kami. Si Mace ay nagpunta sa bukana ng kastilyo dahil sa inuutos ni ama, ako naman ay dumiretso sa kulungan ni Star nang hindi nila napapansin. "Sa tingin mo ba'y patuturukan ulit siya?" Tanong ng nakaputi na nag aasikaso sa mga pinag e-eksperimentohan sa kaniyang kasama. "Kung mawala na ang bisa ng pang siyamnaput-anim na turok natin sakaniya'y.... tsk, tuturukan ulit natin siya." Sagot niya habang may paturo-turo pa sakaniyang kasama. "Siyamnaput-anim? What the f**k? Is that creature a pig?" Bulong ko saaking sarili. "Come. Let's get in there. Baka gamitan niya pa tayo ng kapangyarihan niya." Ani ng isa kaya ako naalerto. Nagmadali akong maghanap ng mapapasukan kong silid upang magtago. Pagpasok ko sa madilim at malamig na silid ay saka ako nakahinga ng maluwag. Napatingin ako sa mga nakaputi na pumasok sa kwarto kung nasaan si Star. Nakita ko pa kung paano siya magwala bago siya turukan ng may makinang na likido sa leeg. Makalipas ang ilang segundo'y agad siyang nawalan ng malay kaya't umalis na ang dalawa. Naagaw ng atensyon ko ang kumikislap na bagay kaya ko binuksan ang ilaw nang mapindot ko ang pagdilim ng bintana. "Holy- Damn..." Sa gitna ay mayroong higaan katulad ng ibang silid ngunit mayron itong mga mahahabang karayom na nakadikit sa mga metal na kumokonekta sa mga ito at makina na hindi ko alam kung para saan. Sa gawing kaliwa ko'y nandoon ang lalagyan na may takip na babasagin. Ang nasa loob nito'y tatlong garapon na may lamang tag isang bilog na kulay kahel na kumikinang. Bumalik ulit ang atensyon ko sa kumikislap na bagay. "A switch button?" Wala sa sarili kong tanong nang malapitan ito. Kumikislap ito ng pula at mamamatay hanggang sa paulit ulit ito. Kumuha ako ng nakita kong gloves atsaka iyon pinindot upang hindi mag iwan ng marka. Napatalon ako ng bahagya nang makarinig ng tunog ng kuryente. Pinindot ko ulit ito at nakita kung paano gumuhit ang parang kidlat sa gitna kung nasaan ang higaan. Nanggagaling ang kuryente sa kisame at tumatama sa limang metal stick na nakapalibot sa higaan. Kung sino man ang pinag e-eksperimentohan nila dito'y naaawa ako sakaniya. Bakit siya kinukuryente? Hindi ba siya mamamatay sa ganito kalakas na boltahe? Pagkalabas ko sa silid ay namilog ang mga mata ko nang makita ang aking napasukan. Ito ang isa sa kwartong pinag babawalan kaming pumasok. Napatingin ako sa katapat nito. I wonder what's inside this room also. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso nang marinig ang tunog ng pintuan. Wala na akong nagawa kundi bumalik sa loob ng pinag taguan ko kanina. Nakita ko si ama at Mace na naguusap habang nasa pinto. Pinilit ko namang tignan ang nasa loob at ang tanging nakita ko'y nilalang na may mahabang buhok na kulay puti na nakahiga sa higaan. "...their memory." Pagbasa ko sa bibig ni ama. Ang iba'y hindi ko na maintindihan dahil parang ibang salita ito. "What's he doing there? Akala ko ba'y nasa bukana siya ng kastilyo? And who is that creature?" . "Star?" Mahinang tawag ko pagpasok ko. "Hey. Ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit ngunit wala pa rin siyang malay. "f**k. Ano ba ang tinurok sakaniya?" Naupo ako sa may sulok at tinitigan lamang siya. Hindi ko alam kung bakit sa pagtitig ko lamang sakaniya'y gumagaan ang pakiramdam ko. Is he using some magic to me? But it's impossible. Wala siyang malay. Ano kaya ang mayron sakaniya? Agad akong napatingin nang pumasok ang matangkad na lalaki. Nagkasalubong pa ang paningin namin ngunit nagkibit balikat siya atsaka lumabas. "What the hell? Baliw ba siya?" Ilang minuto ko pa siyang tinitigan hanggang sa lumabas na ako't bumungad saakin si Mace. "What are you doing there?" "Nothing." Tipid kong sagot at naglakad palayo. "We're leaving, at dawn." "Bakit parang ang bilis?" "Ang kakaunti na natin. Lord wants us to leave and come back as soon as possible." "Why? Is there a war?" "Others are making their move. We should be ready." Aniya kaya ako kunot noong humarap. "What do you mean?" "Ang grupo nila Helena at Yra ay nasaksihan at narinig ang mga ginagawa ng kalaban. Sila Rux at Rita naman ay ganon din ang sinabi." May dalawang grupong ginawa si Mace- ang grupo nila Helena at Yra na tungkulin ang silangan at timog na parte, sila Rux at Rita naman ay sa kanluran at hilaga. "Tayo nanaman ang susugurin?" "Ngunit, nakaraang taon lang yata noong nakipag laban tayo sa Emperyo ng Wintrayada?" Dagdag ko. "Oo. Pero isipin mo noong nagpunta ka sa Emperyo ng Quindoma. Hindi ba't bigla silang dumami na naghahabol saatin?" Aniya nang makalabas na kami. "It just mean that they were expecting or let's just say that they're prepairing for a battle. Pero nagkataong nakita nila tayo kaya't hindi na sila nahirapang magtawag pa ng kasama nila, kung sakaling nagpunta tayo doon para sumugod." "Did you get my point?" Tanong niya. "Yes." Pagsisinungaling ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko sa loob ng kwartong iyon, pati ang silid na pinasukan nila ni ama at ang tungkol sa alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD