“Dad nandito na po sila tito Wawie.” Sigaw ng anak ni Joshua na si Abcdef.
“Sige nak papunatahin mo na siya sa sala, makipagkwentuhan ka muna sa kanila.” Sagot ni Joshua
“Tito, dito raw muna kayo sa sala, usap muna tayo busy pa po kasi sila mama April at papa Joshua sa food niyo ee” yaya ni Abcdef sa dalawa.
Ngayong araw ang pagkikita ng mga magkakaibigang sina April, Joshua, Owen, Wawie at Jenill. May anak na din si Jenill at Owen habang si April naman at Joshua ang nagkatuluyan. Si Wawie mas piniling mambabae nalang kaysa magpatali, sakit lan daw ito sa ulo.
“Oh himala pre an gaga mo, nasaan ang anak mo?” tanong ni Joshua nang makita ang kaibigan niyang si Wawie.
“Syempre miss kona kayo ee. Wala pa akong anak pre single pa ako.” Tugon ni Wawie
Magkasunod na dumating sina Owen at Jenill bitbit ang kanilang mga anak na siyang ikiatuwa ng lahat dahil kumpleto na sila.
“Monica sofia?” banggit ni Abcdef matapos makita ang anak ni Owen
“Abcdef?” tugon nito
“Teka, magkakilala kayo?” pagtatakang tanong ni April.
“Opo mama, siya po yung sinasabi ko pong schoolmate ko na crush ko hihihi.” Pabulong ni Abcdef sa nanay.
Napatawa nalang si April sa binulong ng kanyang anak. Kaya dinala na nila ito sa kanyang kwarto para magbihis.
“Oh Pareng Jenill, andyan na pala kayo pasok kayo” yaya ni Joshua
“Mga pare, anak ko nga pala si Plor. 6 years old.” Pakilala ni Jenill sa kanyang anak sa mga kaibigan.
“Oh? Magkakaage lang pala mga anak natin tiyak na makakasundo agad siya nung dalawa.” Tugon ni Owen.
Dinala na muna ni Owen at Jenill sa kwarto ni Abcdef para maglaro habang sila ay magkwekwentuhan muna.
Sa kwarto ni Abcdef, nagpag-usapan nila ni Monica ang mangyayaring camping nila, kaya nakaisip sila nang plano na mapapayag ang kanilang mga magulang na umoo dahil panigurado ay hindi sila nito papayagan.
Lumabas ng kwarto ang magkakaibigan at kumalong sa mga magulang na nag-uusap sumingit sa usapan.
“Amm dad, magkakaroon po kami ng camping nila Abcdef sa Libuyan kasama naman po naming teachers namin at mga classmates. Kaya dadi, tito, payaga niyo na po kami pleeaassseeeee.” Paalam ni Monica sa kanyang ama at kay Joshua.
Nagkatinginan sila dahil ito ang lugar kung saan ang lokasyon ng probinsya nila Jenill, nagdadalawang-isip sila sa paalam ng mga anak.
“Sige na payagan niyo na mga pre, iorrient niyo nalang mga anak niyo sa mga natutuhan niyo sa tita ni April para hindi sila mapano dun. Atsaka kasama naman nila teachers nila” pangungumbinsi ni Wawie sabay kindat sa mga bata.
“Sige na nga. Basta may mga paalala ako sa inyo bago kayo umalis at huwag na huwag niyong kalilimutan.” Pagpayag ni Joshua
“Pumapayag na rin ako. Ganun din ang usapan natin Monica ha.” Ani ni Owen