KABANATA V: NAWAWALANG GAMIT

1290 Words
Naghanda ang lahat dahil matapos ang tanghalian ay ipapasyal sila ni Jenill sa kanilang taniman dalawang kilometro ang layo sa kanilang bahay dahil ito ang kanyang pinupuntahan noong siya ay bata pa. Isa-isa na silang nagsiliguan at nag-ayos ng sarili. Iisa lang kasi ang palikuran sa bahay kaya sunod-sunod na lamang silang naligo. Nauna na si April dahil siya lamang ang pinakamatagal maligo sa kanilang lahat. “April, matagal ka pa ba dyan? Mag-iisang oras kana dyan oh. Madami pa kaming susunod” pagrereklamo ni Jenill na susunod nang maliligo. “Eto na nagbabanlaw na.” sagot ni April. Lumabas na nga si April na may ngiti sa labi na tila ngayon lang ulit nakaligo matapos ang isang taon. Kanina pa kasi siya init na init dahil walang aircon ang kwarto nila dahil ayaw ng tita niya dahil ngayon nalang ulit sila makalalanghap ng mas masarap at sariwang hangin. Sunod-sunod nang natapos ang lahat sa kanilang paggagayak at matapos nilang mananghalian ay tinungo na nila ang una nilang destinasyon sa probinsya nila Jenill – ang malawak na taniman nila Jenill ng mais. “Maglalakad nanaman tayo guys? Malayo nanaman ba?” iritang tanong ni April. “Aba syempre, diba iniwan natin yung sasakyan ntin sa labas. Malamang maglalakad tayo. Alangan buhatin ka namin. Kung ayaw mo sumama, maiwan ka nalang dito sa bahay. ” pamimilosopong sagot ni Owen “Heto na maglalakad na po” tugon ni April. Wala na ngang nagawa si April, kaysa maiwan siya sa nakakikilabot na bahay ay titiisin na lang niya ang init at pagod sa paglalakad. Sa mahigit dalawang oras na paglalakad ay narating na nila ang taniman nila Jenill. Manghang-mangha sila sa lawak ng taniman ngunit medyo tigang na lupa nito dahil panahon na ng tag-init. Labis ang pagal ng lahat dahil sa paglalakad sa silong ni haring araw. Makalipas ang ilang saglit ay may lumapit na matanda sa kanila at binati si Jenill. Ito pala ang tagabantay ng pamilya nila Jenill sa taniman. “Magandang hapon Mang Paeng” bati ni Jenill “Magandang hapon din po Sir Jenill. Buti naisipan niyo pong dumalaw dito sa taniman” pabalik na bati ni Mang Paeng. “Binisita po kasi naming yung bahay pati na rin itong taniman, miss kona kasi itong tambayan ko ee. Nga pala, sila pala ang mga kaibigan ko. Si Wawie, Joshua, Owen, April, at ang tita ni April. Guys eto nga pala ang pinakamasipag naming tagabantay-bukid na si Mang Paeng” pakilala ni Jenill kay Mang Paeng sa kanyang mga kaibigan. “Magandang hapon po” bati ni Mang Paeng sa magkakaibigan. “Magandang hapon din po” bati ng magkakaibigan. Dinala sila ni Mang Paeng sa kanilang bahay para sandaling makapagpahinga. Hinandaan sila ng mga prutas tulad ng mangga at kaymito kasama ang isang malamig na tubig. “Mang Paeng nasaan po ang asawa niyo?” pang-uusisa ni April nang makita niya ang larawan ng pamilya nila Mang Paeng na nakasabit sa dinging ng kanyang bahay “Ah. Wala na iniwan na nila ako ng mga anak ko. Hirap kasi ng buhay dito ayaw ko naman na iwan ang taniman dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila sir Jenill dahil ito ang bumuhay sa akin sa loob ng tatlong dekada.” Sagot ni Mang Paeng. Pinagkakabalahan nalang ni Mang Paeng ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa kanilang bakuran. May mga tanim din siyang mga halamang gamut dahil talamak nga sa kanilang lugar ang bati, kulam, at barang kaya sa kanya nanghihingi ng mga halamang gamot ang kanyang mga malalayong kapit-bahay. Maganda rin ang lokasyon ng kanyang bahay. Maraming puno ang nakapaligid dito kaya sariwang-sariwa ang hangin at hindi pa mainit kapag tanghali. Ilang metro lang din ang layo nito sa taniman kaya tanaw na tanaw na nito ang taniman paglabas pa lamang ng bahay. Magaalas-kwarto na nang mapagdesisyunan nilang umuwi dahil palubog narin ang araw at hindi na mainit. Mahirap nang maabutan ng dilim sa daan at baka kung anong elemento nanaman ang sumama sa kanila. “Mang Paeng, mauna napo kami at baka maabutan kami ng dilim sa daan, delikado po. Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa amin.” Paalam ni Jenill kay Mang Paeng. “Mag-ingat kayo sa daan sir Jenill. Huwag kayong masyadong maingay sa daan baka makagambala kayo.” Paalala ni Mang Paeng “Mang Paeng nanakot pa, Hindi na uso yan ngayon. O sya, mauna nap o kami” tugon ni Jenill “Bye Mang Paeng. Salamat po ng marami” paalam ng magkakaibigan Tahimik nilang tinahak ang daan pauwi sa bahay nila Jenill at wala naman silang naramdamang kakaiba dahil kanya kanya na silang mundo habang naglalakad. Sinunod nalang nila ang payo ni Mang Paeng dahil sabi nila wala naman mawawala kung susunod nalang sila. Bandang alas-siyete ng gabi nang makarating na sila sa bahay nila Jenill. Kanya-kanya nang pwesto sa sala ang lahat dahil pagod sa paglalakad. Kanya-kanyang bukas ng kani-kanilang cellphone para mag-update sa kanilang accounts. Nang makapagpagpahinga na si Owen, minabuti nalang niyang maligo muna para maalis ang kati sa katawan. Pagdating niya sa kwarto ay agad niyang binuksan ang kanyang maleta para kumuha ng damit. Napansin niya na tila may nawawala sa kanyang mga gamit – ang kanyang pabangong regalo sa kanyang ina at ang paborito niyang damit. Paulit-ulit niyang nilabas-pasok ang kanyang mga gamit sa kanyang maleta pero wala parin talaga ang kanyang hinahanap. Kaya pinuntahan niya ang kanyang mga kasama kung nakita nila ang kanyang pabango at damit. “Guys, parang awa niyo na. Huwag niyo naman ako iprank. Mahalaga sa akin ang yung mga nawala kaya ilabas niyo na.” atungal ni Owen sa mga kasama. “Anong pinagsasabi mo? Magkasama tayo maghapon diba? Sino naman magtatangka kumuha nun ee lahat ng gamit mo may pangalan mo.” Sagot naman ni Joshua. “Baka kinuha naman ng tita mo April.” Pagbibintang ni Owen. “Wag ka nga maingay dyan baka marinig ka. Ano naman gagawin ng tita ni April sa gamit mo ee panlalaki yun.” Sagot ni Wawie “Kaya nga, ee kasama din natin siya sa taniman di ba? Tsaka hindi malikot kamay ng tita ko” depensa ni April sa kanyang tita. “Baka namisplace mo lang pre. Andyan lang yun hanapin mo lang” singit ni Jenill. Habang naghahapunan, nabuksan ang usapin tungkol sa nawawalang gamit ni Owen. Kahit ang tita ni April na pinagbibintangan ni Owen ay walang alam tungkol dito ngunit hindi na ito bago sa kanya. “Pinaglalaruan nanaman NILA tayo” bulong ng tita ni April sa hangin. “Huwag niyo nang hanapin ang kanyang gamit. Kusa iyon na lalabas basta huwag na huwag niyong hahanapin. Nakikipaglaro lang SILA sa atin” ang bilin ng tita ni April sa barkada. Sinunod nalang nila bilin ng Tita ni April. Maski si Owen ay tumigil na rin sa paghahanap at binaling nalang ang kanilang atensyon sa kani-kanilang cellphone. Naglaro nalang sila ng Spin the bottle kaya napuno ng tawanan ang sala. Nang matapat na kay April inutusan siya na uminom ng dalawang basong tubig. Habang kumukuha siya ng bote sa loob ng ref may napansin siyang pamilyar na bagay sa ibabaw ng nito. Ito lang naman ang mga hinahanap na gamit ni Owen. Kaya tinawag niya ang atensyon ng lahat sa nakita. “Bakit andyan yan? Hindi ko naman ito binaba ah” ang tanging nabanggit ni Owen “See, nagpapansin lang SILA.” Nakangising sabi ng tita ni April “Sabi na sayo ee namisplace mo lang yan pre.” Tugon ni Jenill “Promise. Hindi ko ito binaba.” Ani ni Owen “Hayaan niyo na nga balik na tayo dun” yaya ni April sa barkada
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD