CHAPTER 23 JACK's POV: PAKIRAMDAM ko ay tama nga ang aking naiisip. Baka nga yung dating sekretarya ni papa ang siyang nagsumpa sa akin na mapunta sa katawan ni Ms. Santilla. Naging mainit ang pagtatalo namin kagabi noong nagkaroon siya ng pagkakamali sa naging trabaho niya na humantong sa pagtatanggal ko sa kanya bilang sekretarya. Kaya nang sumagi siya sa isip ko ay kaagad kong hinawakan ang kamay ni Ms. Santilla para pumunta kami ng Kompanya nang sa gano'n ay makuha ko ang impormasyon ng babaeng 'yon. Alam kong meron pang nakatagong files tungkol sa pagkatao no'n at 'yon ang dapat kong kunin para malaman kung taga saan itong lugar. "Saan ba tayo pupunta at bigla ka na lamang nanghahatak dyan, Mr. Fuentez? Huwag mong sabihin sa akin na itatanan mo ako?" singhal ni Rose na iba yata an