CHAPTER 29 ROSE's POV: BUMABA na kami ni Jack para harapin ang kanyang ama at ang kapatid. Ngayon na pala kami mag-uusap tungkol sa kasalan na magaganap. And Jack told me na pakatapos nang pag-uusap na ito ay kami namang dalawa ang mag-uusap sa mga bagay na dapat naming gawin para sa ikabubuti naming dalawa. Ewan ko ba sa binatang 'yan, kung makapagsalita nang 'para sa ikabubuti' ay hindi niya nga magawa. Napupunta sa ikasasama ng dignidad ko ang kinikilos niya. "Akalain mo nga naman, kaya pala gano'n na lamang ang pigil mo sa akin noon na mapalapit ako kay Ms. Santilla ay dahil gusto mong ikaw ang maunang makatikim sa kanya... Masyado ka talagang pabibo Jack," bigkas ni Alfred na siyang kapatid ni Mr. Fuentez. Magkatabi kami ngayon dahil ang akala niya ay ako nga itong si Jack dah