CHAPTER 16 JACK's POV: INAYOS ko na ang sarili ko. Tumungo na ako sa banyo dahil gusto ko na kaagad na maayos ang gusot na ito. Kapag pinatagal ko pa kasi ang balita ay baka magsi-alisan ang mga investors ko sa negosyo. Ako rin kasi ang magiging kawawa sa huli kapag hinayaan kong kumalat ang maling impormasyon na ibinabalita sa media. Kaya lang habang naliligo ako ay hindi ko mapigilan na mapalunok ng laway dahil sa matambok na papaya ni Rose. Nakita ko na kanina ang buong katawan nito na walang saplot simula nung magising ako. Pero iba rin talaga kapag hinahawakan mo na para sabunin ito. Ngayon lang ako nakakita ng katawan ng babae at nahahawakan ko pa. Ewan ko ba pero dahil dito ay tila nalibang ang aking isipan at nawala nang bahagya ang problemang iniisip ko kanina. Napangiti ak